HIRAM NA MUKHA
Isinulat ni Alex Asc
DAGLIAN Below 500 wordsPansin ni Adriana na umiibig si Hiera kay Donald, ang kaniyang nobyo.
"Hmm, mukang nagka-crush na ang teenager kong kapated?" Hindi naman makasagot si Hiera habang kunwari nahihiya.
"Si Donald ba?" panunuring tanong ni Adriana.
"Sis, para naman maranasan mo, makikipagpalit ako sa iyo," alok ni Adriana.
"Naku! huwag na, ate," sagot ni Hiera.
"Huwag ka ng mahiya," ani Adriana.
Para sa ikakaligaya ng kapated ay magpapalit sila ng anyo. Tatanggapin niya ang katauhan bilang ahas samantalang makukuha rin ni Hiera pansamantala ang imahe ni Adriana.
Nahihiya man si Hiera ay tinanggap na rin niya upang sumaya. Nagkita sila ni Donald. Nakasama niya buong maghapon sa pamamasyal.
Naninibago si Donald ngunit ipinagkibit-balikat na lamang. Ganoon na lang kasi ang pagiging malambing at masiyahin ni Adriana. Walang kaalam-alam si Donald na iba pala ang kasama.
"O, masaya ba ang sister ko?" Sinusuklay-suklayan ni Adriana ang kapated na si Hiera. Ikinukuwento naman ni Hiera ang pangyayari.
Sa pamamagitan ng orasyon ay muli silang nagpalit ng puwesto. Ang totoong babaeng ahas ay si Hiera ngunit may kakayahan silang magpalit ng anyo. At dahil sa labis na pagmamahal ni Adriana sa kapated ay isinasakripisyo niya ang sarili upang magpalit ng anyo, kahit katunayan ay mahal niya si Donald.
"Ate, gusto ko makita si Donald," nakasimangot na sabi ni Hiera. Muli na naman silang nagpalit ng puwesto upang mapasaya ng ate ang kapated.
Buong maghapon na namang magkasama ang dalawa. Pagdating ng bahay ay masayang-masaya na naman si Hiera. Naging paulit-ulit ang pagpapalit, hanggang sa nag-aalala na si Adriana dahil hindi pa umuuwi ang kapatid samantalang hating gabi na.
Kinabukasan, galit na galit si Adriana nang dumating ang kapated ng umaga ngunit dahil sa nakangiting mukha ng kapated ay itinago ang kaniyang galit.
"Hiera, next time, huwag na huwag mo nang gagawin iyon," babala ni Adriana. Dinadamdam kasi niya ang pagtulog ng kapated sa nobyo. Masakit sa kaniya ang pagtitiwala nito, bukod roon ay nagseselos na siya.
"Ate, pinagbabawalan mo ba ako? Bakit? Nasasaktan ka ba? Nagseselos ka, 'no?" Matigas ang tinig ni Hiera na wari galit. Nalungkot naman si Adriana. Napansin agad ni Hiera ang pagkakamali kaya't humingi ng tawad sa kapated. Nilambing at niyakap.
"Ate, paano kaya kong magpalit na lang tayo ng anyo nang tuluyan?" Hindi makasagot si Adriana, dahil mahirap ang hinihiling nito.
"Joke lang, Ate. Basta, akin lang si Donald, ah?" Pilit na tumango naman ang kapated kaya't hinalikan ni Hiera si Adriana.
Isang gabi, umuwing lumuluha si Hiera. Nakipaghiwalay daw si Donald, dahil hindi siya pumapayag ay sinaktan pa siya nito. Halos sasabog naman sa galit si Adriana.
Para sa ikakaligaya ng kapated ay kinidnap ni Adriana si Donald at inuwi sa kanilang bahay. Nagulat naman ang lalaki nang maabutan ang ahas.
"Ano 'to?" Nanginginig ang lalaki. Walang sabi-sabi ay tinuklaw ng ahas na ipinagtaka ni Adriana.
"Bakit, sis?
"Nasisira ang relasyon natin bilang magkapated dahil sa kaniya," aniya.
Wakas.
BINABASA MO ANG
31 DAYS OF TERROR
Horror31 DAYS OF TERROR. Isang buwang kuwentong katatakutan. Nais mo ba ng mga kuwentong sobrang iikli. Iyong malalaman mo na agad ang kabuoan ng kuwento. Inihahandog ko ang tatlumpo't isang kuwento nang katatakutan. Magkakaibang kuwento at talagang kahi...