BAKUNA
Isinulat ni Alex Asc
DAGLIAN below 500 wordsParang kailan lang noong inanunsyo ang nakakahawa't nakakamatay na sakit na Corona Virus. Hindi lang naging epidemya kun'di naging pandemic pa iyon. Isang malaking suliranin na kinakaharap nang buong mundo.
Marami ang nahawaan, nagkasakit at namatay sa itinuturing na sakit na COVID. Kada araw ay libo-libong tao ang panibagong kaso. Kaya't ika nga nila, ang pag-asa lamang natin ay maimbento ang magiging lunas sa karamdamang ito. Ang gamot o 'di kaya'y bakuna.
Akalain mo, ang itinuturing na sakit na COVID ang siyang magiging dahilan ng mas malalang kondisyon ng buong mundo.
Imagine-in mo. Paano kaya kung magiging zombie ang bawat infected? Mawawala sa katinuan, mabubulok ang bawat bahagi ng katawan. Mangangamoy at ang pinakamasaklap ay mangangagat. Mangangain at bawat nasasalinan ng kanilang laway ay magiging zombie na rin sa loob lamang ng ilang sandali.
Ang akala nating napapanood lamang sa mga movie tungkol sa mga paaralang nagsara, mga kalying walang tao at ang buong siyudad na nagmistulang deadzone ay maaaring mangyari. At ang pinakamatindi nga ay ang mga zombie na naghahanap ng mga taong kanilang kakagatin.
Masaya ang buong mundo nang ianunsyo ang panibagong bakuna na siyang pupuksa sa sakit na COVID. Subok na sa ibang bansa ang naturang bakuna at masasabing himala talaga.
Ang bawat natuturokang may sakit ay within 24 hours ay magaling na. Mapa-virus man iyan o ano pa mang sakit.
Kuha sa mga balita ang live na pag-e-enject sa mga pasyente. Ipinag-utos rin na lahat ng tao ay magpabakuna dahil kahit maka-recover man ang lahat ng may sakit sa mundo ay maaari pa rin daw tayong mahawaan sa maaaring panibagong virus na nagmumula sa mga hayop. Bali-balita rin kasi ang mga hayop na may dalang panibagong virus.
Kinagabihan, dumating ang naturang bakuna sa aming Health Center sa Munisipyo. Kahit gabi ay dagsahan ang mga tao roon upang magpabakuna. Gumaan ang pakiramdam ng mga tao at bawat isa'y umaasang tuluyang maglalaho ang sakit na ito. At makakabangon at makakabalik na tayo sa normal na pamumuhay.
Ginulantang ang buong mundo sa isang nakakakilabot na balita. Marami ang nag-aamok daw na mga tao. Tapos ay namumulok ang kanilang mga balat at wari isa-isa nang nagiging zombie. Umataki ang mga zombie. Pinagsisira ang buong kapaligiran. Nanghahabol ng mga tao at nangangagat. Kitang-kita namin ang lahat mula sa live news na kuha sa iba't ibang panig ng mundo.
At ang itinuturong dahilan umano, ay ang bakuna.
Paano nangyari iyon? Ang akala nating gamot ay ang mas nagpapalala pa nito?
Naaalala ko agad ang mga taong nagpabakuna sa Center. Hindi kabilang ang mga anak ko.
"Mga kababayan. Marami na ang infected sa kapaligiran. Ang mga nagpabakuna ay naging halimaw. Ang hindi natirhan ay kasalukuyang nagsisitakbuhan!" malakas na sigaw ng lalaki.
Kita ko ang paglundag sa kaniya ng isang lalaking nabubulok ang katawan. Kinagat sa leeg at sumirit ang dugo.
Inipon ko agad ang mga anak ko upang lumikas, ngunit unti-unti na rin akong nagiging...
Wakas.
BINABASA MO ANG
31 DAYS OF TERROR
Horror31 DAYS OF TERROR. Isang buwang kuwentong katatakutan. Nais mo ba ng mga kuwentong sobrang iikli. Iyong malalaman mo na agad ang kabuoan ng kuwento. Inihahandog ko ang tatlumpo't isang kuwento nang katatakutan. Magkakaibang kuwento at talagang kahi...