CINDIRELLA SHOE

110 5 0
                                    

CINDIRELLA SHOE
Isinulat ni Alex Asc
DAGLIAN below 500 words

Si Cindy, isang katulong na may mataas na ambisyon. Iyon ay ang yumaman sa buhay. Ngunit bukod roon ay may maitim pa'ng puso.

Isang umaga. Nagalak ang mga binibini sa buong bayan ng Almiro. Sapagkat ang pinakamayamang Hari ay nag-anunsyo nang babaeng maiibigan at pakakasalan ng kaniyang anak na Prinsipe. Hindi umano siya mamimili ng itsura o katayuan sa buhay ng magiging Prinsesa ng kaniyang anak, kun'di kung sino ang mapipili ng Prinsipe.

Nag-anunsyo ang kaharian ng magarbong okasyon. Ang bawat kalahok na binibini ang pagpipilian ng Prinsipe Leonardo.

Ang bawat babae sa bayang iyon ay naghanda ng magagandang kasuotan.

Si Cindy ay nagpaalam ng maayos sa kaniyang amo ngunit hindi sila pumayag. Sapagkat ayaw nilang makita ng Prinsipe si Cindy. Sa taglay na kagandahan ni Cindy ay maaaring mahumaling ang Prinsipe.

Ngunit hindi mapipigilan ninuman ang pagnanais ni Cindy. Nag-ayos siya at tumungo sa engranding okasyon.

Pasilip-silip siya sa labas ng kaharian. Nag-aalanganin siya dahil nasisilip niya ang mga bruha niyang amo.

Ngunit naiisip niyang, baka pagkakataon na niya upang yumaman. Baka siya ang piliin ng Prinsipe.

"Ang papangit ng mga babae sa loob. Walang binatbat sa beauty ko! pagmamalaki niya sa sarili.

Ang Prinsipe ng mga sandaling iyon ay nakasimangot dahil wala siyang maibigan sa mga babaeng naroroon. Nang mabighani siya sa babaeng paparating.

Agad niyang sinalubong at isinayaw ang babae. Romantiko ang galaw nilang dalawa kasabay ng saliw ng awitin. Nang  magsalita bigla ang mga amo ni Cindy.

"Mahal na Hari, hindi siya bagay kay Prinsipe, dahil isa lamang siyang katulong!"

"Kahit na, kung maiibigan naman siya nang Prinsipe ay bakit hindi!" galit na sagot ng Hari.

"Isa rin siyang kaladkaring babae! Isang kabit!" sigaw ng ibang babae.

Mapanuring tingin ang ipinukol ng Prinsipe.

Bumitaw si Cindy sa Prinsipe. "Nagpapaniwala ka sa kanila!" Tumakbo si Cindy ngunit naiwan ang isang pares niyang sapatos.

Ipinahanap ng Prinsipe ang nagmamay-ari ng sapatos. Ang kondisyon ay kung sino mang babae ang pagkakasiyahan ng sapatos na iyon ay siya ang pakakasalan ng Prinsipe.

Natagpuan nila ang pinapasukan ni Cindy. Ang dalawang anak ng amo ni Cindy ay hindi napagkasiyahan ng sapatos.

Hanggang sa subukan nilang ipasuot sa katulong. Kumasya ang sapatos bagay na ikinatuwa ng mga kawal.

Dinala nila si Cindy sa Prinsipe at naganap ang kasal.

Masayang-masaya si Cindy. Sapagkat natupad na rin ang kaniyang pangarap. Dahil sa taglay niyang ganda ay biglang yaman siya.

Plano niyang gumanti sa mga taong nang-api sa kaniya. Nais niyang ipahuli ang mga iyon at gawing alipin sa palasyo.

"Kaya mo bang tanggapin kung ano man ako?" biglaang tanong ng Prinsipe. Magkatabi sila sa kama sa kanilang unang gabi.

"A, e, ako dapat ang nagtatanong niyan, Prensipe."

Nagulat si Cindy, sapagkat marahang napapadaing ang Prinsipe. Unti-unting lumilitaw ang buong balahibo sa katawan. Sa isang iglap, ay isa na siyang mabangis na halimaw.

Hindi maintindihan ni Prinsipe, pero natatakam siya kay Cindy. Sinunggaban niya iyon at kinagat.

Wakas.

31 DAYS OF TERRORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon