BALAT KABAYO
Isinulat ni Alex Asc
DAGLIAN below 500 wordsSi Jenice. Isang Prinsesang sadyang napakahilig sa balat ng kabayo. Halos lahat ng kaniyang damit ay espisyal na ipinagawa mula sa balat ng kabayo. Hindi siya nagsusuot ng damit na ang tela ay hindi gawa sa balat ng kabayo.
Minsan palihim siyang napagtatawanan sa palasyo. Dahil bakit hindi na lamang daw siya naging kabayo. Nang sa ganoon ay hindi na niya kailangan magpagawa ng damit na nagmula sa balat ng kabayo. Kusa nang nakasuot umano iyon sa kaniya bilang kabayo.
Dati-rati ay kayraming kabayo sa palasyo ngunit mula ng magdalaga ang Prinsesa ay nagkaubusan na. Ipinapapatay niya ang mga iyon para gawing damit ang balat ng mga iyon. Hindi naman makatanggi ang Hari dahil sa labis na pagmamahal sa anak. Kaya't puro na lamang camel ang natira sa kanilang alaga.
Isang araw. Ipinag-utos ng Prinsesa ang pagpapagawa ng bagong damit na susuotin sa engrandeng salo-salo. Dahil puro may matataas na uri ng pamumuhay ang imbentado ay paniguradong pagandahan ng kasuotan ang isusuot ng mga dadalo. At si Prinsesa Jenice ay magpapagawa ng pinakamagandang gown.
Naghanap nang kabayo ang mga kawal sa nasasakupan ng kanilang kaharian. Subalit bigo silang makahanap. Bumalik sila sa kaharian ngunit nagalit ang Prinsesa.
"Huwag na huwag kayong babalik rito nang walang nahahanap na kabayo!" utos naman ng Hari.
Sinubukang pumaroon sa ibang bayan ang mga kawal. Dahil labas sa kanilang teritoryo ay maingat sila. Kinausap nila ang ilang mayroong kabayo upang bilhin pero hindi pumayag ang mga iyon.
"Kahit gaano kamahal, bibilhin namin," pakikiusap ng kawal.
"Iyang Prinsesa niyo. Pinapatay lamang ang mga kabayo. Paano namin ipagbibili ito kung ganoon lang din ang gagawin niya," sagot nila.
Malungkot na bumalik sa palasyo ang mga kawal.
Sumapit ang magarbong okasyon. Dumating ang Prinsesa Jenice sa kakaibang kasuotan. Napakahaba ng kaniyang gown na parang sa pangkasal. Napapailing ang mga tao dahil kakaiba. Kahit gown ay balat kabayo nga ang ginamit.
Nagtaka ang ilan kung saan naman kaya kumuha ng balat ng kabayo ang kanilang kaharian.
Pagdating sa kaharian ay ganoon na lamang ang sindak nila. Kasalukuyang may nagwawalang kakaibang nilalang. Hindi lang isa kun'di napakarami pa nila. Kakaiba ang mga anyo. Ulong kabayo at ilang bahagi ng katawan ay kabayo. Pero nahahaluan ng katawan ng tao. Mga Tikbalang.
Kasalukuyan silang bumuboga ng apoy. Sinusunog ang mga tao. Pinilit manlaban ng mga kawal ngunit wala silang binatbat sa mga iyon.
"Sila'y mga alagad ng dilim. Tinatawag silang Tikbalang. Tumakas na kayo, Mahal na Hari," anang Punong Heneral.
"Bakit nila tayo nilusob?" tanong ng Hari.
"Sapagkat ang aking mga tauhan ay walang makuhang kabayo. Kaya't ang hinuli nila ay ang mga batang Tikbalang. Iyon ang ipinalit sa balat ng kabayo na ginawang kasuotan ng Prinsesa."
Nasusunog na ang kalahati sa kaharian dahil sa pagwawala ng mga Tikbalang. Kaya't napilitang lumisan ang Hari at ng pamilya nito.
Tuluyang naglaho ang kanilang kayamanan at kaharian. Namuhay na lamang silang dukha sa paglipas ng panahon.
WAKAS.
BINABASA MO ANG
31 DAYS OF TERROR
Horror31 DAYS OF TERROR. Isang buwang kuwentong katatakutan. Nais mo ba ng mga kuwentong sobrang iikli. Iyong malalaman mo na agad ang kabuoan ng kuwento. Inihahandog ko ang tatlumpo't isang kuwento nang katatakutan. Magkakaibang kuwento at talagang kahi...