DANGER IN EARTH
Isinulat ni Alex Asc
DAGLIAN 500 wordsNababalot nang dilim ang buong mundo. Tuluyang naghari ang mga masasamang nilalang laban sa mga mortal.
Ang mga Halimaw, Aswang, Bampera, Taong Lobo Mangkukulam at Mambabarang, kasama ng ilan pang nilalang sa dilim na may dugong tao't halimaw ay nagsanib puwersa laban sa mga tao. Ang layunin nila'y upang malayang makapamiktima ng mga tao. Sila-sila ang nagkampihan at pinaghaharian ang mundo.
Kaming mga mortal ay nakasadlak sa madilim at mabahong lugar. Nagkawatak-watak na nananahan sa mga kuweba sa kagubatan. Walang kalayaan habang nagtatago. Ang lumalabas at naaaktuhan ng mga nilalang sa dilim ay kanilang pagpipistahan. Kaya't bawat isa sa amin ay natatakot para sa aming sarili. Ngunit hindi namin maiiwasan ang minsa'y lumabas upang maghanap ng makakain.
"Ang daming bungang papaya," sambit ng kaibigan kong si Carol. Nangunguha kami ng mga prutas nang madinig namin ang pagaspas at ilang ungol. Napasilip ako sa kabilang dako. Tumatakbo ang isang lalaki habang hinahabol ng mga halimaw. Naabutan nila iyon at walang awang pinagkakagat.
Napaluha kami ng kaibigan ko. Ito ang masakit na katotohanan. Wala kaming magawa upang iligtas sila. Natatakot rin kami para sa aming buhay.
Pauwi na kami nang matanaw ko ang isang batang humihikbi. Na-trap siya sa malaking lambat. "Nakakaawa naman siya," malungkot kong wika.
"Marahil, anak ng halimaw 'yan, Cliensy." Pinagbawalan ako ni Carol na lumapit pero hindi niya ako napigilan sa paglapit doon.
"Aalisin lang natin 'yong lambat para makauwi siya." Nainis si Carol sa akin pero sumunod na lang. Pagkatanggal namin ay umalis na kami pero ganoon na lang ang gulat namin dahil nakasunod siya.
"Umuwi ka na! Baka makita kami ng mga halimaw mong kauri!" sita ni Carol.
"Hindi po ako halimaw. Hindi ako tagarito, tagaroon ako." Turo niya sa langit. Umiyak siya sanhi upang lapitan ko. Niyakap niya ako sa hita. Sinabi niya sa amin na nakatira raw sila sa ibang planeta. Natawa lamang kami.
Isinama ko siya. Nagalit ang mga tao sa akin. Pero ipinaliwanag ko na iba siya. Natanggap rin nila siya. Napakalambing ni Nylaner. Iyon ang kaniyang pangalan at marahil nasa walong taon pa lamang siya.
Naging sobrang lapit namin sa isa't isa. Minsan naging schedule ko upang lumabas at maghanap ng pagkain pero hindi siya nagpaawat at sinamahan ako.
Kasalukuyan kaming nangunguha nang biglang magsidatingan ang mga Bampera at Lobo. Ikinubli ko si Nylaner sa likuran ko.
"Nakakatakot sila," takot na sabi ni Carol. Palapit nang palapit ang mga halimaw nang magpakita si Nylaner. Nagsiatungal ang mga halimaw at nagsitakbuhan. Doon ko napagtanto na talagang kakaiba siya.
Dumating ang ilang nilalang na naghahanap sa kaniya. Sakay sila ng kakaibang sasakyan. Masaya silang sinalubong ni Nylaner. Nalungkot ang bawat isa sa amin sa nakatakda nilang pag-alis, nang sabihin nilang nais daw nilang manirahan dito kasama kami.
Bumuo kami ng pamayanan at mula noon ay hindi na kami ginulo ng mga nilalang sa dilim. Dahil marahil sa takot sa mga bagong kasama namin.
Wakas.
BINABASA MO ANG
31 DAYS OF TERROR
Horor31 DAYS OF TERROR. Isang buwang kuwentong katatakutan. Nais mo ba ng mga kuwentong sobrang iikli. Iyong malalaman mo na agad ang kabuoan ng kuwento. Inihahandog ko ang tatlumpo't isang kuwento nang katatakutan. Magkakaibang kuwento at talagang kahi...