LAHI

80 5 0
                                    

LAHI
Isinulat ni Alex Asc
DAGLIAN below 500 words

Tila magwawakas na ang aming lahi. Ngayon ay nabibilang na lamang sa daliri ang natitira sa amin.

Ang aming angkan ay isinumpa ng mga mangkukulam noon. Dahil sa sawing pag-iibigan ng pamangkin ng pinuno ng mga mangkukulam na si Guada at ang tiyuhin namin na si Tomas. Nagkaroon ng iba ang aking Tiyuhin. Nabuntis niya ang babae. Dahil hindi nagkaroon ng anak si Gauada ay mas pinili ni Tiyu si Ritsel. Nagpakamatay si Guada.

Sumumpa ang pinuno ng mga mangkukulam upang ipaghiganti ang pamangkin.

Lahat ng iibigin at ng bawat membro sa aming angkan ay mamamatay sa unang pagsilang ng kanilang supling, kasabay no'n ang pagkamatay rin ng bata. At iyon nga ang nangyari kay Tita Ritsel. Namatay silang parehong mag-ina sa araw ng panganganak.

Hindi lang iyon, kun'di nagsunod-sunod pa ang kamatayan ng bawat nanganganak sa aming angkan o sa babaeng kanilang iniibig.

Ngayon, tila hinihintay lang namin ay ang kamatayan ng bawat isa at tuluyan ng mauubos ang aming lahi. Ang mga tumatanda, nagkakasakit ay wala nang nagiging kapalit. Kaya't iilan na lamang kaming natitira.

Ang mga kasama ko ay huminto na rin at hindi na nagmahal dahil sa sakit na dulot ng kamatayan ng kanilang iniibig.

Dinadamdam ko rin ito, hindi lang dahil sa aming angkan, kun'di para rin sa kaligtasan ng aking mag-ina.

Oo, kahit alam kong hindi maaari ay sumuway pa rin ako. Hindi ko napigilang magmahal. Kahit ilang beses kong subukang iwasan ay hindi ko pa rin napigilan ang tibok ng aking puso.

Hanggang sa pikit mata ko na lamang itinuloy upang lumigaya. Subalit habang papalapit ang kabuwanan ng aking asawa ay siyang hirap naman sa aming damdaming dalawa.

Sinubukan kong alamin, kung may paraan kaya upang maputol ang sumpa, ngunit wala na yatang solusyon. Patay na ang angkan ng mga mangkukulam. Isang taon na ang lumilipas buhat ng pagpapatayin sila ng grupo ng mga armadong kalalakihan. Dahil sa perwisyo nilang dulot. Laganap kasi ang kuwento tungkol sa kanila at marami na rin ang nasisiraan nila ng buhay.

Ramdam ko ang takot na namamayagpag sa damdamin ng aking asawang si Dina. Mas lalo akong nahihirapan sa tuwing nakikita siyang natatakot sa mangyayari sa kaniya at ng aming anak.

Araw ng kaniyang panganganak. Takot na takot ako habang sukdulan naman ang kaniyang hinaing. Ramdam kong nahihirapan na siya hanggang sa tuluyang maisilang ang bata.

Ganoon na lamang pagliwanag ng aking kapaligiran nang marinig ko ang pag-iyak ng aking sanggol. Iniluwal siyang buhay taliwas sa sumpang kapag isinilang ang sanggol ay patay na iyon.

Lumipas na ang ilang buwan at heto't kapiling ko pa rin sila. Muli na ring umibig ang mga natitirang membro ng aming pamilya.

May mga nagsasabing baka raw nang mamatay ang mga mangkukulam ay saka rin daw naputol ang sumpa. Ngunit hindi nila alam, makailang ulit kong tinungo ang libingan ng mga mangkukulam at hiniling na sana'y hayaan na nila kaming mamuhay ng masaya.

Wakas.

31 DAYS OF TERRORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon