Carter's Family
Ilang araw na ang nagdaan matapos ang hiking adventure nila Hyacinth. Kinabukasan din non ay walang nag-open ng topic nung nangyari kinagabihan. Mag-uusap lang kapag importante ang sasabihin pero sa buong byahe ay walang kumikibo sa kanila.
Ilang araw na din balak kausapin ni Theron si Hyacinth pero patuloy pa din siyang hindi kinikibo. Umuwi lang ito kila Theron para magpaalam sa Lolo't Lola nito at kunin ang kambal. Hinatid naman siya ni Theron kahit ayaw niya.
Hindi maintindihan ni Hyacinth ang nararamdaman niya ng gabing iyon. Bakit bigla siyang nakaramdan ng sakit ng makitang magkayakap si Karen at Theron.
"Masakit? Ganyan ang pakiramdam kapag nakita mo yung taong mahal mo na masaya sa piling ng iba." Sabi sa kanya ni Carter ng gabing iyon.
Parehas silang hindi makatulog matapos makita si Theron at Karen ng magka-yakap. Nagpasya silang maglakad-lakad para mawala sa isip nila ang nakita pero hindi naman ito nakatulong sa kanilang dalawa.
"Hindi ko naman gusto si Theron." Sagot niya kay Carter
"Sometimes our mind says different what our hearts says." Huminto sa paglalakad si Carter kaya pati siya ay napahinto din. Nagtataka siyang nakatingin dito.
"Ano bang pumipigil sayo para hindi aminin sa sarili mo na nagugustuhan mo na siya?"
"Walang pumipigil... S-Sadyang wala lang akong nararamdaman para sa kanya."
"Sige. Sabi mo eh!" Nagsalubong ang kilay ni Hyacinth sa sinabi ni Carter.
"Bakit parang ayaw mong maniwala sa mga sinasabi ko?"
"Hindi naman kasi kapani-paniwala." Sinuntok ni Hyacinth sa braso si Carter. Natawa lang ito at ginulo ang buhok niya. Naiinis na tinanggal ni Hyacinth ang kamay niya at ngumiti.
"Hindi ko hahayaang may makasakit sa damdamin mo. Pro-protektahan kita."
"Hoy! Wag mo nga akong gamitan ng mga linyahan mo sa mga babae mo!"
"Hindi gagamitin sayo 'yun no. Kaya ko lamang nasabi sayo 'yon dahil parang nakababatang kapatid na ang turin ko sayo." Napangiti si Hyacinth sa narinig niya.
"Ako din naman parang Kuya na din kita. Lagi mo ba namang hinaharangan ang mga lalaking nagbabalak sakin manligaw eh." Umakbay sa kanya si Carter.
"Bumalik na tayo doon para makapag pahinga kana din, Bunso. Malalim na ang gabi oh."
"Opo, Kuya." Natawa silang dalawa sa mga sinabi nila at bumalik na din.
Nabalik sa huwisyo si Hyacinth ng marinig niya ang busina ng kotse. Sumilip siya sa bintana at nakita niya si Carter na pababa ng kotse kasama si Kuya Pits na driver nila.
Inayos niya ang mga gamit nila ng kambal at binuksan ang pintuan. Bumungad ang pagmumukha ni Carter sakanya.
"Ready na kayo?" Pagtatanong ni Carter. Tumango naman si Hyacinth.
"Asan ang mga kambal? Andito na si Tito Carter!" Gumalaw ang kambal sa may sofa. Natutuwa ng marinig ang boses ni Carter.
"Kuya Pits! Pabuhat po ng nga gamit ni Hyacinth." Kinuha niya si Rylie.
"Hello, Rylie. Magbabakasyon kayo ni Mama sa bahay. Matutuwa mga pinsan ko kapag nakita kayo." Kausap ni Carter kay Rylie habang hawak ang maliit na kamay nito.
"Tara na?" Pag-aya niya kay Hyacinth. Tumango naman ito at binuhat na din si Harper.
Buong byahe ay nilalaro lang nila ang kambal hanggang sa makarating sila sa bahay nila Carter. Manghang
-mangha si Hyacinth sa bahay na nakikita niya. Meron itong tatlong palapag at hindi mo talaga aakalain na bahay ito dahil sa style nito na parang hotel.
BINABASA MO ANG
The Thief Who Stole My Heart (Boy's POV Series #1)
Teen Fiction"Sa lahat ba naman ng nanakawin sakin, Bakit puso ko pa?"-Kent Theron Smith