MOTORSIKLO
Isinulat ni Alex Asc
DAGLIAN Below 500 wordsKinailangan bumili ni Rex ng motorsiklo. Lagi na lamang siyang nala-late sa trabaho dahil mahaba ang trapiko sa edsa at siksikan lagi ang MRT. Bukod sa mapapabilis na ang kaniyang pasok ay makakatipid pa siya sa pamasahe.
May inalok sa kaniyang single motor. XRM iyon. Bago pa raw iyon dahil nakakaisang taon. Ilang beses na raw naipagbili ang motorsiklo ngunit wala namang sira.
Napag-alaman ni Rex na namatay na raw ang unang may-ari nito. Isang Rider umano iyon. Namatay daw sa aksidenti gamit ang motorsiklo na ito. Marami raw ang motorsiklong pagmamay-ari ng taong iyon ngunit paborito raw niya ito, dahil regalo raw ng kaniyang inang nasa abroad.
Mura ang benta at sayang kung pakakawalan pa ni Rex. Binili agad niya iyon. Unang sabak niya sa kalsada papuntang trabaho ay na-e-enjoy niya ang pagmomotorsiklo. Nagiging challenges sa kaniya ang mabagal na usad ng madaming sasakyan sa daan na ino-overtake-an niya. Sisingit sa pagitan ng mga sasakyan. Pakiwari niya ay isa siyang action star na tuloy-tuloy sa pagpapatakbo.
Ilang araw na rin niyang ginagamit iyon. Nang isang umaga ay naging sanhi upang araruhin ng isang truck ang kasunod na Van. Iniwasan siya pero sa iba bumangga. Nais ni Rex bumaba ngunit bigla na lamang sumirit ang motorsiklo palayo. Sinusubukan niyang mag-break pero ayaw huminto.
Doon na kinilabutan si Rex. Baka nga nagmumulto ang may-ari ng motorsiklo. Naibalita ang nangyaring aksidenti at patay ang mga tao sa van. Ngunit ang labis na ipinagtataka ni Rex at ng ibang tao ay ang kuha sa maraming CCTV. Blurred ang plaka ng motorsiklo, kaya't hindi ma-detect kung sino ang may-ari.
Dahil doon, napagpasiyahan ni Rex na huwag nang sumuko. Aksidenti lang naman kasi ang nangyari.
Minsan, sa kaniyang pagmamaneho sa kalye ay halos lumipad na ang kaniyang motor sa tulin. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon. Hanggang sa may magsalpukang motorsiklo. Nasigawan pa siya ng karamihan. Ngunit muli tuloy-tuloy sa pagsibat ang kaniyang sasakyan. Ni hindi siya mahuli ng mga police dahil sa bilis ng pagpapatakbo.
Sa muling kuha sa camera ay hindi na naman ma-clear ang plaka. Maraming beses pang may naganap na aksidenting ang pinagmulan ay siya. Maraming buhay ang nawala dahil sa kaniya.
Nagi-guilty na si Rex kaya't nais na niyang sunugin ang motorsiklo. Subalit gumalaw, umabante ang motorsiklo upang iwasan si Rex.
"Nagmumulto ka ba? Tumigil ka na dahil susuko na ako!" sigaw ni Rex.
Umihip ang hangin ng malakas at may bulong na nadidinig si Rex. "Hindi mo iyan masisira, ngunit pwedi mong ipasa sa iba."
Kinabukasan ay ibenenta ni Rex iyon. Inalam niya ang nangyari sa ilang nakabili roon. Napag-alaman niyang sila'y puro rin naaksidenti. At ang suspek ay ang motorsiklong may malabo ang plaka sa kamera.
Isang buwang hindi lumabas si Rex sa bahay dahil sa takot. Hanggang sa mapagpasiyahn niyang ituloy ang buhay.
Malapit na siya sa kalsada nang bigla ay paparating sa kaniya ang Jep. Tuluyan siyang binangga.
Wakas.
BINABASA MO ANG
31 DAYS OF TERROR
Horror31 DAYS OF TERROR. Isang buwang kuwentong katatakutan. Nais mo ba ng mga kuwentong sobrang iikli. Iyong malalaman mo na agad ang kabuoan ng kuwento. Inihahandog ko ang tatlumpo't isang kuwento nang katatakutan. Magkakaibang kuwento at talagang kahi...