WOLVES
Isinulat ni Alex Asc
DAGLIAN below 500 wordsUmaasa kaming makakapamuhay pa ng payapa. Lalo't tuluyan na kaming nakalayo sa pook na kinagisnan namin.
Sa huling sandaling kami ay naroroon ay maraming buhay ang nawala sa aming angkan. Nilusob kami ng maraming lobong itim. Masyado silang marami at mababangis na tila pinaghandaang digmain kami.
Katunayan, matagal nang magkalaban ang aming mga lahi. May naging usapan sa pagitan namin upang maayos ang sigalot, subalit nagtrayador sila.
Ang mga lobong itim, ay mga tao sa umaga at nagkakatawang lobo sa gabi. Hindi naman sila nangangain ng tao subalit pumapatay sila lagi ng mga napapadpad doon.
Sinubukan ng aming mga ninuno noon na pigilan sila at ipagtanggol ang mga tao sanhi upang sumiklab ang walang hanggang gulo sa pagitan namin at ng mga Lobong itim. Gantihan dito, gantihan doon, ubusan ng lahi.
Nang huling gabing umatake sila ay hindi namin napaghandaan, kung kaya't maraming buhay ang naglaho. Isa na roon ang aking panganay na anak.
Ang mga natitira sa aming angkan ay nagdesisyon na tuluyang lisanin ang aming lugar upang mamuhay ng mapayapa at malayo sa kalaban. Nais sana nilang gumante ngunit pinigilan ko sila. Bagay na sinunod naman nila. Pare-pareho naman kasi kaming mas hangarin ay mamuhay ng tahimik.
Sa pagtutulungan naming mga nakaligtas ay nakabuo kami ng maliit na komunidad. Kahit bakas pa rin ang sakit nang kahapon ay pilit kaming lumilimot.
Mahimbing ng natutulog ang mga anak ko ng gabing ito. Minamasdan ko sila. Nang may maramdaman akong ingay sa kapaligiran. Agad akong lumabas at tinanaw iyon.
Ang mga Lobo! Muli paparating. Sumigaw ako ng malakas upang mapukaw ang mga kasamahan ko. Dali-dali naman silang nagsilabasan sa kani-kanilang bahay.
"Arturo! Lumaban tayo!" sambit ni Karo.
"Nasisiraan ka ba ng bait? Hindi natin sila kayang tumbasan! Itakas natin ang ating mga anak!" Nagsimula na akong humakbang habang hawak ang mga anak at asawa ko. Sinundan naman ako ng mga kasama ko.
Nang mahinto kami dahil paparating sa tinutunguhan namin ang iba pang Lobo.
"Punyeta!" bulalas ko.
Mabilis na nakapalibot sa amin ang maraming Lobo.
"Pakiusap, hayaan niyo na kaming umalis!" Lumuhod ako. Gayon din ang mga kasama ko. Samantalang nag-iiyakan ang aming mga anak.
Dinambahan nila kami. Hindi sila nakinig sa amin. Dinigma nila kaming muli. Walang awa nila kaming pinagkakagat habang pilit kaming lumalaban. Dinig ko ang pag-iiyakan ng mga bata hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng dilim.
Kinabukasan, nagising ang ilan sa aming natitira. Buhay ang ilan sa amin pero bumuhos ang aming mga luha. Nakahandusay ang aming mga anak at asawa.
Nagkuyom ang mga kamao ko! Nanubo ang puting balahibo sa mga kamay, mukha at katawan ko. Ganoon din ang mga kasamahan ko. Pinakawalan namin ang malakas na sigaw. Sa pagbabalat-kayo namin bilang Puting Lobo ay handa na kaming lumusob. Kahit mas marami sila, total wala rin namang silbi ang mabuhay pang muli.
Taglay namin ang bangis at lakas tuwing may araw. Kabaliktaran sa mga Lobong itim.
Wakas.
BINABASA MO ANG
31 DAYS OF TERROR
Horror31 DAYS OF TERROR. Isang buwang kuwentong katatakutan. Nais mo ba ng mga kuwentong sobrang iikli. Iyong malalaman mo na agad ang kabuoan ng kuwento. Inihahandog ko ang tatlumpo't isang kuwento nang katatakutan. Magkakaibang kuwento at talagang kahi...