Chapter 29

64 15 1
                                    



Hanggang ngayon tawa pa din ng tawa si Carter dahil sa nangyari kanina. Nakakunot naman ang noo ni Karen habang nakatingin kay Carter.

Si Sunako naman ay nasa isang sulok. Ayaw na sumali sa games. Nagagalit din ito sakin sa pag-aakalang sinadya kong mahalikan siya.

"Tang-ina mo talaga, Carter! Wag kang tumawa diyan! Nakakairita pagmumukha mo!" Imbis na sumunod ay mas lalu pang tumawa ang gago. Bwiset talaga!

"Ba't ka nagagalit diyan? Masamang tumawa?" Pagpipigil nitong bumulanghit ng tawa.

"Para kang timang, Carter." Sabi ni Karen. This time ako naman ang natawa samantalang siya naman ang mukhang naiinis ngayon.

"Wag kang tumawa! Nakakairita pagmumukha mo!" Inis na sabi ni Carter.

"Gaya-gaya ng linya. Walang ka-originality!" Sabi ko sa kanya. Muli kong nilingon si Sunako na naka pwesto malapit sa may pintuan. Nakasimangot pa din ito hanggang ngayon. Binatukan ko si Carter.

"Ano ba? Ba't mo ko binatukan?" Inis niyang sabi habang nakahawak sa ulo niya.

"Siraulo ka kasi! Imbis na kampihan mo ko, sinabi mo pa talagang sinadya ko 'yun."

"Ayaw mo nun naka halik ka? Imbis na mag thankyou ka inaaway mo pa ako. Kung ako nasa pwesto mo tas si Karen kay Hyacinth, magtha-thankyou pa ako." Ngumisi pa ng nakakaloko si Carter kaya nasampal siya ni Karen. Akala niya yata di nakikinig si Karen sa usapan namin.

"Bastos!" Sigaw ni Karen.

"Anong bastos don? Halik lang sinabi ko. Diko sinabi yung 'S' word." Muli na namang nakatanggap ng sampal si Carter bago unalis si Karen.

"Sarap ba ng sampal?" Panunura ko sa kanya. Hinawakan lang nito ang magkabila niyang pisngi.

"Ganda ng blush on mo pre." Muling panunura ko. Sinamaan naman ako nito ng tingin. Imbis na manahimik ay ngumisi pa ako.

"Ngumisi kapa diyan lalagyan din kita nito." Inis niyang sabi.

"Kanina ang lakas-lakas mo manura tapos ngayon surang-sura ka eh."

"Tang-ina mo. Bwiset." Imbis na masura ay tuluyan na akong natawa.

"Grabe talaga pagmamahal mo sakin. Nagmumura!"

"Ganon kita kamahal eh. Tara nga dito. Pa-kiss ako!" Akmang hahalik na sakin si Carter kaya agad akong lumayo.

Nung minsang di ako kumilos ay totoong hinalikan ako nito sa pisngi. Pisteng lalaki 'to.

"Sira ulo ka, Carter!" Sigaw ko sa kanya pero tumawa lang ito ng tumawa.

"Tang-ina mo, Tigil-tigilan mo ko sa kabaklaan mo!"

"Ba't natatakot ka? Ayaw mong mahalikan ulit kita? Kahalik-halik naman ako ah?" Napangiwi ako sa sinabi niya.

"Pag di kapa tumigil kamao ko ang hahalik diyan."

"Ba't ayaw ng baby ko? Ang choosy mo. Kissable lips naman 'to!" Ngumuso pa ang gago sa harap ko. Tinulak ko ang ulo niya. Baka mamaya iba pa isipin ng mga kaklase namin eh.

"Tantanan mo 'yan, Carter! Alam mo kung bakit ayaw kang i-crushback ni Karen? Kasi kakaganyan mo. Tingin tuloy sayo ni Karen bakla."

"Si Papsy mapanaket! Di na kita love!" Sabi niya at ngumuso. Nilayasan ko na lang siya. Wala akong mapapala sa lalaking 'to.

Pumunta ako sa pwesto nila Sunako. Nakayukyok na ito sa upuan habang si Karen naman ay nagce-cellphone sa tabi niya. Kinalabit ko si Karen kaya lumingon ito.

The Thief Who Stole My Heart (Boy's POV Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon