Real brother.
"Theron, San ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap." Bungad sakin ni Lola pagkadating ko sa bahay.
"Diyan lang." Tipid kong sagot. Tinignan ko ang mga tao sa loob. Napayuko ako ng magtama ang mata namin ng tatay ko.
"Kumain ka na ba? Tara na, Sabay-sabay na tayong kumain. Pag-aya ni Lolo pero umiling lang ako.
"Nabusog na po ako sa pinuntahan ko kanina, Lo. Magpapahinga na po ako." Sabi ko. Akala ko muli silang tututol pero hinayaan lang nila ako.
Agad akong humiga sa kama pagkapasok ko sa kwarto. Hindi ko na nagawa pang makapagpalit ng damit. Buti na lang maaga akong nakaligo kanina. Maya-maya lang ay hinatak na ako ng antok.
Nagising ako ng makaramdam ako ng gutom. Tinignan ko yung side table ko para tignan ang orasan. Ala-una pa lang ng madaling araw. Bumangon ako para kumain.
Pagkababa ko ay nakita kong nakabukas ang dim lights sa kusina. Andun ang tatay ko habang may hawak na alak sa baso. Nagawi naman ang paningin niya sakin pero nagkunwari lang akong hindi siya nakita.
Kumuha ako ng fresh milk sa ref at tsaka mga tinapay. Kinuha ko yung baked mac na nasa ref tsaka saglit na ininit. Paakyat na ako ng tawagin niya ako.
"Theron... Dito mo na lang kainin 'yan. Samahan mo muna ako." Seryoso niyang sabi habang nakatingin pa din sa alak niya.
"Dun na lang ako----."
"Please..." Putol niya sa sinabi ko. Umupo na lang ako sa isang stool dun at nilagay lahat ng pagkain na dapat dadalhin ko sa kwarto ko. Sinimulan ko ng kumain. Hindi ko na lang pinansin ang presensya niya kahit alam kong nakatingin siya sakin.
"Theron... Anak..." Panimula niya pero di ko pa din siya pinansin.
"Kamusta kana? Hindi ko man lang napansin na nagbibinata kana." Patuloy pa din niya pero nagbingi-bingihan lang ako.
"Alam ko ngayon hindi mo pa maiintindihan ang nangyari samin ng mommy mo. Gusto ko lang sabihin na patawad, anak. Dahil hindi ko naisalba ang pamilya natin. Hindi ko nagawang iligtas ang mommy mo." Sabi niya at muling uminom ng alak.
"Patawad anak kung hindi man lang kita nabantayan. Pati ang mommy mo hinayaan ko."
'Talagang hinayaan mo si mommy dahil sa kagaguhan mo.' Gusto kong sabihin sa kanya yan pero mas pinili ko na lang manahimik.
"Maniwala ka. Minahal ko ang mommy mo. Minahal ko siya higit pa sa buhay ko."
"Hanggang kailan mo ako paniniwalain sa mga kasinungalingan mo ha? Pwede ba? Itigil mo na 'to!" Naiinis kong sigaw sa kanya. Muling ibinalik niya ang tingin sa alak at tumango-tango na para bang nag sink-in sa kanya lahat ng sinabi ko.
"Malalaman mo din ang totoo, Theron. At sa araw na iyon wag mo sanang kamuhian ang taong nagluwal sayo." Padabog kong binagsak ang kutsara tsaka umalis.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nanghihina akong napasandal sa pinto at tuluyan ng napaiyak dahil sa mga narinig ko muli sa ama ko.
"Theron, sasama ka ba? Pupunta kaming sementeryo at lilinisin ang puntod ng Lola Cha mo." Pagtatanong ni Lola sakin. Ngayon ko lang narealize na November 1 na nga pala bukas.
"Susunod na lang po siguro ako." Sabi ko. Lumingon ako sa hagdanan kung saan pababa ang bagong pamilya ng tatay ko. Iniwas ko na lang ang aking tingin.
Tahimik lang kaming nag-almusal ng biglang magsalita ang tatay ko na hindi ko nagustuhan.
"Ma, bibisita nga pala kami sa puntod ni Tanika. Isasama ko si Kale tsaka si Cla---."
"Bibisita ka na nga lang sa puntod ni mommy isasama mo pa yang kabit mo?" Naiinis na sabi ko. Natahimik naman siya.
"At sino din may sabing may karapatan ka na bisitahin si mommy? Sinong nagbigay ng pahintulot sayo?" Maangas na tanong ko sa kanya. Tumingin naman ito sakin.
"Asawa ko pa din naman si Ta---."
"Asawa na pinabayaan mo dahil sa katarantaduhan mo!" Di ko na napigilan muli ang galit ko sa kanya. Nakamasid lang samin sila Lola.
Tumayo ako at nilapitan si Tita Clara. Pilit ko siyang hinatak sa kinauupuan niya kaya naalarma ang lahat.
"Hindi ka na nahiya sa mommy ko! Kumabit ka pa talaga sa tatay ko! Anong ginawang masama ng mommy ko?! Bakit mo siya ginanito?!" Sigaw ko sa kanya habang kinakaladkad siya palabas ng bahay. Impit naman siyang umiiyak.
Pagkalabas namin tsaka ko siya tinulak pero agad siyang napahawak sa gate bilang suporta niya.
"Naging mabait ang mommy ko sayo pero anong ginawa mo?! Inahas mo ang tatay ko! Best friend ka pa man din ni mommy! Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw ko sa kanya habang umiiyak naman siya.
Lalapitan ko pa sana si Tita Clara pero pinigilan ako ni Lolo at ni Mang Carding na driver ni Lolo. Lumapit si daddy kay Tita Clara. Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak nila.
"Kuya!" Sigaw ni Kale at lumapit sakin. Nakawala ako sa pagkakahawak nila. Humawak si Kale sakin habang umiiyak.
"Sabing wag mo kong tatawaging Kuya dahil di kita totoong kapatid!" Sa kanya ko binaling ang galit ko at tinulak siya. Sa sobrang lakas ng tulak ko ay tumama ang ulo niya sa bato.
"Kaleeeee!!!" Sigaw nilang lahat. Nanlalaki ang mata ko dahil sa gulat. Sobrang bilis ng pangyayari. Hindi ko sinasadya...
Lumapit ang tatay ko at sinuntok ako ng ilang beses. Siya naman ang inawat ngayon. Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa pagkakasuntok niya. Dumudugo na din ang ilong ko. Hindi ako maka react. Nanlalambot ako dahil sa ginawa ko kay Kale.
"Dahil diyan sa galit mo pinahamak mo ang sarili mong kapatid!" Sigaw niya sakin. Tumingin ako sa kanya na nagtataka. Nakita kong umiiyak siya.
"Bakit ka natigilan ha? Labas mo ngayon ang angas mo!" Sigaw muli nito sakin at niyugyog ako habang hawak ako sa kwelyo.
"Itigil niyo na yan, Karl! Itakbo niyo na sa ospital si Kale!" Sigaw ni Lola.
Muli kong tinignan si Kale. Kandong na ito ni Tita Clara habang tahimik na umiiyak. May bimpo sa ulo si Kale para pigilan ang pagdurugo nito.
All this time...
Hindi ko na napigilan pa ang luha ko na tumulo. Unti-unti akong binitawan ng ama ko. Lumapit ito kila Tita Clara at agad na kinuha si Kale. Sumunod naman si Tita Clara. Dadalhin si Kale sa ospital.
Nakatingin lang ako sa kanila hanggang sa makaalis ang kotse.Totoo ang hula ko. Akala ko guni-guni ko lang yun. Akala ko naalala ko lang si mommy sa kanya sa tuwing ngumingiti ito. Akala ko... Akala ko...
"Totoong kapatid ko si Kale..." Napabulong ko na lang sa sarili ko at napaluhod na lang sa kinatatayuan ko.
------
Mag-a update dapat ako kahapon kaso nawalan ako ng load. HAHAHA.Please, vote and share my story. Thankyou! ❤
BINABASA MO ANG
The Thief Who Stole My Heart (Boy's POV Series #1)
Fiksi Remaja"Sa lahat ba naman ng nanakawin sakin, Bakit puso ko pa?"-Kent Theron Smith