Sorry
"Mommy..." Bigla ko na lang nasambit. Nagtataka naman na nakatingin sakin si Kale.
"Momma is with dadda po. Andun po sila downstairs. Why are you looking for momma?" Hinaplos ko na lang ang pisngi niya at ngumiti. Malabong mangyari. Sobrang labo ng iniisip ko.
"Kuya, can I sleep beside you?" Pagtatanong niya sakin.
"No. May monster sa kwarto ni Kuya. Gusto mo pakain kita sa monster?" Pananakot ko pero wala yatang talab sa kanya.
"Dadda said monsters are not real. Kaya ko nga pong matulog sa room ko mag-isa eh." Pagyayabang nito sakin. May pinagmanahan ng kakulitan si Kale.
"That's good. Be brave, Kale. Wag kang tutulad kay Kuya..." Sabi ko. Tumango lamang sakin si Kale.
"Okay po." Sabi naman niya at muling kumuha ng gummy bears.
"Gusto mo bang makita yung alagang monster ni Kuya? Nasa ilalim lang naman siya ng higaan ko. Pag tumabi ka sakin mamaya kakagatin ka niya." Bigla naman siyang namutla dahil sa sinabi ko.
"No! I don't want to sleep beside you!" Sigaw nito at patakbong umalis sa kwarto ko. Napailing ako sa inasta niya. May kinakatakutan naman pala.
Muli akong nahiga sa kama. Biglang gumaan yung pakiramdam ko habang kausap ko si Kale. Biglang nabawasan yung inis na nararamdaman ko. Totoo nga yung sabi nila na kayang pawiin ng lahat ng mga bata.
"Good morning, Kuya!" Sigaw ni Kale. Nginitian ko naman ito at ginulo ang buhok niya.
Akala ko siya lang mag-isa sa garden pero andun pala ang magaling kong ama kasama ang kabit niya. Parang napaso ako sa paghawak kay Kale kaya lumayo ako sa kanya. Nagtataka naman ang inosente niyang mga mata dahil sa ginawa ko sa kanya. Napatikhim na lang ako.
"S-Sumalo kana samin, Theron. Sabay-sabay tayong mag-umagahan." Sabi ni Tita Clara. Feeling concern. Tsk! Tatanggi pa lang ako sa alok niya ng biglang may pumigil sakin.
"Magbigay galang ka, Theron. Hindi ganyan ang tinuturo namin sayo." Sabi ni Lolo. Wala na akong nagawa kundi ang umupo.
Inabutan naman ako ng plato ni Tita Clara pero hindi ko tinanggap 'yon. Nagpakuha pa aki ng panibagong plato sa katulong namin. Maya-maya lang ay sabay-sabay kaming kumain.
"Kamusta ang pagbubuntis mo, Clara?" Pagsisimula ni Lola sa usapan.
"O-Okay lang naman po. Kailangan lang daw po ng pahinga dahil medyo maselan daw po ang aking pagbubuntis." Sagot naman nito kay Lola. Padabog kong binagsak ang kubyertos kaya lahat natingin sakin.
"Wow! Hindi kana talaga nahiya no? Talagang nagpabunti ka pa sa tataty ko?" Dinampot ko abg table napkin at pinunasan ang bibig ko.
"I'm full." Sabi ko at umalis sa harapan nila. Hindi pa ako nakakalayo ng biglang may humatak sa braso ko at sinuntok ako sa mukha. Pinunasan ko yung dugo sa labi ko at ngumisi. Galit na galit naman na nakatingin sakin ang ama ko.
"Magbigay ka man lang ng respeto sakin bilang ama mo!" Sigaw nito sakin. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit kita rerespetuhin? Naging ama ka ba sakin?! Ginampanan mo ba ang tungkulin mo bilang ama ko?!" Pabalik na sigaw ko. Mukha naman siyang natigilan sa sinabi ko. Tumingin ito sa taas saglit at muli akong tinignan. Kumikislap ang mga mata nito na para bang iiyak pero pinapatapang lang nito ang tingin sakin.
"Wala kang alam, Theron. Wala kang alam sa nangyari samin ni Tanika. Hindi---."
"Wala kang karapatan banggitin ang pangalan ni Mommy dahil wala kang kwentang asawa!" Pagputol ko sa sinasabi niya. Ang lakas ng loob niyang banggitin ang pangalan ni mommy!
"Tama ka... Bukod sa wala akong kwentang ama, wala din akong kwentang asawa." Sabi nito kasabay ng pagpatak ng luha niya na kanina pa niya pinipigilan.
Gusto kong maawa sa kanya pero naaalala ko lahat ng ginawa niya kay mommy. Iniwan kami ni mommy dahil sa ginawa niyang kagaguhan!
"Tigilan mo na 'yang pag-arte mo. Wala ka sa drama." Sabi ko. Nagmamadali kong kinuha ang bike na nasa gilid lang at mabilis na umalis sa pesteng bahay na 'yon.
Hindi ko alam bakit dinala ako dito sa tapat ng apartment ni Sunako. Pwede naman ako magpunta sa bahay nila Carter or kila Karen pero dito ako dinala ng mga paa ko.
Pinark ko na lang sa gilid yung bike ko at kumatok sa pintuan ng apartment ni Sunako. Feeling ko nga natutulog pa ito dahil 7:00 pa lang naman ng umaga.
Nakailang katok pa ako sa pintuan bago niya buksan. Pupungas-pungas pa ito. Wala pa yata sa sarili niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang ayos niya. Nakasando lang ito at naka shorts na maikli.
Tang-ina, Theron. Umayos ka!
Binalik ko na lang ang tingin sa mukha niya. Nakapikit pa ulit ang mga mata nito na para bang natutulog ulit kahit nakatayo naman.
"H-Hi?" Nauutal kong sabi. Dinilat niya ang isang mata na parang inaaninag kung sino ang nasa harap niya pero dahil sa kaantukan ay hindi niya magawa.
"Mukhang inaantok ka pa talaga ah?" Pagkasabi ko non ay nanlalaki ang mata niyang nakatingin sakin. Gulat na gulat sa taong kaharap niya. Tuluyan na yata siyang nagising.
Nagulat ako ng bigla niya akong pagsaraduhan ng pinto. Kumatok ulit ako sa pintuan niya ng ilang ulit.
"Sandali lang kasi!" Sigaw naman nito pabalik. Naghintay muli ako ng ilan pang minuto bago pagbuksan niya. Nagpalit din ito ng damit. Buti naman...
"Anong ginagawa mo dito?" Pagtatanong niya pero ramdam ko yung lamig ng pakikitungo niya sakin. Napakamot ako sa ulo ko bago sumagot sa tanong niya.
"Ah... Eh... K-Kasi..." Ano ba sasabihin kong dahilan sa kanya? Maski ako hindi ko din naman alam ang dahilan bakit nandito ako.
"Pumasok kana." Malamig niyang sabi sakin. Galit pa yata dahil sa sinabi ko kahapon sa kanya.
Niluwagan naman niya ang pagkakabukas ng pintuan niya kaya nakapasok ako. Umupo ako lumang sofa niya.
Color white and mint green ang theme ng unit nito na nagmumukhang malinis. Actually, malinis talaga ang loob nito. Sa sobrang linis pati mga insekto na maliliit mahihiyang dumapo dito.
"Nag-umagahan kana?" Pagtatanong nito. Tinignan ko naman ito at abala sa ginagawa niya. Tinapunan lang siguro ako saglit ng tingin nung nagtanong pero muling bumalik sa ginagawa. Or ayaw niya lang talaga ako tignan dahil galit siya...
Lumapit ako sa kinaroroonan niya. Nagulat pa ito kaya natapon ang kape na tinitimpla niya kaya nahulog ang tasa at nabasag. Napaso naman ito dahil sa natapon na kape.
"Ikaw kasi eh!" Naiinis na sigaw niya sakin. Mukhang paiyak na din. Wala sa sariling hinawakan ko ang kamay niyang napaso at kinintalan ng halik iyon. Napatigil naman siya sa ginawa ko at tumingin ng seryoso sakin.
Inipit ko ang ilang hibla ng buhok niya sa kanyang tenga at tumingin ng sinsero sa kanyang mga mata.
"I'm sorry..."
-----
Daming nagtatanong bakit daw Sunako tawag ni Theron kay Hyacinth. Ganto kasi itsura ni Hyacinth oh. Bala nga kayo diyan! HAHAHAHA.
Please, vote and share my story. Thankyou! ❤
BINABASA MO ANG
The Thief Who Stole My Heart (Boy's POV Series #1)
Roman pour Adolescents"Sa lahat ba naman ng nanakawin sakin, Bakit puso ko pa?"-Kent Theron Smith