Chapter 31

49 10 3
                                    

Christmas Day


Today is December 24. Bisperas ng pasko kaya lahat kami ay busy sa mga kanya-kanyang ginagawa. Merong nagluluto, nagbabalot ng mga regalo, masayang nag-uusap at higit sa lahat mga masasayang bata na naglalaro.

"Ate ganda why po tulog ng tulog ang mga babies?" Pagtatanong ni Kale kay Sunako habang sinisilip ang kambal sa stroller.

"Para lumaki agad sila." Sagot naman ni Sunako kay Kale.

"Kaya po ba tiny pa po sila?" Tumango lang si Sunako bilang tugon.

"Kaya ikaw matulog kana para lumaki ka katulad ko." Sabi ko naman kay Kale.

"Kuya when I grow up, I will marry ate ganda. I will be the father of the twins." Tang-ina!

"Kale!" Sigaw ko. Agad naman siyang tumakbo pataas sa hagdan. Narinig ko pang tumatawa si Sunako pero pagtingin ko ay nagpipigil ito ng tawa.

"Huwag mo ng pigilan. Mamaya mautot ka pa diyan." Inirapan ako nito pero maya-maya lang ay napabunghal na ito ng tawa.

"Saya mo eh no?" Inis kong tanong sa kanya ngunit tinawanan lamang ako nito.

"Hindi maipagkakaila na kapatid mo si Kale no. May pinagmanahan." Inikot ko ang mata ko sa kanya kaya mas lalung tumawa ito.

"Tawa ka ng tawa diyan. Ayaw mo pang aminin na happy pill mo ko."

"Gago!"

"Minura pa ako. Ayaw pang sabihin na maligaya ka sa piling ko." Inirapan lang ako nito at muling lumipat kila tita para tumulong sa pagbabalot ng regalo. Napaka pikon talaga.

Patuloy pa din kami sa pag-aayos hanggang sa mag alas-dose na. Lahat ay nagbatian ng 'Merry Christmas' pagkatapos ay sabay-sabay na kaming kumain.

"Buti at tulog lang ng tulog ang kambal." Panimula ni Daddy habang kumakain kami ng Noche Buena.

"Sa madaling araw naman po sila gising kaya medyo nahihirapan din po." Sagot ni Sunako

"Hija, dapat si Theron ang pinag-aalaga mo ng mahirapan." Sabi ni Daddy.

"Daddy when I grow-up I will take care of the twins and ate ganda unlike kuya. Nihahayaan niya ate ganda. I will marry ate ganda soon." Nagtawanan ang lahat ng mga tao sa sinabi ni Kale.

"Nako, anak! May kalaban ka pala. Bilisan mo baka maunahan ka ni Kale."

"Palaki ka muna, Kale. Pipitikin kita diyan eh." Nagtawanan muli sila sa sinabi ko. Kahit maliit pa lang kapatid ko mapipitik ko talaga 'to. Sumasapaw!

Masaya ang lahat ng mga tao sa hapag. Kung anu-ano ang pinag-uusapan nila pero halata sa mukha nila ang kaligayahan na nadarama nila dahil sa tagal ng panahon ay muli kaming nagkasama-sama.

Kakausapin ko na dapat ang katabi ko ng paglingon ko ay wala na si Sunako. San kaya pumunta 'yun? Di nagpapaalam.

Hinanap ko si Sunako sa kwarto na tinutuluyan nila ng kambal pero wala siya dun. Bumalik ulit ako sa sala pero wala din siya dun miski sa kusina wala. Tumungo ako sa pool pero bigo din akong makita siya dun hanggang sa makita ko sya sa may swing ng garden. Nakaupo siya dun sa swing habang nakatanaw sa bituin. Mukhang malalim ang iniisip.

"There you are." Sabi ko sa kanya. Binalingan naman niya ako ng tingin at ngumiti bago muling tumingin sa buwan. Umupo din ako sa swing na katabi niya.

"Akala ko nasa kwarto kana at natutulog pagpunta ko dun wala ka naman. Andito ka lang pala. Hindi ka man lang nagpaalam."

"Magpapahangin lang dapat ako saglit eh kaso ang ganda ng buwan kaya nag stay na lang ako dito." Sagot naman niya sakin. Tinanggal ko ang jacket ko tsaka pinatong sa balikat niya. Napatingin naman siya sakin at sa jacket na nakapatong sa balikat niya.

"Malamig tsaka malamok. Magka dengue kapa mamaya."

"Pano ka?"

"Okay lang. Balat ng kalabaw naman 'tong balat ko." Napatawa siya saglit sa sinabi ko at nanahimik na din. Matagal na namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa hanggang sa magsalita na siya.

"Kamusta na kaya si mommy ngayon? Naiisip kaya niya ako ngayong pasko?Masaya kaya siya ngayon?" Sabi niya habang nakatingin sa buwan.

"Syempre iniisip ka nun ngayong pasko. Ano ba 'yang tanong mo." Sagor ko sa kanya.

"Sana nga iniisip niya ako. Kasi ako iniisip ko din siya palagi. Okay lang kahit hindi na niya ako hanapin basta ba kahit sumagi lang ako sa isipan niya okay na ako." Tipid siyang ngumiti kahit nangingislap ang mata niya. Tumayo ako sa harapan niya at niyakap siya na ikinagulat niya.

"Kahit hindi mo sabihin alam ko yung nararamdaman mo. Huwag mong pigilan." Yumuko ako para magkapantay ang mukha naming dalawa. Seryoso akong tumingin sa kanya.

"Andito lang ako para sayo." Huminga ito ng malalim at hindi na niya napigilan ang sarili niya. Nag-uunahan ang mga luha niya sa mata tsaka ako niyakap ng mahigpit. Niyakap ko siya sya pabalik at hinagod ang buhok niya.

Huwag kang mag-alala, Sunako. Hinding-hindi kita iiwan.

-----------

"Mommy..." Tawag ng isang lalaki sa kanyang ina habang may hawak itong litrato ng isang babae. Nagpunas muna ito ng mga luha bago harapin ang kanyang anak.

"A-Anak... Kanina ka pa ba diyan?" Pagtatanong ng Ginang at ngumiti. Lumapit naman ang kanyang anak na lalaki sa kanya at tinignan din ang litrato.

"Tinitignan mo na naman yung picture niya."

"Pasensya na, anak. Namimiss ko lang ang kapatid mo."

"Ma... Wala na si Harelane diba? Ilang taon na ang nakalipas, Ma. Baka talagang... Baka iniwan na niya talaga tayo..." Humagulgol ng iyak ang ginang at napaupo sa sahig.

"H-Hindi... Hindi... Buhay ang kapatid mo. A-Alam kong buhay siya. Babalik siya satin! Babalik ang kapatid mo!"

"Mama! Gumising kana nga sa katotohanan! Ma! Matagal na siyang wala! Kung buhay pa siya bakit hindi siya bumalik ngayon? Tanggapin na natin na patay na siya! Wala na si Harelane! Wala na ang kapatid ko!"

"Hindi totoo 'yan! Buhay ang kapatid mo! Babalik siya satin! Babalik siya!" Niyakap niya ang kanyang ina na tumatangis dahil sa nawawalan niyang kapatid.

"Kung pwede lang mama. Kung pwede lang bumuhay ng patay, gagawin ko. Ibabalik ko ang buhay niya. Ibabalik ko siya para maging masaya ka na." Bulong nito sa kanyang ina.
----
Hmmm? Sino kaya si Harelane?
Kamusta kayo? Sunod-sunod yung bagyo tapos ilang araw na din kaming walang kuryente. Ngayon lang bumalik kaya ako nakapag update. Huhu.

Keep safe, Guys! Godbless!

The Thief Who Stole My Heart (Boy's POV Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon