Chapter 19.1: Acquaintance party ✓

4 0 0
                                    

"thanks sa pag hatid kuya Daryl" Sabi ko ng makababa kami ni Jann sa sasakyan.

"Walang ano man, oh mag ingat kayo ha baka may manligaw na agad sa inyo dahil ang gaganda niyo" Sabi ni kuya at natawa naman kami ni Jann..

"Tito naman eh sinong manliligaw dito samin? At tsaka medyo hindi ako comfortable sa pesteng off shoulder drees na to" Sabi niya at natawa naman kami ni kuya .

"Oh sige na mauna na ako good luck nalang sa inyo" Sabi ni kuya Daryl at tumango naman kami kumaway pa kami sa kanya bago siya tuluyang maka alis..

Naka kulay sky blue ako na off shoulder dress, lagpas ito sa tuhod ko at meron itong slit hanggang sa legs. Tinirintas ko ang kalahati ng buhok ko at ang kalahati ay nakalugay, nilagyan ko rin ito ng clip na may design na ribbon na kulay sky blue. Parehas kami ng dress ni Jann, na iba lang ang kulay nito, Kung sa akin sky blue sa kanya naman ay purple. Parehas din kami ng style ng buhok at may clip din siya na ribbon pero kulay purple ito.

Nagtalo pa kami kanina dahil itatali niya nalang daw yung buhok niya at isusuot niya lang daw yung sumbrero niya pero pinagalitan ko siya. Ehh dahil ako ang tita no choice ang gaga hahahaha...

Parehas kaming naka high heels, sa kanya kulay purple sakin kulay sky blue. Oo high heels talaga gustong gusto kaya namin sa matataas na heels sa totoo lang tinatakbo takbo lang namin.

Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng school ni Jann. Inilibot ko ang paningin ko at namangha ako sa mga design nila. Ang gaganda at ang gagwapo ng mga estudyanteng nakikita ko.

Nakita kong napatingin samin ang ibang mga estudyanteng nadadaanan namin pero wala dedma lang kami.

"Paunahan ng takbo tita hanggang sa classroom namin" biglang sabi ni Jann at agad ko naman siyang binatukan.

"Aray naman" reklamo niya..

"Okay ka lang Jann? Baka masira tong heels" Sabi ko..

"Hindi yan masisira tinahi yan ng limang beses eh kaya hinding hindi yan masisira" Sabi ni Jann at Napa 'weee' naman ako at tumango naman siya.

"Segi na nga" Sabi ko at tumigil kami sa paglalakad..

"Kung sino mananalo siya ang ilelebre mamaya"

"Okay ba, ako bibilang ah" Sabi ko at tumango naman siya.

Pumwesto muna kami Hindi namin pinapansin ang mga taong naka tingin samin..

Bala kayo diyan no, trip namin to..

"Ready, one.... Two.... Three..... GO!!" Sigaw ko at nag paunahan kaming tumakbo..

Halos hindi kami makatakbo ng maayos dahil tawa kami ng tawa at nagsisigawan pa kami habang tumatakbo. Lahat ng mga students na madadaanan namin ay gumigilid at nag tataka ang mga mukha nila..

Tawa kami ng tawa habang nagpapaunahan parin sa pagtakbo pa akyat ng building, nasa 2nd floor na kami at paakyat na ng hagdanan, ng tuluyan na kaming makaakyat ng hagdan ay halos matumba kami ni Jann dahil mula sa mabilis naming pagtakbo ay bigla kaming tumigil dahil may dalawang panira ng trip ang humarang sa dadaanan namin.

At ng tingnan ko kung sino ito ay napanganga ako..

Jay!! Tab!!!

Habol habol ko ang hininga ko habang nakatingin kay Tab na kasalukuyang naka tingin din sakin..

Shit ba't ang gwapo gwapo niya ngayon sa porma niya?

Tapos samantalang ako mukhang lantang dahon at halos naliligo na ko ng pawis kahit umaga pa lang .

"Ba't kayo tumatakbo at naka high heels pa talaga ah" natatawang sabi ni Jay..

"Eh pake mo" Sabi ni Jann kay Jay at tiningnan naman ako ni Jann..

I CALL HIM TAB (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon