"Really Jann you play basketball??" Tanong na naman ni Jay Kay Jann..
Naglalakad kami ngayong tatlo papunta sa basketball court dahil sports ang club na pinasukan ni Jann at basketball ang pinili niya..
At ito namang si Jay kanina pa pabalik balik yung tanong niya kung totoo daw bang naglalaro ng basketball so Jann..
"Oo nga kanina ka pa tanong ng tanong. Pang one hundred times mo nang natanong yan Yan" naiiritang Sabi ni Jann Kaya natawa naman ako.
High blood talaga to palagi pagdating kay Jay. Tsk.tsk.
Nagpatuloy lang kaming tatlo sa paglalakad hanggang makarating kami sa basketball court at naupo sa pinakaunang upuan..
Sinalubong naman si Jay ng mga kasamahan niya dahil basketball din itong sports niya.
Ede sila na basketball players. Marunong naman ako niyan kaso hindi ko alam kung paano nag foul, travelling, blablabla.. Kaya wala tamad na ko. Volleyball ang pinaka gusto kong sports, player nga ko nung elementary kami eh kaso tumigil ako nung nagka injury 'tong right hand ko.
"Jay sino ba yung team captain niyo? Iba ba yung team captain ng basketball sa girls at boys?" Tanong ko ng lumapit na ulit si Jay samin..
"Actually iba pero yung team captain ng basketball boys yun yung head sa basketball. He's our best player kaya ginawa siyang head ni coach" Sabi naman ni Jay at tumango tango kami ni Jann..
"Ehh sino ba yung head na yan?" Tanong ni Jann at napatingin naman sakin si Jay at ngumisi..
Anyari dito??
"Malalaman niyo rin yan. I mean ipapakilala ko siya sa inyo. Wait kayo dito tatawagin ko lang siya" Sabi ni Jay at tumango naman kami ni Jann..
"Galingan mo sa tryouts Jann" Sabi ko kay Jann..
"Aba oo naman. Basta eh cheer mo 'ko ah?"
"Aba oo naman no, ikaw pa ba. Alam mo namang number 1 supporter mo ko"
"Yun ohh" Sabi niya at niyakap ako.
Minsan OA rin 'tong pamangkin ko..
"Ehmm.."
Napatingin kami ni Jann ng may narinig kami.
At nakita ko si Jay at Tab na parehas ang suot na jersey. Baka basketball player rin siya...
"Guys this is Tristan Klien Devilla AKA Tab, he's our basketball head" nakangiting Sabi ni Jay.
Nalaglag naman ang panga ko sa narinig ko.
Siya ang head ng basketball!!???
Tiningnan ko si Tab na walang emotion na nakatingin sakin.
Ba't ba ako ang tinitingnan nito??
"And couz', mag t-try out si Jann----"
"You know how to play basketball??" Putol ni Tab kay Jay at tumingin siya kay Jann..
"Yezzz.. Kaya nga mag tatryout ako" Sabi ni Jann at ngumiti pa. Aba proud na proud hahaha..
"Magaling yang mag laro si Jann at best player ng basketball yan sa girls doon sa ami----"
"Shut up, I'm not talking to you" putol ni Tab sa sinasabi ko. Tiningnan niya ko at wala parin akong emotion na nakikita sa kanya.
"Ede shut up masyadong high blood naman to" pabulong kong kabi..
"Are you saying something?" Tanong niya na naman ulit..
"Wala!!" Medyo napalakas yung sigaw ko kaya napatingin sakin yung ibang players.
BINABASA MO ANG
I CALL HIM TAB (ON GOING)
RomanceI don't know him... He's not my friend, neighbor, school mate, classmate or either my dream guy. And speaking of dream boy, what do you mean by that? Ito ba yung lalaking gusto mong maging asawa o 'di kaya'y boyfriend? O ito yung lalaking gusto mo...