Transferee
"San ko nga ba ito nakita?"
"Hoy! Nababaliw kana ba pre? Sino kausap mo? Multo?" Tanong ni Carter. Napalakas pa yata yung pagkakasabi ko.
"Wala." Tanging sagot ko sa kanya pero iniisip ko pa din kung san ko nakita yung transferee bukod dun sa nakita ko sya kanina sa garden.
"Tara muna sa labas tutal wala naman gagawin ngayon." Pag-aya ni Carter.
Kinalabit naman nya si Karen na naka earphone habang nanonood ng k-pop. Nang lumingon ito ay sumenyas naman kami na lalabas. Agad siya'ng tumayo para sumama samin.
"San tayo pupunta?" Tanong ni Karen samin habang naglalakad.
"Kahit saan." Tugon naman ni Carter.
"Punta muna tayo'ng Cafeteria. Para kung san man tayo mapadpad may dala tayong pagkain at hindi magutom." Suggestion ko sa kanila na sinang ayunan naman nila.
Pagkatapos makabili ng makakain sa Cafeteria ay muli kaming naglakad-lakad para makahanap ng matatambayan. At napunta kami sa soccer field ng school. Agad kaming umupo sa benches doon.
"Sino nga pala yung transferee na tinutukoy nyo kanina?" Tanong ni Karen samin di naman ako makasagot agad dahil puno pa ng pagkain yung bibig ko.
"Di ko alam kung saan section pero alam ko taga-HUMSS din." Sagot ni Carter. Napa 'Ahhhh' naman si Karen.
"Siya yung transferee kanina diba?" Tanong ni Carter sakin. Kasalukuyan lang naman ito na naglalakad sa gilid.
Pinagtitinginan siya ng mga boys. Maganda naman talaga ito, sa unang tingin ay parang anghel ito at sobrang hinhin kung gumalaw pero di nila alam totoong ugali nito. Nabibwiset pa din talaga ako kapag naaalala ko ginawa niyang pagsipa sakin. Kundi lang ito babae. Nako!
"Ang ganda niya. Di na ako magtatakha kung maraming lalaki ang mahuhumaling sa kanya." Sagot ni Karen habang kinakagat ang straw ng kanyang inumin.
"Mala-anghel sa ganda, demonyo naman ugali." Sabi ko sa kanila at agad ininom yung apple juice na binili ko kanina sa Cafeteria. Pansin ko naman ang tingin nila sakin nung dalawa na nakaka intriga.
"Oh, Ba't ganyan kayo makatingin?" Tanong ko sa kanila. Agad naman silang naglapitan sakin.
"So, Naka encounter mo na pala sya? Kailan?" Tanong ni Karen.
"Oo, Kanina. Nung bigla akong nawala." Sagot ko sa kanya. Si Carter naman ngayon ang nagsalita.
"Paano mo naman nasabi na Demonyo ugali nung transferee? Lahat naman sayo demonyo ugali ng babae. Kahit nga si Karen sinabihan mo."
"SINABI MO 'YON?!" Sigaw ni Karen. Napatayo pa ito sa kinauupuan at humawak pa sa bewang na parang nanay na galit na galit dahil sinuway ng anak.
"H-hindi ko sinabi yon! Hoy, Carter! Palagawa ka ng kwento diyan!" Tumawa lang si Carter. Maya-maya pa lang ay umaaray na ito dahil sa pagkakasabunot ni Karen. Ayan! Tawa pa!
"Bwiset ka talaga kahit kailan! Wala ka ng ibang ginawa kundi ang inisin ako!"
"A-aray! Tama n-na! Jusko! Makakalbo pa yata ako sa babaeng 'to! Aray sabi eh!"
BINABASA MO ANG
The Thief Who Stole My Heart (Boy's POV Series #1)
Ficção Adolescente"Sa lahat ba naman ng nanakawin sakin, Bakit puso ko pa?"-Kent Theron Smith