BUKO VENDOR

118 7 0
                                    

BUKO VENDOR
Isinulat ni Alex Asc
DAGLIAN below words

Isang buko juice vendor si Kulas. Sa pamamagitan lamang ng pagbubuko niya itinataguyod ang kaniyang mga anak. Matagal nang wala sa mundo ang kaniyang asawa. Kaya't siya ang tumatayong ina na rin ng mga bata.

Apat ang kaniyang mga anak. Hindi pa umaabot ng sampung taon ang tatlo, bukod kay Miles na panganay na nasa labing-anim na.

Kahit mag-isa lamang si Mang Kulas ay labis ang kaniyang pagtataguyod sa kaniyang mga anak. Nais niyang mapagtapos ang mga iyon sa pag-aaral. Kaya't todo kayod si Mang Kulas.

Nagtutulak siya ng kariton na may lamang buko at mga niyog. Iyon ang inilalako niya sa paligid ng palingke. Hanggang sa humirap ang situation niya.

Naging mahigpit ang mga MMDA dahil sa utos nang nasa itaas. Na-demolish ang mga side-walk vendor. Walang hinahayaang makalatag sa bangketa. Ganoon rin ang paghihigpit nila sa mga nagtutulak ng kariton.

Hahayaang maglako ang kariton ngunit ipinagbabawal na tumigil iyon, bagay na hindi naman maiwasan ng vendor dahil kailangang huminto tuwing may bibili.

Dahil sa labis na paghihigpit ay sinubukan ni Kulas na doon magtinda sa mga baranggay. Ngunit matumal at hindi kaya ang pangangailangan nila araw-araw. Kaya't tumungo ulit siya sa highway. 

Marami ang namili sa kaniya, kaya't kinailangan na naman niyang huminto. Muli siyang nasita ng MMDA. Dahil sa pambabaliwala niya sa kanila ay medyo nagalit ang mga batas ng lansangan. Kaya't nagsibabaan ang mga iyon.

Pinalibutan siya at binuhat ang kaniyang kariton.

"Huwag po, maawa po kayo," pigil niya sa kanila ngunit hindi nila pinakinggan. Isinakay nila iyon sa malaking truck.

Malungkot na malungkot si Kulas, lalo't kailangan niya ng malaking halaga para sa tuition fee ni Miles. Malapit na ang pasukan at magkokolehiyo na iyon. Pati na rin ng mga kagametan ng mga anak niyang puro papasok ng paaralan.

Sa kaniyang paglalakad pauwi ay nakaramdam siya ng pananakit ng dibdib. Tumindi pa iyon na parang hindi na siya makahinga. Sapo ang dibdib at unti-unti na siyang natutumba.

Isinugod siya sa hospetal ngunit ideneklarang patay na. Sakit sa puso ang ikinamatay.

Malungkot na malungkot ang mga bata. Hindi nila alam kung ano ang gagawin nila. Wala rin silang kilalang kamag-anak sa ina. Ang mga kamag-anak naman ni Kulas ay nasa Mindanao pa raw.

Tumigil nang pag-aaral si Miles at ipinagpatuloy ang pagbubuko ng ama upang itaguyod ang mga kapated. Hindi niya kinakahiya pagkat dito na sila binuhay ng kaniyang ama. May alam rin naman siya sa pagtitinda ng buko.

Isang gabi. Ginabi siya ng uwi. Nang may humarang sa kaniyang mga tambay. Bukod sa kinuha ang kinita ay hinila pa nila siya sa may madilim na parte. Hinipuan at hinahalik-halikan. Nagpupumiglas siya pero nakatakip ang kaniyang bibig mula sa kamay ng mga iyon.

Hanggang sa umangat ang isang kahoy na ikinagulat ng mga kalalakihan. Isa-isang hinampas sa mga iyon. Tumakbo silang takot na takot.

"Salamat, Itay..." wika ni Miles sa ama na lagi niyang kasama.

Wakas.

31 DAYS OF TERRORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon