Friendzone
“Hindi mo ba talaga nahahalat o sadyang manhid ka lang talaga?”
“Ano bang pinagsasasabi mo?”
“Fuck! I like you!” Natigilan siya sa sinabi ko. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang gulat. Pinikit ko ang mga mata ko para kalmahin ang sarili ko at ipunin na din ang lakas ng loob. Bahala na kung ano mangyari.
“H-Hindi ko naman ginusto ‘to eh. Pero masisisi mo ba ako? Tao lang din ako. Nagkakagusto. Nahuhulog. Nagiging marupok.” Patuloy ko habang nakatingin sa kanya.
“K-Kailan? Paano?” Hindi makapaniwalang tanong niya sakin.
“I-I don’t know… Maski ako hindi ako makapaniwala. Alam ko sobrang bilis. Kahit anong gawing pagpigil ko sa nararamdaman ko hindi magawa.”
Matagal siyang nakatingin sakin na para bang may iniisip. Panay din ang pagkagat niya sa ibabang labi.
“Bakit kasi ako? Madaming babaeng magaganda diyan. Sexy, Mas matalino. Bakit ako?”
“Kasi wala yung mga katangian na yan sayo.” Napataas ang kilay niya kaya napatawa ako pero natigil din ng maradaman kong hindi siya nakikipagbiruan.
“Hindi mo pa napipigilan yung nararamdaman mo para sakin. Maniwala ka sakin. Gabi na. Umuwi kana.” Yun lang sinabi niya tsaka pumasok sa apartment. Naiwan akong nakatingin sa sarado niyang pintuan.
*KINABUKASAN
“Tol, okay ka lang? “ Nabalik ako sa sarili ko ng maramdaman kong may kamay na humawak sa balikat ko. Nilingon ko si Carter na siyang humawak sakin.
“ Ano sabi mo?” Imbis na sumagot ay umiling lang siya.
“Tara na sa library para matapos na ‘tong thesis. Sa Friday na defense eh.” Pag-aaya ni Karen . Kinuha ko bag ko para sumama sa kanila.
Nagkasabay pa kami ni Sunako sa paglabas ng room kaya nagkabanggaan yung balikat naming. Napatingin kaming dalawa pero agad na umiwas ng tingin si Sunako at sumunod na sa dalawa. Napabuntong –hininga na lang ako at sumunod na din sa kanila.
Pumwesto ulit kami sa pinakadulong parte ng library para hindi agad maririnig librarian yung ingay namin. Magkasama kami ni Carter sa isang table habang sila Sunako naman ay nasa kabila. Lahat seryoso sa kanilang mga ginagawa pero ako ay nakatunganga lang.
Muling nagtama ang mga mata namin ni Sunako pero hindi katulad kanina na saglit lang. Matagal ang nagging tinginan naming dalawa. Seryoso lang ang itsura niya pero bakas sa mga mata niya ang kalungkutan. Para saan naman at bakit siya nalulungkot?
“Acinth, Patingin naman ako ng libro about sa music. Kailangan ko nga pala yan para mamaya kay Ma’am Valderama. Salamat.” Tumango lamang si Sunako at pumunta sa librarian para hanapin yung mga libro na pinapahanap sa kanya. Palihim akong sumunod sa kanya para magkausap kaming dalawa.
Napahinto siya sa mga shelves na puro about sa music yung mga libro. Binabasa niya muna yung mga nakasulat sa likod ng libro bago kunin. Napahinto siya saglit at tiningala ang isang librong sa tingin ko’y nakapukaw ng atensyon niya. Tumingkayad siya para maabot yon pero hindi pa din sapat para makuha.
Matangkad si Sunako pero masyadong mataas yung pinaglalagyan nung libro. Sa bawat pilit niyang pag abot dun sa libro ay siya naming pagtaas ng skirt niya. Ba’t ba kasi maikli skirt nito di katulad sa ibang estudyante na mahaba? Natampal ko na lang ang noo ko. Umayos ka, Theron!
Hindi niya napansin na nasa likod niya ako. Walang kahirap-hirap kong inabot yung libro na kinukuha niya kaya napalingon siya sakin. Tumama ang ulo niya sa baba ko pero hindi ko na ininda yung sakit ng pagkakatama ng ulo niya. Tinitigan ko yung mga mata niya habang
siya ay umiiwas ng tingin. Napabuntong-hininga na lang ako.“Look at me, sweetheart…” Halos pabulong kong sabi sa kanya pero nanatiling sa iba pa din tingin niya.
“Hyacinth, Look at me.” Pag-uulit ko pero hindi pa din siya tumingin sakin.
“Sige. Ituloy mo lang yan hindi mo gugustuhin gagawin ko sayo.” Pagbabanta ko pero ayaw niya talagang sumunod kaya mabilis kong inilapit ang mukha ko sa kanya kaya napalingon na ito sakin. Inis siyang tumingin.
“Ano bang problema mo, Theron?”
“Ikaw. Ikaw problema ko. Mag-usap tayo.” Humalukipkip ito at mataray na tumingin sakin.
“Now, talk.” Napabuntong hininga ako bago magsalita.
“Ba’t ka umiiwas sakin?”
“Seriously? Dahil lang diyan? Tsk!” Aalis na dapat ito ng muli ko siyang hatakin sa pulso kaya napabalik siya sa pwesto niya kanina.This time ipinatong ko yung kanang kamay ko sa isang shelf malapit sa ulo niya para corner-in siya. Seryoso lang akong nakatingin sa kanya habang siya ay masama ang tingin sakin. Nagpumilit itong magpumiglas pero hindi siya nagtagumpay.
“Ano ba kasing problema mo? Kagabi ka pa ha?”
“Hinaan mo boses mob aka mapaalis tayo dito.” Pumikit muna ito saglit para pakalmahin ang sarili tsaka muli akong tinignan.
“Sige mag-usap tayo. Anong problema mo?” Masungit na sabi niya.
“Pag-usapan natin kung anong meron tayo.”
“Walang tayo, Theron! Nahihibang kana ba?” Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Tumango-tango at muli siyang tinignan.
“Oo. Nahihibang na ako. Ngayon pag-usapan na lang natin kung ano ba nararamdaman mo sakin. O kahit kay Carter na lang. Gusto kong malinawan, please.”
“Wala akong nararamdaman kay Carter. W-Wala din akong nararamdaman para sayo.” Nahinto ang mundo ko ng sabihin niya yon. Huminga ako ng malalim at unti-unti kong pinatong ang ulo ko sa balikat niya na ikinagulat niya.
“Bakit ginaganito mo ko? Pinapahirapan mo ako ng sobra. Sabi mo wala kang nararamdaman sakin pero hinahayaan mo akong gawin ang mga bagay na gusto kong gawin sayo. Pinapahulog mo ako ng sobra sayo.” Pagod na sinabi ko sa kanya.
Yumakap siya sakin na para bang pinapagaang ang loob ko. Maya-maya lang ay naramdaman kong parang may basa sa may balikat ko at dun ko lang napagtanto na umiiyak siya. Tatanggalin ko na dapat ang pagkakayakap niya sakin pero mas lalu lang humigpit ito.
“Hangga’t maaari humanap ka ng ibang babaeng mamahalin, Theron. Wag ako, please. H-Hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo. Kaibigan lang ang turin ko sayo. I-Im sorry…”
Hindi naging malinaw ang huli niyang sinabi pero nakaramdam ako ng takot sa hindi maipaliwanag na dahilan…
Saan siya pupunta at bakit iiwan niya ako?
BINABASA MO ANG
The Thief Who Stole My Heart (Boy's POV Series #1)
Novela Juvenil"Sa lahat ba naman ng nanakawin sakin, Bakit puso ko pa?"-Kent Theron Smith