HUWAG KANG MANG-API

82 6 0
                                    

HUWAG KANG MANG-API
Isinulat ni Alex Asc
DAGLIAN below 500 words

Laging pinapalampas ni Natasha ang pang-aapi sa kaniya ng grupo ni Rika. Palibhasa ayaw niyang maapektuhan ang pag-aaral kaya't tinitiis na lamang niya sila.

Naiinis na sobra ang mga iyon dahil hindi lumalaban o sumasagot man lang si Natasha. Mas gusto kasi nilang magalit din iyon tulad ng ginagawa nila sa iba. Dahil mas ikinaliligaya nila iyon, kaya't bahagyang itinigil ang pang-aapi kay Natasha.

Isang hapon, papalabas na sana si Natasha nang daanan niya ang grupo nila Rika na may inaaping baguhang estudyante. Pinaluhod nila iyon at pinapahalik sa kanilang sapatos.

Patakbong tumungo roon si Natasha at inakay patayo ang babae. Labis naman ang galit ng grupo ni Rika.

"Lumuhod ka, Bea!" utos ni Rika. Muling lumuhod ang babae kahit pinipigilan ni Natasha. Pinagsisipa nila bigla si Bea pero kumubli si Natasha at tinanggap ang masasakit na sipa.

Para kay Natasha, titiisin niyang masaktan pero huwag lamang ang iba. Masyado siyang maawain.

"Salamat, ang bait mo naman," ani Bea.

"Okay lang, kahit ako naman sinasaktan ng mga maldetang iyon," sagot niya.

Mula noon naging matalik na magkaibigan si Natasha at Bea.

Isang araw, sinasampal-sampal habang pinagtutulungan ng grupo ni Rika si Bea. Muli na namang umawat si Natasha.

"Sumusobra na kayo!" Itinulak ni Natasha si Rika at bumalandra sa pader.

"Binabalaan ko kayo! Pagsisisihan niyo ang ginagawa niyo!" dugtong pa ni Natasha.

Kinabukasan. Hindi nakapasok ang grupo ni Rika. Umabot pa ng ilang araw at ang dahilan ay may nagsituboang mga taghiyawat na kasing laki ng mga bayabas. Ang masaklap ay halos napuno na ang kanilang mukha, pero hindi masakit iyon.

Inireklamo nila si Natasha. Subalit wala silang matibay na ebidensya na kagagawaan nga ni Natasha iyon.

Nanatili sila sa hospetal ngunit dahil isang linggong 'di gumagaling ay lumabas sila't pumunta sa Albularyo.

"Tama, kinukulam nga kayo," anang Albularyo. Sa labis na galit ni Rika at grupo niya ay kinidnap nila si Bea. Tinawagan nila si Natasha upang tumungo sa pinagtataguan nila.

"Pakiusap, huwag niyong sasaktan, si Bea!" Naluluha na si Natasha para sa kaligtasan ng kaibigan.

"Huwag na huwag kang magsusumbong!" ani Rika sa kabilang linya.

Dumating si Natasha at awang-awa siya sa kaibigang nakabusal at nakagapos sa may upuan. Tulog iyon dahil pinainom ni Rika nang pampatulog no'ng dakpin nila iyon.

"Maawa kayo, pakawalan niyo siya!" pakikiusap ni Natasha.

"Tanggalin mo muna itong mga ikinulam mo sa amin!" ani Rika.

"Wala akong alam diyan! Pakawalan niyo siya, please!" sagot ni Natasha. Dahil sa inis nila Rika ay pinalibutan nila si Natasha habang may hawak na kahoy ang bawat isa.

Nagising si Bea at napalingon sila habang tinatanggal ang lubid. Nagulat sila kung bakit ganoon na lang kadali kay Bea iyon.

"Ako ang may kagagawan sa inyong mukha! Dahil sobrang bad niyo! kaya't humanda kayo!" Bigla na lang naging halimaw si Bea. Nilundagan niya sila't pinaghahagis kung saan.

"Sorry, Natasha... pero bagay lang sa kanila iyan," wika ni Bea.

Wakas.

31 DAYS OF TERRORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon