Guidance Office (Part 2)
“Talagang sinasagad mo galit namin ha!” Sigaw din ni Apple at muli na naman nagrambulan silang lima. Biglang may pumito kaya natigil ang lahat. Tinignan naming kung sino ang may gawa nun. Paktay! Si Ma’am Legaspi.
“Go to my office, NOW!” Sigaw ni Ma’am pero ni isa ay walang tuminag.
“WAG NYONG HINTAYIN NA KALADKARIN KO PA KAYO!!!” Sigaw muli ni Ma’am kaya no choice silang lima kundi sumunod na. Namumula sag alit si Ma’am habang nanlilisik ang mata na nakatingin kila Sunako.
Nang makalabas nan g room yung lima ay agad na sumunod si Ma’am. Di pa kami nakakaupo ng biglang tawagin kami ni Chezca na kadarating lang sa room dahil maraming may pinapaasikaso ang mga teachers sa kanya.
“Carter, Theron tawag kayo sa guidance office ni Ma’am Legaspi.”
“Tang-inang ‘yan! Kaninang andito siya di niya kami pinatawag!” Inis na sigaw ni Carter pagtapos ay lumabas nan g room. Sumunod naman ako sa kanya. Kumatok muna kami bago pumasok.
“Ma’am pinatawag nyo daw po kami?” Pagtatanong ko pero sumenyas lang ito na pumasok kaya sumunod kami . Pumwesto kami sa likuran nila Karen.
“Di na ako magpapaligoy-ligoy pa. Ano ang nangyari at bakit nagkakagulo kayo sa room ninyo?” Patatanong ni Ma’am samin. Magsasalita pa lang si Apple ng muling magsalita si Ma’am.
“Mr. Smith pwede mo bang idetalye ang kabuuang nangyari?” Kinwento ko ang lahat ng nangyari. May mga pagkakataongtumututol sila Tricia pero pinapatahimik lang ito ni Ma’am.
“So ang nauna talaga ay ang grupo nila Tricia?” Pagtatanong ni Ma’am.
“No, Ma’am! Si Hyacinth dahil sinadya niyang basain ang sapatos ni Katelyn!” Pag apela ni Apple. Biglang tumayo si Karen at dinuro si Apple. Agad naman naming siyang inawat.
“Hoy, Mansanas! Hindi sinadya ‘yon! Kahit itanong mo pa sa mga kaklase natin hindi sinadya na basain yun dahil nakadapa si Hyacinth sa harapan ninyong tatlo!”
“Hindi madadapa ang kap---I mean hindi madadapa si Hyacinth kung hindi siya pinatid.” Sabi naman ni Carter.
“Ms. Santiago, may pumatid ba sa’yo?” Sa una ay parang nag-aalangan pang sumagot si Sunako pero kalaunan din ay dahan-dahan din itong tumango bilang sagot niya.
“I think si Apple ang pumatid sa kanya. Si Apple ang pinaka malapit sa may pintuan at nakita ko din kung paanong ibalik niya ang right foot niya kanina habang bumabangon si Hyacinth.”
“Hindi totoo ‘yan! Kinakampihan mo lang sila dahil kaibigan mo sila! Napaka sinungaling mo! Anong dahilan para gawin ko sa kanila ‘yan?” Napa smirk si Carter.
“Dahil gwapo kami ni Theron? Mas lamang nga lang ako.” Napahampas na lang ako sa noo. Nakakahiya talaga ‘tong lalaking ‘to! Seryososng usapan naisisingit pa yung ganyan.
“Pero aminin mo na may gusto ka saming dalawa ni Theron. Kaya nga nakipag kaibigan ka sa dalawang ‘yan para mapansin kita eh. Diba’t wala namang pumapansin sayo dati pero nung nakipagkaibigan ka sa kanila dun na nag start ang lahat? Hindi ka magaling na artista. Lahat ng ginagawa mo halatang-halata na nakikipag plastikan ka lang.”
“Hindi totoo ‘yang mga sinasabi mo!” Sigaw ni Apple at sinampal si Carter. Napa smirk lang si Carter halatang mas lalung iniinis si Apple. Galit na galit si Apple kaya muling sumugod ito at pinaghahahampas si Carter. Agad naming siyang inawat.
“Gago ka! Napaka gago mo!”
“Ms. Macapili itigil mo yan kung ayaw mong i-expell kita!” Sigaw ni Ms. Legaspi kaya natahimik kami.
“Ms. Andres at Ms. Santiago kumuha kayo ng form kay Ms. Anchieta at dumiretso kayo sa detention room. Hindi kayo pwedeng lumabas hangga’t hindi pa ninyo uwian. ‘Yan ang punishment ko sa inyo.” Samin naman lumingon si Ma’am.
“Kayong dalawa pwede na kayong bumalik sa room nyo. At kayo namang tatlo…” Sabi ni Ma’am at lumingon kila Tricia.
“Manatili kayo dito. Kailangan kong makausap ang mga magulang nyo para sa mga rules ng school na nilabag nyo at para sa suspension nyo.”
“What? Suspension? Anong rules ang nilabag naming para suspension ang ipataw nyo samin?” Pagtatanong ni Apple.
“May nakapag report sakin na may binubully kayo na mga Junior High sa may abandonadong room. Alam kong alam nyo wag kayong magmaang-maangan.”
“Excuse me? Ba’t ko tatawagan ang magulang ko? Bukod sa pagiging queen bee anak din ako ng director ng school na ‘to so hindi applicable sakin ‘yang rules-rules nyo na ‘yan!” Sabi naman ni Tricia. Mataray itong tinignan ni Ma’am.
“Kahit anak ka pa ng director wala akong pake dahil siya mismo ang nagbigay ng pahintulot sakin na kahit anak pa niya ang lumabag sa rules, kailangan pa din parusahan. Estudyante ka lang. Bawasan-bawasan mo ang sungay mo kung ayaw mong ako ang tumabas niyan.” Kahit gustong-gusto pang sumagot ni Tricia ay nanatili na lamang itong tahimik.
Tumingin muli samin si Ma’am at tumango senyales na pwede na kaming umalis. Bahagya kaming yumuko bilang pamamaalam sa kanya at agad kaming umalis. Hindi pa kami tuluyang nakakaalis ng biglang pingutin ni Carter sila Karen at Sunako.
“A-Aray! Aray! Aray!” Sabi ni Karen habang pilit na inaalis ang kamay ni Carter sa tenga niya.
“B-Bitaw na! Sobrang sakit na!” Sigaw nung dalawa kaya agad ding binitawan ni Carter. Hihimas-himas naman s kanilang mga tenga yung dalawa.
“Ulitin nyo pang dalawa ‘yan! Hmp! Mas masakit pala sa ulo ang away ng mga babae kaysa saming mga lalaki.” Sabin i Carter at nagsiula na maglakad pabalik ng room. Nakanguso naman na sumunod yung dalawa.
“Panong di papatulan eh nakakapikon sila. Di ko nga naranasan saktan ng mga kamag-anak ko tapos hahayaan ko lang sila na saktan ako? No way!”
“Nabuhusan nga ako ng tubig. Dapat lang din sa kanila yung ginawa ko.” Lumingon sila Carter at masamang tumingin sa dalawa na agad namang nagtago sa likuran ko.
“Kahit na mali pa din yung ginawa ninyong dalwa. Imbis na matapos agad, pinalaki nyo pa. Haaaysss! Ang sakit ninyo sa ulo!” Reklamo ni Carter.
“Ganyan ka din naman dati eh. Ayan binabalikan kana ng karma mo.” Sabi ko sa kanya.
“Anong ganyan ako dati?”
“Yung pagiging sakit sa ulo. Naalala mo dati? Buwan-buwan kang nasa guidance office dahil sa pakikipag-away mo din.”
“Meron pa nga yung time na nagwala yung isang girlfriend niya sa room natin kasi nakikipaghiwalay si Carter sa kanya eh ayaw pumayag ni Dea.”
“Dea? Sinong Dea?” Pagtatanong ni Carter. Npangiwi ako sa tanong niya.
“Ex mo nga, gago! Sa sobrang dami kasi ng mga naging babae mo maski mga pangalan nila di mo na matandaan.” Sagot naman ni Karen
“Naalala mo din ba yung lasing si Carter? Ang luko nagkakakanta pa habang nakatungtong sa table. Nakakahiya talaga.” Kwento ko sa kanila.
“Mas nakakahiya nga yung ginawa mo nung lasing ka.Paulit-ulit mong minumura si Kupido.” Sabi ni Sunako. Nanlaki agad ng mga mata ko ng maalala ko yun. Shit!
“Hoy, Sunako! Tigilan mo ‘yan!” Pero hindi ito nagpaawat. Ngumisi pa ito bago gayahin ang ginawa ko ng mga oras na ‘yun.
“Shagutin mo ko, Kupido… Malabo ba mata mo? Tara sha EO… Ipapatingin natin ‘yang mata mo.” Tatawa-tawa naman siya sa mga pinaggagagawa niya.
“Sunako!” Tumakbo ito ng mabilis habang tumatawa ng malakas. Alam niyang hahabulin ko siya kaya inunahan na ako.
Sa huli para kaming mga bata na nakawala sa mga bahay namin. Kahit pinapagalitan na kami ng mga teachers ay tuloy pa din kami sa paghahabulan sa hallway. Sa kabila ng mga problema na kinaharap namin nitong mga nakaraang araw ay nanatiling matatag ang pagkakaibigan namin. At kahit kalian hindi ko pagsisisihan na sila ang mga naging kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
The Thief Who Stole My Heart (Boy's POV Series #1)
Jugendliteratur"Sa lahat ba naman ng nanakawin sakin, Bakit puso ko pa?"-Kent Theron Smith