Hanggang ngayon hiyang hiya parin ako sa nasabi ko kahapon sa canteen.
Aughh Ryma naman kasi eh, yang bibig mo talaga minsan ang magpapahak sayo.
"So, next next week is our Acquaintance party" Sabi ni Ms. Skies.
Nandito siya ngayon sa room namin dahil meron daw siyang sasabihin at ito na nga siguro yun.
Ewan ko ba pero wala talaga akong ganang makinig ngayon. Parang ang tamlay ko.
Hayss..
"So all girls must wear dress and sa boys naman is formal attire"
Nakinig lang ako sa mga sinasabi ni ma'am at medyo natawa ng sinabi niyang lahat ng girls ay mag de-dress. Naiisip ko kasi si Jann hahaha..
Alam kong di siya sanay mag suot ng dress dahil parang tomboy. Pero Alam kong hindi siya tomboy dahil may mga sinalihan na rin naman yang pageant.
Ako okay lang sakin mag dress, actually nangungulikta nga ako ng mga dress eh. Pero sinusuot ko lang ang mga yun tuwing nagsisimba kami.
"And class ngayong 2:30 PM ay meron kayong meeting sa inyong mga clubs for the upcoming acquaintance party"
Napatingin naman ako sa wrist watch ko.
2:20 PM na pala, 10 minutes nalang..
Marami pang sinabi samin si Ms. Skies bago tuluyang mag bell.
2:30 PM na.
Agad akong tumayo at niligpit ang mga gamit ko, aalis na sana ako ngunit bigla akong tinawag ni Jay.
"Honey, diba writing club yung sinalihan mo?" Tanong niya at tumango naman ako. "Sabay na tayo pababa"
Sabay kaming bumamaba ng classroom dinaanan na rin namin si Jann dahil basketball din naman yung sports niya.
Hinatid nila akong dalawa sa room kung saan kami palaging nag memeeting.
Pag pasok ko ay nandoon na silang apat si Ms. Lech nalang ang kulang.
Binati ko silang apat at naupo sa tabi ni Khea. Maya-maya pa ay dumating na rin si Ms. Lech.
"Good afternoon, writers" nakangiting sabi ni Ms. Lech sa harapan namin.
"So next next week ay Acquaintance party na natin, August 27,2020. So, mga writers kailangan niyong gumawa ng story isa-isa then babasahin niyo iyon sa stage."
Ano!??
"One shot story lang po ba Ms.?" Tanong ni ate Leashy.
"Yup one shot story lang para hindi masyado mahaba"
"Eh Ms. Depende po ba sa genre?" Tanong naman ni Khea at tumango naman si Ms.
"Ms. Pag binasa mo talaga sa stage kailangan with feelings?" Tanong ko naman at tumango naman si Ms.
Awss.. so pag umiiyak yung nagsasalita kailangan iiyak ka rin??
Nakuu hindi pa naman ako magaling sa mga ganyan..
"Next week ipapakita niyo sakin ang nagawa niyong story para mabasa ko" Sabi pa ni Ms. at tumango tango lang kami.
"And before I forgot, every clubs pala dapat ay merong representative sa singing contest pag wala daw representative disqualified lahat sa mga activities" dagdag pa ni Ms. at kita kong nagtatanong ang mga mata ng mga kasamahan ko, well pati ako..
Grabi disqualified talaga?!?!
"Sino sa inyo ang marunong kumanta?" Tanong ulit ni Ms. at wala ni isa sa amin ang nag taas ng kamay..
BINABASA MO ANG
I CALL HIM TAB (ON GOING)
RomanceI don't know him... He's not my friend, neighbor, school mate, classmate or either my dream guy. And speaking of dream boy, what do you mean by that? Ito ba yung lalaking gusto mong maging asawa o 'di kaya'y boyfriend? O ito yung lalaking gusto mo...