Chapter 15

83 25 5
                                    

Love



Hindi tumuloy sila Lola pumunta sa sementeryo dahil sa nangyari. Ipinautos na lang niya sa ibang kasam-bahay ang paglilinis sa puntod nila Lola Cha.

Mga bandang alas-3 ng hapon nakarating sila Kale. Nagpahanda ng madaming pagkain sila lola para naman matuwa daw si Kale. Hindi na ako sumalo sa kanila dahil sa kahihiyan na ginawa ko. Nagkulong lang ako sa kwarto.

Nang medyo papadilim na ay lumabas na ako ng kwarto at nag-stay sa may garden hanggang magdilim. Papasok na dapat ako sa bahay ng makita ko si Kale na nakatingin. Bigla naman siyang nagtago sa isang puno. Akala ata niya hindi ko siya makikita.

"Kale." Twag ko pero hindi pa din ito lumalabas.

"Alam ko andyan ka, Kale." Nakanguso naman itong nagpakita sakin.

"Tara dito." Sa una ay nag-aalinlangan pa siyang lumapit sakin. Nginitian ko naman ito para malaman niyang okay lang na lumapit siya. Kalaunan ay lumapit na din ito sakin.

"Galit ka kay Kuya?" Malambing na pagtatanong ko sa kanya nang makaupo na ito sa tabi ko. Napakunot saglit ang noo niya na para bang nag-iisip.

"Hindi po. Sabi ni Dadda bad daw po yung may galit sa kapwa." Sabi niya.

Hinaplos ko ang mukha niya at tinitigan. Ang mga mata niya, Ang kilay. Sa unang tingin kamukha talaga siya ni Daddy pero kung tititigan mo siya ng matagal si mommy ang kamukha niya.

Gusto ko man guluhin ang buhok niya pero hindi ko ginawa dahil baka matamaan ko yung sugat niya.

"Why are you crying, Kuya?" Kinapa ko ang mukha ko. May nakapa nga akong basa. Pinahid ko ang luha ko. Kinuha ko yung phone ko at pinakita sa kanya yung picture naming dalawa ni Mommy.

"Is she my real mom?" Pagtatanong nito habang di inaalis ang tingin sa phone ko.

"Yes, Is she look like an angel?" Tumango naman ito bilang sagot. Hinawakan niya phone ko at parang tinetrace niya yung mukha ni mommy.

"Hi, mommy. I'm Tyron Kale Smith. I'm 4 years old and I want to be a pilot someday!" Bibong sabi nito habang kinakausap ang picture ni mommy. Mahina naman akong napatawa dahil sa sinabi niya.

"Theron, Kale! Pumasok na kayo! Kakain na!" Tawag samin ni Lola habang nakatanaw samin si Tita Clara. Hinawakan ko sa kamay si Kale at sabay kaming pumasok sa loob. Napayuko ako ng madaanan si Tita Clara kahit nakangiti naman sakin ito.

Nagsimula kaming kumain ng tahimik, minsan ay tumitingin-tingin samin sila Lola. Akala siguro niya ay may gulo na naman magaganap sa pagitan ng ama ko pero natapos kaming kumain ng tahimik.

Literal na tahimik dahil wala ni isa man ang naglalakas loob na magsalita. Lahat mga nakamasid lang.

Nag-stay na lang ako sa veranda habang dinadama ang lamig ng gabi. Tiningala ko ang isang pinaka maliwanag na bituin sa kalangitan.

"Alam mo ba kung anong nagustuhan ko sa mommy mo?" Nilingon ko ang tatay ko habang my hawak ulit na alak sa baso niya. Lumapit ito sakin at tinignan din ang mga bituin sa kalangitan.

"Katulad ng isang bituin na 'yon na sobrang liwanag. Siya ang nagbibigay tingkad sa buhay ko nung nabubuhay pa siya. Nagsisilbing liwanag sa madilim kong buhay." Nilingon ko siya at kita sa mga mata niya na sobrang minahal niya si mommy.

"Alam mo ba, sobrang naiinis ako sa mommy mo dati. Lagi niya kasi akong binubully nun at lagi siyang nauuna sa klase. Gusto ko kasi ako ang top 1. Matalino ang mommy mo at sobrang ganda niya talaga kaya hinahabol siya ng mga kalalakihan ng mga kapanahunan namin. Isang araw tinatawag niya ako pero hindi ko siya kinikibo dahil nag-aaral ako non. Hinatak niya yung libro na binabasa ko syempre ako kukunin ko din yun.  At ayoko din may umiistorbo kapag nag-aaral ako. Hinatak ko yung libro ko kaso paghatak ko sa lirbo. Napalakas. Hindi sinasadya na mahalikan ko siya. At dun na nagsimula ang lahat. Kung bakit may Theron at Kale kami ngayon." Ngumiti ito na para bang inaalala ang lahat ng pangyayari sa buhay nya. Maya-maya lang ay pinawi niya ang ngiti sa kanya labi at yumuko.

"Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sayo 'to pero may karapatan ka din naman malaman na dahil matagal na taon kong nilihim sayo ito." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Malungkot itong tumingin sakin.

"Nawalan ako ng oras sa mommy mo at sayo dahil inaayos ko ang papalubog na negosyo ng lolo mo. Kaya... Naghanap ng iba ang mommy mo."

"Akala ko... Akala ko..." Napaiyak ako sa nalaman ko. Ilang taon akong galit sa ama ko. Ilang taon ko siyang kinamumuhian pero hindi naman pala dapat ako sa kanya magalit.

"Nilihim ko ito sayo dahil ayokong kamuhian mo ang sarili mong ina. Kahit sakin kana lang magalit, Theron. Wag lang sa mommy mo. Siya pa din ang babaeng nagluwal sayo. Kaya lahat ng galit mo dapat kay Tanika ako ang umako. Ayokong makita kang nagagalit sa mommy ko kahit wala na siya." Muli kong ibinalik ang paningin ko sa kalangitan. Wala ng mas sasakit pa sa ganito. Nasaktan ko ang ama ko. Siya sumalo lahat ng galit ko.

"Si Kale... Paanong---."

"Nung nakaraan ko lang din siya nakilala.  Aksidente kong nakita si Clara sa mall kasama si Kale. Dun ko lang din nalaman ang totoo."

"Anong totoo?"

"Hindi namatay ang mommy mo sa isang aksidente. Pinalabas lang niya yon. Namatay ang mommy mo habang pinapanganak si Kale." Natahimik ako. Ang dami ko pang di nalalaman sa pamilya ko.

"Anong ginagawa ng kabit ni mommy? Bakit niya hinayaan na mawala si mommy!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nagagalit ako sa naging kabit ng nanay ko.

"Nung nalaman niyang buntis ang mommy mo pero ako ang ama ng dinadala niya iniwan niya ang mommy mo. Nahihiyang bumalik ang mommy mo satin dahil sa ginawa niya. Akala niya ipagtatabuyan natin siya katulad ng ginawa ng kabit niya."

"Hindi ka ba nagagalit kay mommy nung nalaman mo 'yun?" Lumapit ito sakin at hinaplos ang buhok ko.

"Alam mo, kapag mahal mo talaga ang isang tao kahit gusto mong magalit sa kanya hindi mo magagawa dahil sa pagmamahal mo sa kanya. Magpapaka martyr ka mag-stay lang siya sayo. Handa mo ulit siyang tanggapin at kalimutan ang masamang nangyari sa inyo dahil ganon mo talaga siya kamahal." Napahinto siya sa ginagawa niya.

"Pero hindi naman sa lahat ng bagay pipiliin ka. Lalu na't nawala na yung love. Nanawa na siya sayo. Parang kami ng mommy mo, mas pinili niya siya kaysa sakin."

"Si Tita Clara... Ikaw ba ang ama---."

"Ang Tito Kedrick mo hindi ako. Nagpatulong lang siya na itago ko siya kay Ked. Hindi ko na inalam kung anong dahilan. At nirerespeto ko din ang mommy mo kahit namayapa na siya."

"Huwag mong sabihin na inlove---."

"Yes, Hanggang ngayon. At hindi kailanman nabawasan ang pagmamahal ko sa kanya." Ang dating pagkamuhi na nararamdaman ko sa kanya ay bigla ulit bumalik sa mga salita niya. O sabihin na nating hindi nawala ang paghanga ko. Natakpan lang ito ng galit ko.

"Matulog kana, anak." Tumango na lamang ako sa kanya at umalis na. Nakakailang hakbang pa lang ako ng muli niya akong tawagin. Nilingon ko naman siya.

"Yung babaeng kasama mo dito nung dumating kami. Yung may hawak sa kamay mo. Alam kong may gusto ka dun."

"Wala akong gusto---."

"Wag mo na ipagkaila. Kitang-kita sa mga mata mo yung saya sa tuwing kasama mo siya." Magsasalita pa lang ulit ako ng bigla ulit siyang magsalita. Puta! Ang hilig mamutol ng sasabihin!

"Ganyan na ganyan ang kislap ng mga mata ko sa tuwing kasama ko ang mommy mo." Lumapit ito sakin at biglang ginulo ang buhok ko. Pilit ko naman pinipigilan ang kamay niya.

"Binata na ang anak ko. May nagugustuhan ng babae. Kaso indenial lang. Feeling ko torpe din."

"Dad!" Nayayamot kong sabi sa kanya pero tinawanan lang ako nito at umalis na.
------
Pasensya na sa masabaw na UD. Potek! Sumasakit ulo ko sa lablayp ni Josiah. HAHAHA.

Btw, Thankyou sa pagsuporta sakin. Hindi ko mararating 'to kung wala kayo. ❤ Ang drama ko 🤣

Please, Vote and share my story. Thankyou! 💖

The Thief Who Stole My Heart (Boy's POV Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon