ROOM FOR RENT

77 5 0
                                    

ROOM FOR RENT
Isinulat ni Alex Asc
DAGLIAN below 500 words

Tanaw ko ang 2 storey-house na may nakapaskil na room for rent. Tamang-tama at malapit pa sa school. Baguhan ako rito sapagkat ngayon pa lang ako tutungtong nang kolehiyo. Aaminin kong hindi ako sanay rito sa siyudad dahil sa probinsya na ako lumaki.

Naglakad na ako patungo roon. Nasa gate naman ang Landlady. Kinausap ko agad sa pakay ko at sinamahan naman niya ako sa magiging silid ko. Masuwerte ako't mura lamang ang paupa.

Kinagabihan, hindi ako makatulog ng maayos dahil sa pag-aaway ng dalawang tao sa kabilang silid. Nahihiya naman akong kausapin sila o ereklamo man lang. Ngunit pinabayaan ko na lamang.

Kinaumagahan, saktong kakabukas ko lang ng pintuan ko upang lumabas at kasalukuyang nakatayo ang babae sa harapan ng silid. Nginitian ko siya at gumanti naman siya. Umalis na ako upang tumungo sa paaralan.

Sa ikalawang gabi, umiiyak ang babae sa kabilang silid. Hindi ko na nakayanang manahimik. Mukang kailangan niya ng karamay. Pinihit ko ang seradura ng aking pintuan. Tumayo ako sa harapan ng kaniyang pintuan. Nagdadalawang isip kong kakatok pa ba ako o hindi.

Tatalikod na sana ako nang biglang magbukas ang pintuan.

"Tuloy ka," alok niya sa akin. Sumilip ako sa nakabukas niyang pintuan. Nag-aalanganin ako't baka mamaya'y nandoon ang lalaki.

"Wala akong kasama rito," aniya. Mahiyain akong tao, ngunit hindi ko napigilang pumasok na rin. Ikinuwento niya sa akin ang nangyari.

Iniwan raw siya ng kinakasama niyang lalaki. Awang-awa ako sa hinanakit ng babaeng ito. Nakilala ko siya at siya si Ariana.

"Jaime, ang cute ng pangalan," sambit niya. Naging panatag ang loob ko sa kaniya. Naging karamay niya ako sa pinagdadaanan niya. Laging-lagi kaming magkasama sa aking silid. Hanggang sa tuluyan nang nahulog ang damdamin ko sa kaniya.

Ngunit mahina ako't hindi kayang aminin ang pag-ibig sa kaniya. Lalo't batid kong tila hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin.

Nagbalik ang lalaki't humihingi ng tawad. Tinanggap niya muli iyon at muli silang nagsama. Sadyang napakasakit para sa akin ang mga nangyari. Araw gabi kong dinaramdam ang sama ng loob, lalo't palagi ko na lamang silang nadidinig. Ngunit hindi nagbago ang turing sa akin ni Ariana. Palagi pa rin niya akong pinapansin.

Hanggang isang gabi ay sobra-sobra ang pag-aaway na naman nila. Nasa punto na sila na sinasaktan nang lalaki si Ariana. Pinuntahan ko ang Landlady upang mamagitan siya sa kanila. Ngunit nagimbal na lamang ako sa kaniyang isinagot.

"Naku, minumulto ka yata ni Ariana at ni Lucas!" Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanginig ang katawan sa labis na takot. Tinungo namin ang silid ni Ariana at tamang wala ngang Ariana roon. Bakante ang room at walang kagametan.

Ayon kay Aling Sitang. Pinatay raw ng selosong lalaki ang babae tapos nang matauhan daw ay nagpakamatay na rin ng mga sandaling iyon.

Lumipat ako sa ibang apartment. Mahirap ipaliwanag ang nangyari ngunit pilit ko nang kinakalimutan- ang damdamin ko para kay Ariana.

Wakas.

31 DAYS OF TERRORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon