NGUYA
Isinulat ni Alex Asc
DAGLIAN Below 500 words.Mapulang-mapula ang kaniyang labi, kaya't labis akong nahuhumaling sa kaniya.
Para bang kaysarap niyang halikan, nguyain ng parang chewing-gum. Mapang-akit ang kaniyang mga mata. Para niyang sinasabing ako'y lumapit na upang makilala siya.
Aaminin kong isa akong torpe, pinapalagpas ko lamang ang pagkakataon, kaya't hanggang ngayon, hanggang tingin lamang ako.
"Dan, focus ka nga sa ginagawa mo! Baka mamaya, hindi mo mailagay ng maayos ang tyre ng kotse!" Napagalitan tuloy ako ni Boss. Dahil sa kakatanaw sa pagdaan ng babaeng may mapula ang labi.
"Hanggang tingin ka lang naman. Wala ka namang planong dumiskarte," dugtong pa ni Boss.
"Magiging akin ka rin," sambit ko sa kawalan. Binatukan lamang ako ni Boss. Itinuloy ko ang ginagawa sa talyer.
Muli siyang dumaan. At saktong tapos na rin ako sa aking ginagawa.
Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin, upang harangin siya. Tila kay lakas na ng aking loob.
"Ah, sorry..." bulalas ko nang matauhan.
"Hi, hindi ka ba makikipagkilala?" umiikot ang kaniyang mapang-akit na dila sa mapupula niyang labi. Tila kaysarap talagang nguyain iyon.
"Ako pala si Dan Ibares Santiago." Natawa siya sa pagpapakilala ko.
"I'm Ella, at para tabla ay kukumpletuhin ko na. Ellaisa Sandoval." Hindi ko na kinailangang kunin ang kaniyang numero. Kusa na niyang ibinigay iyon.
Buong gabi kaming nagpalitan ng mensahe. Naghated siya ng ligaya sa buhay ko, lalo pa tuwing naiisip ko ang mapula niyang labi. Kaysarap talagang halikan at nguyain iyon.
Kinabukasan, hindi na ako nakapasok, sapagkat inanyayahan niya akong lumabas kasama siya.
Buong maghapon kaming naglakad-lakad sa malalaking mall, kumain ng masasarap na pagkain, manood ng sine at kung ano-ano pa. Dahil doon, butas ang bulsa ko. Pero okay lang, ang mahalaga naman ay ang aking pinakainaasam-asam. Ang matikman ang mapula niyang labi.
Hindi ko na siya inimbitahan, kundi kusa pa niya akong hinila sa motel. Pagkapasok pa lang sa silid, ay kumawala ang matamis niyang halik.
Ramdam ko sa labi ko ang napakasarap niyang labi. Mabango, malambot, at nakakatakam. Hindi ko na inalis ang aking mga ngipin sa kaniyang labi. Pilit siyang kumakawala ngunit mahigpit ang pagkakahawak ng aking mga kamay sa kaniyang ulo. Hindi ko siya pinigilan, hanggang sa tuluyan ko ng maubos ang kanyang labi. Nginuya-nguya ko at nilunok iyon. Napakasarap talaga. Solve na solve ako.
Nagsisigaw siya habang natutumba. Naliligo ang kaniyang mukha, mula sa kaniyang dugo na nanggagaling sa kaniyang bibig.
Nang magkamalay ako sa ginawa, ay tuluyan akong lumabas at tumakas.
Sa wakas, nakamit ko na rin ang pinakainaasam ko. Ang halikan- nguyain ang kaniyang mapulang labi. May bunos pa, dahil tuluyan nang nasa loob ng aking katawan ang mapang-akit niyang labi.
Wakas.
BINABASA MO ANG
31 DAYS OF TERROR
Horror31 DAYS OF TERROR. Isang buwang kuwentong katatakutan. Nais mo ba ng mga kuwentong sobrang iikli. Iyong malalaman mo na agad ang kabuoan ng kuwento. Inihahandog ko ang tatlumpo't isang kuwento nang katatakutan. Magkakaibang kuwento at talagang kahi...