Chapter 4

171 58 16
                                    

A/N: Patugtugin niyo yung 'When I met you' na cover ni Justin Vasquez para dama nyo. Thankyyyy! 💖



The Kiss







"Walang pagbabago. Magnanakaw pa din." Nagulat ito napahawak pa sa dibdib. Napataas ang kilay ko sa kanya.





"Wag kana magnakaw. Ako na magbabayad."



"Anong sabi mo?" Napaismid ako sa tanong niya. Maang-maangan pa eh.



"Sabi ko wag kana magnakaw. Ako na magbabayad ng mga kinuha mo."



"A-anong wag na akong magnakaw? H-hindi ako n-nagnakaw no!" Madiin niyang sabi saka umiwas ng tingin. Ako pa talaga niloloko nito.



"Walang magnanakaw na umamin sa krimen na ginawa niya. Tanggalin mo na ang nasa loob kung ayaw mong ako pa magtanggal niyan." Umirap muna siya sakin bago sinunod ang sinabi ko. Kung di lang 'to babae pinatulan ko na 'to.




"Kung may gusto ka pa kunin mo lang. Ako naman magbabayad eh."



"Di ko kailangan ng magbabayad sakin." Choosy pa 'teh? Ayaw sa libre?



"Di mo kailangan ng magbabayad kasi gusto mo yung ninanakaw ganon ba?" Sarkastiko kong sabi sa kanya habang nakapamulsa.



'Tsk'lamang ang sinagot niya sakin at kinuha na din ang mga gusto niya. Daming arte ng babaeng 'to eh.



Kumuha pa ako ng dalawang bote ng T-ice tsaka pumunta na din sa counter kung saan andun na si Sunako. Nang mabayaran ay muli akong bumalik sa kinauupuan ko kanina. Akala ko uuwi agad si Sunako pero sumunod din pala ito sakin at umupo sa harap ko. Nilaag niya lahat ng pagkain niya na binayaran ko.



"Di maganda kapag mag-isa kang umiinom. Mukha kang loner na broken hearted." Sabi niya na para bang nabasa niya ang laman ng isip ko. Tinungga ko ulit yung isang bote ng T-ice. Bigla naman tumugtog ng 'When I met you'.



There I was an empty piece of a shell
Just mindin' my own world
Without even knowin' what love and life were all about



Napatingin ako sa kanya habang nakalapat pa din ang bote sa labi ko. Kumakain siya ng cup noodles. Parang gutom na gutom.



Kukuha sana ako ng isang chichirya ng palihim. Nagulat ako ng bigla niyang paluin ang kamay ko. Babae ba talaga 'to?




"Di kaba pinapakain sa inyo?" Napatingin siya sakin habang humihigop ng sabaw.




"Kumakain." Sagot niya habang punong-puno pa ang bibig.




Then you came
You brought me out of the shell
You gave the world to me
And before I knew
There I was so in love with you




Kumuha ako ng tissue at binato sa mukha niya. Inis niya akong tinignan.




"Pwede po ibigay ng maayos. Tsk!"



"Don't talk when your mouth is full!" Inirapan lamang niya ako.




"Walang ganyan sa mga taong gutom at taong naiinis sayo." Nagtitigan lang kami ng siya na ang magbawi ng tingin at bumalik na sa pagkain. Tinungga ko naman ulit yung iniinom kong T-ice




You gave me a reason for my being
And I love what I'm feelin'
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
And it all began when I met you




The Thief Who Stole My Heart (Boy's POV Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon