MEOW SQUAD
Isinulat ni Alex Asc
DAGLIAN below 500 words"Sige Melinda! Tusokin mo pa!" utos ni Carla habang may hawak na mahabang kutsilyo si Melinda.
"Walang hiya ka, Rechard!" daing ni Melinda.
Itinodo naman niya iyon sa baha-bahagi nang katawan ng lalaking minahal niya't nanloko sa kaniya. Matapos niyang ibigay ang lahat at ipagpalit ang sariling magulang sa lalaking ito, tapos ay lolokohin lamang siya.
"Tuluyan mo na siya!" Habang gapos nila si Rechard. Itinapat niya ang kutsilyo sa bandang puso ng lalaki at buong lakas na isinaksak.
MEOW SQUAD. Makapusang samahan nang mga baklang sawi sa pag-ibig na may mga guhit na pusa sa kanilang mukha.
Pinangungunahan ni Carla na dating si Carlo ang samahan. Si Brenda na dating si Brayan. Esmeralda na dating Elias. Mariah na dating Mario at ang baguhang membro na si Melinda na dating si Melchor.
Sila ay gumagamit nang itim na majika, mula sa karunungan ng Lola ni Carla. Hindi sila natutunton ng batas kahit matagal na silang wanted. Dahil sa itim na karunungan.
Dati nang magkakaibigan sa pinagtatrabahoang parlor ang apat. Dahil paulit-ulit na pineperahan at niloloko ay nagtanim sila nang galit sa mga kalalakihan.
Kabadong-kabado at nanginginig pa si Melinda matapos niyang mapatay si Rechard. Hindi niya akalaing magagawa niya ang karumal-dumal na krimen na ito.
"Okay lang 'yan. Isipin mo na lang, lahat ng kahayupan niya sa iyo," ani Mariah.
"Huwag kang mag-alala. Hinding-hindi tayo mahuhuli." Kumindat pa si Brenda.
"Get ready na lang sa maiinit at masasarap na sandali sa piling ng mga boys," ani Esmeralda. Nagtawanan sila bukod kay Melinda na hindi pa rin nahihimasmasan.
Ito ang gabing gagala na naman sila. Manghuhuli sila nang mga lalaking magpapaligaya sa kanila, tapos ay ito-torture nila't papatayin. Umaarangkada sila sa kaseksihan. Tinalo pa nila ang tunay na kababaihan.
Marami silang naisamang kalalakihan mula sa bar. Nagpatuloy sa pagsasayaw ang mga kalalakihan sa sariling apartment ni Carla.
Halos nakahubad na at pinasasabik ang mga bakla. Ang ka-partner ni Carla ay kasalukuyan niyang sinasampal ng pera habang magkapatong sa kama.
"'Di ba, mukha ka kang pera! Ito ang sa iyo!"
Matapos ang maliligayang sandali ay brutal nang pinagpapatay ng lima ang mga iyon. Napuno nang sindak at hiyawan ang apartment ni Carla. Animo'y mga hayop na pinapahirapan ni Carla ang mga iyon.
Kinabukasan. Natagpuan sa may basurahan ang katawan ng mga panibagong biktima.
Hindi na kaya ni Melinda ang napasukang samahan. Oo, ninais niyang makaganti ngunit hindi naman katulad nito. Hindi niya kayang pumatay ng mga inosenting tao.
"Aalis na ako sa samahan," biglaan niyang sambit. Nagulat ang apat. Si Mariah na pinaka-close niya'y kinausap si Melinda pero ayaw makinig.
Itinutok ni Carla ang revolver kay Melinda. "Kamatayan ang magpapalaya sa iyo rito!" Akmang ipuputok na niya ang baril nang magsidatingan ang mga Pulis. Labis namang nagtaka ang mga iyon.
"Sorry pero para na rin sa ikakabuti natin ang lahat ng ito! Sinira ko ang majikang itim mula sa manggagamot na binayaran ko."
Wakas.
BINABASA MO ANG
31 DAYS OF TERROR
Horror31 DAYS OF TERROR. Isang buwang kuwentong katatakutan. Nais mo ba ng mga kuwentong sobrang iikli. Iyong malalaman mo na agad ang kabuoan ng kuwento. Inihahandog ko ang tatlumpo't isang kuwento nang katatakutan. Magkakaibang kuwento at talagang kahi...