1 week later at tadaaa!!!
Nandito na kami ulit ni Jann sa may gate ng FIS ready na kaming pumasok. So ngayong araw yung sinabing meeting kada club ni Ms. Genie. Wohh ka exite naman!!!
Ewan ko ba sa mga students dito 1 week na ang lumipas simula ng dumating kami dito sa school pero hanggang ngayon tingin parin sila ng tingin samin.
Alam ko namang maganda yung lahi namin kaya wag niyo kaming ma tingnan ng ganyan dahil halatang insecure kayo sa beauty namin.. nakuuu.. pero siyempre joke lang yun.lol.
"Babae ba talaga sila?"
"I think they're not, look oh the way na manamit sila they look like lesbian"
"Ugly lesbian yuckksss"
Ayyy grabi maka yuck si ate e mas maganda pa ko sa kanya eh. Di joke lang ulit..
Actually marami ng naka school uniform pero kami ni Jann hindi pa, sabi naman kasi ng Dean pwede kaming hindi mag suot ng uniform hanggang next week. Ok na naman yung uniform namin kaso tinatamad pa kami mag uniform.
At siguro natanong niyo kung bakit lesbian sila ng lesbian. Panlalaki kasi porma namin ni Jann. You know naman like tita like niece. Lolsss.
Naka oversized T-shirt kasi ako na kulay sky blue na may naka print na name na 'COOL' . Tapos naka maong pants ako at black shoes. Pero babae parin ako tignan dahil naka lugay yung mahaba kong buhok.
Si Jann naman naka purple na oversized T-shirt din tapos maong pants and black shoes. Kaso sa paningin ko mas kinarir yung pagiging tibo, naka tali yung buhok niya at as always naka sumbrero at parang lalaki kung maglakad.
Hinatid ko lang si Jann sa kwarto nila at dumiretso naman ako sa classroom..
"Hi Miss Feliz!"
"AY KABAYO NA MAY BOOBS--- ISHAN BA'T KA BA NANG GUGULAT??!!" Sigaw ko ng biglang sumulpot si Ishan sa may pintuan ng classroom dahil papasok pa lang ako .
Tumawa naman siya ng malakas at yung mga kaklase ko.
"Buti pa yung kabayo may boobs!" Sigaw ni Yael, ewan kung si Yael nga ba yung pangalan bahala siya diyan.
Pumasok nalang ako at dumiretso sa upuan ko at itong si Ishan ay nakabuntot naman sakin..
Hinarap ko naman siya at nginitian niya lang ako..
Problema nito??
"Ohh anong kailangan mo?" Tanong ko.
"Manliligaw sana" biglang sabi niya at nanlaki naman ang mga mata ko.
"Joke" Bawi niya at tumawa ng malakas, ganon na rin yung mga kaklase ko.
Isa kang malaking joke...
"Sige ipag pray ko nalang yang joke mo" Sabi ko at tinalikuran siya
Badtrip naman mag joke to. Sobrang walley, dati sa school ako yung president ng walley family pero parang ngayon mas pwede siyang maging president or god of walley family hahaha..
"Oyyy nainis, nag expect" panunukso ni Ishan at nag 'yieee' naman yung mga kaklase namin.
"Ako nag expect!? luhh ikaw ba si Nishimura Riki at Jay Park ng Enhypen o kaya si Jungkook ng BTS or yung mga asawa ko sa wattpad?" Tanong ko with matching nag bibilang ng mga taong iniidolo ko at mahal ko kahit hindi ako mahal. Lol.
"No, but I can be more than them" Sabi niya. Alam kong joke lang yun pero ba't uminit yung pisngi ko. Shit ka Ishan Anton patayin kita diyan eh. Di joke Lang .
BINABASA MO ANG
I CALL HIM TAB (ON GOING)
RomanceI don't know him... He's not my friend, neighbor, school mate, classmate or either my dream guy. And speaking of dream boy, what do you mean by that? Ito ba yung lalaking gusto mong maging asawa o 'di kaya'y boyfriend? O ito yung lalaking gusto mo...