LUMANG DAMIT NI LOLO

84 4 0
                                    

LUMANG DAMIT NI LOLO
Isinulat ni Alex Asc.
DAGLIAN below 500 Words.

Matagal nang nanliligaw si Jaysan kay Rubiah. Sinubok na niya lahat ng diskarte. Neregaluhan na niya ng iba't ibang kagametan, pero basted pa rin siya kay Rubiah.

Dumating siyang malungkot na malungkot. Tumabi naman sa kaniya ang kaniyang ina.

"Alam mo anak, kamukhang-kamukha mo ang Lolo mo noong kabataan niya." Hindi sumagot si Jaysan. Laylay pa rin ang kaniyang pisngi sa pagkakasimangot.

"Gusto mo bang mapasagot si Rubiah? May alam akong paraan." Napalingon agad si Jaysan.

"Talaga, 'Nay?" Inilabas ng kaniyang ina ang luma't pinakatatago sa baul na kamisita ng kaniyang Lolo. Isang lihim ang ipinaalam ng kaniyang ina kay Jaysan.

"Ang kamisitang iyan, may hatid na magic. Kapag suot 'yan ng Lolo mo noong araw ay agad naiibigan ng babaeng sinusuyo niya. Inamin niya sa akin ang lahat nang iyon at ipinatago niya ito ng mahigpit bago siya mamatay." Abot tainga naman ang ngiti ni Jaysan.

Agad niyang isinuot ang kamisita. Patungo siya sa bahay nila Rubiah. Nadaanan niyang nakatambay iyon sa Park.

"Ru-rubiah?" sambit niya. Ngumiti sa kaniya ang babae. Nagulat pa siya dahil dati-rati ay puro pagtataray ang ginagawa ng babae.

"Halika dito, Jaysan." Lumapit siya. Doon na nagsimula ang lahat. Sa loob lamang ng ilang oras ay mag-on na sila.

Sa bawat araw ay mas lalong nahuhulog sa kaniya ang babae. Ngunit kailangang suot niya lagi ang damit dahil nawawalaan ng bisa kapag hindi niya suot. Minsan ay muntikan na silang magkasalubong ni Rubiah na hindi niya suot iyon. Mabuti't naisuot agad niya.

Sa paglipas ng isang linggo. Pag-apak pa lang niya sa bahay nila'y naging kakaiba ang ihip ng hangin. Nanunuot ang hangin sa kaniyang balat. Nananayo ang kaniyang balahibo.

May pigurang unti-unting lumilitaw sa paningin niya. Kaluluwa ng isang babae. Matalim ang titig nito na wari galit na galit.

"Warlito, papatayin kita!" sigaw ng babae. Nagtaka si Jaysan. Sapagkat si Warlito ay ang kaniyang Lolo.

"Humanda ka sa panloloko mo sa akin!" Nangilabot at tumakbo si Jaysan ngunit nasalubong niya ang isa pang babaeng nakasuot rin ng makalumang damit.

"Ikaw, Warlito! Matapos kong ibigay ang lahat sa iyo ay iniwan mo lang ako!" Nagsitayuan ang mga kagametan at nagsitapunan kay Jaysan.

"Hindi po ako si Lolo!" kumaripas nang takbo patungong bakuran si Jaysan ngunit hinahabol siya ng kaluluwang iyon. Ang mas ikinagulat pa ni Jaysan ay nang lingunin niya ang mga iyon. Napakadami na nila.

Nasalubong niya bigla ang matandang kaluluwa.

"Ah! Maawa kayo, tigilan niyo na ako," umiiyak niyang sabi.

"Ako ito, ang multo nang iyong Lolo. Apo, hubarin mo ang damit at huwag mo ng isuot ulit. Napupukaw at gumaganti ang mga babaeng niloko ko noon."

Agad namang hinubad ni Jaysan. Saka pa lang naglaho ang mga kaluluwa, maging ang kaniyang Lolo ay wala na rin.

"Babaero ka pala, Lolo," malungkot niyang sabi.

Hindi na niya isinuot ulit ang damit pero back to zero na naman siya sa panliligaw kay Rubiah.

Wakas.

31 DAYS OF TERRORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon