May mga pagkakataon talaga na yung taong nakakasama at nakakahalubilo natin ngayon ay nakita at na meet na pala natin noon..
Katulad nalang kay Tab, grabi sinong mag aakala na siya yun diba? Ang layo kaya ng Manila sa probinsya namin. Pero grabi no, sa kadami dami ng tao dito sa mundo yung taong tumulong lang sakin noon ay kaibigan at gusto ko na ngayon..
"Ms. Feliz tulaley ka na naman"
Napabalik ako sa wisyo ko ng marinig ko ang boses ni Ms. Lech, nandito pala kami ngayon sa classroom, wala na yung mga kaklase ko dahil kanina pa ang uwian pero mag papractice ako ngayon para sa singing contest..
"May iniisip lang po kasi ako Ms." Sabi ko at tumayo mula sa teachers table na inuupuan ko..
"Girl, mamaya na yan. 5 pm na mag practice na tayo" Sabi ni Ms. Lech at tumango naman ako.
Nag umpisa tumugtog ang minus one na kantang Till I Met You..
"I never dream, cauz I always thought that
dreaming was for kid just a childish
things.."
Kanta ko at kinanta ang sunod na lyrics ng Kanta..
"Till I met you, I never knew what love was,
till I met you, this feelings seems to grow
more everyday I love you more each day...
Ohh..ohhh..ohhh
Till I meet you...."
Pagtapos ko sa kanta. Ilang beses akong pina ulit ulit ng kanta ni Ms. Lech. Pinaractice din namin yung love story at Got to believe in Magic..
"Sinong kasama mo sa pag uwi Ms. Feliz?" Tanong ni Ms. Lech sakin ng matapos na ang practice namin.
"Ahh ako lang po Ms." Sabi ko at kinuha ang bag ko..
Nakita kong napatingin siya sa wrist watch niya Kaya napatingin din ako sa akin..
8:03 PM
Meron pa naman siguro akong masasakyan nito kaso wala akong kasama..
"Okay lang ba na ikaw lang mag isang uuwi?" Tanong ni Ms.
"Opo Ms. kayang kayang ko na this" Sabi ko at tumango naman siya.
Sabay kaming lumabas sa classroom ni Ms. Lech at naghiway din kami dahil pupunta pa daw siya sa faculty. Dumiretso na ako sa gate ng biglang may narinig akong tumawag sa pangalan ko..
Agad naman akong napalingon at nakita ko si Tab na tumatakbo. Naka basketball jersey siya at halos naliligo na siya sa pawis..
Napakagat naman ako ng aking pang ibabang labi.
"Bakit?" Tanong ko ng nasa harapan ko na siya..
Ba't ganun? Ang unfair, halos naliligo na siya sa pawis pero ang bango niya parin.
"Hmm.. uuwi ka na?" Tanong niya at tumango naman ako..
"Ikaw lang mag Isa?" Tanong niya ulit..
Ba't palagi nalang nagtatanong to?
"Oo nag text sakin si Jann na nauna na siya dahil hindi daw maganda yung pakiramdan niya"
"Ahh yeah I forgot, Ms. Jann Feliz is excuse in our practice because she's not feeling well" Sabi niya.
"Ehh ikaw?" Tanong ko..
"Me?"
"I mean di ka pa uuwi?"
BINABASA MO ANG
I CALL HIM TAB (ON GOING)
RomanceI don't know him... He's not my friend, neighbor, school mate, classmate or either my dream guy. And speaking of dream boy, what do you mean by that? Ito ba yung lalaking gusto mong maging asawa o 'di kaya'y boyfriend? O ito yung lalaking gusto mo...