Torpe
"Pwede bang ako na lang iyon? Pwede bang ako na lang yung maging ideal guy mo?" Bigla siyang natigilan sa sinabi ko. Parang malalim ang iniisip hindi ko tuloy alam kung galit ba siya sa sinabi ko.
Maya-maya lang ay yumuko ito. Kinuha ang isang pares ng tsinelas at binato sakin. Potek!
"Mukha ba akong nakikipaglokohan sayo ha? Bawas-bawasan mo ang pagsama kay Carter at nahahawa kana sa kanya!" Bulyaw nito sakin at nagmamadaling umalis. Di na niya kinuha ang isang pares ng tsinelas niya.
Napailing ba lang ako at agad siyang sinundan. Nang maabutan ko ay agad kong hinatak ang braso niya.
"Ano bang---." Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng bigla akong lumuhod sa harap niya. Kinuha ko ang kanang paa niya at pinagpag ang talampakan niya. Iiiwas pa sana niya ito kaya hinatak ko muli ang paa niya.
Aksidente naman siyang napahawak sa balikat ko dahil sa ginawa kong paghatak sa paa niya. Nang wala na akong makapang maliliit na bato ay sinuot ko na sa kanya yung tsinelas niya.
"Ayan. Okay na, Cinderella." Akala ko magtha-thankyou siya sakin dahil sa ginawa ko pero kabaliktaran ang ginawa niya.
Tinuhod niya yung mukha ko. Shet!
Napahawak ako sa panga ko na natamaan. Babae ba talaga 'tong kaharap ko? Nang medyo hindi na gaanong masakit yung panga ko ay tinignan ko siya ng masama.
"Pagtapos ng lahat ng ginawa ko sayo ganon gagawin mo sakin? Wow! Ganda ng pasasalamat mo!" Sarkastiko kong sabi.
"Tang-ina mo!" Sagot naman nito. Namura pa nga ako! Ibang klase!
"Tigilan mo na 'tong ginagawa mo ha! Di na ako natutuwa. Naiirita ako sa ginagawa mo, alam mo ba 'yon?! Naiinis ako!" Ngayon ako nakaramdam ng hiya sa sinabi niya. May kung anong bagay na tumurok sa puso ko.
Kanina pa din kami pinagtitinginan sa daan. Yung mga kabataan kanina na nagkakantahan natigil din. Parang nanonood sila ng isang shooting at kami ni Sunako ang artista. Napaka madiwara.
Salita lang yun pero parang may punyal siyang sinaksak sakin. Napahawak naman ako sa dibdib ko. Nagtataka naman na nakatingin sakin si Sunako.
"You ouch me!" Umarte na lang ako na parang nasasaktan talaga pero yung totoo masakit talaga. Natawa naman yung mga taong nakapaligid samin. Mas lalu lang kumunot ang noo ni Sunako dahil sa inasta ko. Biglang nag strum ng gitara yung kasama nila at kumanta. Para bang nanunura.
Pasensya na
Kung ikaw ay naiinis
Ayoko na sanang
Pag-usapan pa
Kung gusto mo ay
Manood ka na lang ng sine
Di ba huwebes ngayon
Baka may bago nang palabasSinamaan ko ito ng tingin pero nginisihan lang ako nito. Pati ang mga kasamahan nila ay naki kanta na din. Sa tingin ko'y mga higit sila sa sampu. May iba pa na pinupukpok ang lamesa na para bang tambol iyon at ang iba ay naghe headbang na parang nasa concert.
Huwag mo na akong pilitin
Ako ay walang lakas ng loob
Para tumanggi
Walang dapat ipagtaka
Ako ay ipinanganak
Na torpe diyan sa tabi-tabi..."TUMIGIL NA NGA KAYO!" sigaw namin dalawa ni Sunako. Tumigil naman ang mga ito at nagtu-turuan pa kung sino ang may kasalanan. Napailing na lang ako sa inasta nila.
"Mag-aral muna kayo wag puro lablayp-lablayp ang isipin. Kapag nakuha nyo na yung mga pangarap nyo makikita nyo. Yung mga taong nagugustuhan nyo? Sila mismo ang lalapit sa inyo." Napatango-tango naman ang iba sa sinabi ni Sunako.
"Ito pong si Tyler habulin. Habulin ng mga babaeng galit dahil sa pagiging babaero niya." Sabi nung isang babae kaibigan nila. Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi nito. Nilingon ko naman si Sunako na nagpipigil ng tawa.
"Wag mo pigilan. Mamaya mautot ka diyan." Sinamaan ako muli ng tingin nito pero tumawa na din. Napangiti ako habang nakikita siyang tumatawa.
Nauna na siyang maglakad sakin kaya agad akong sumunod sa kanya. Nakakailang hakbang pa lang kami ng may tunawag sakin.
"Sandali lang po, Kuya!" Parehas kaming lumingon ni Sunako sa tumawag samin.
"Wag kang maging torpe. Hangga't maaari ipakita mo sa kanya kung gaano siya kahalaga sayo. Baka maunahan ka sa susunod niyan." Sabi nung nagi gitara kanina. Binatukan naman siya nung isang kaibigan nila. Masakit yun ah?
"Lakas mag advice ng gago. Sana ina-apply mo din yan sa sarili mo no, Harvey?" Napahawak naman yung Harvey sa batok niya. Kawawa naman.
Maya-maya lang ay nagpasya na ulit kami bumalik sa bahay. Nasa tapat na kami ng gate ng biglang magsalita si Sunako.
"Sa susunod wag kana ulit magsalita ng ganon ah? Minsan kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo. Patagal ng patagal nagiging weird na yung kilos mo." Napatango na lang ako sa sinabi niya at tumuloy na din pumasok sa bahay.
Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kwarto ko ng pigilan ako ni Sunako. Nakikinig sa usapan nila Carter.
"Hindi ba mali itong ginagawa natin?" Pagtatanong ko kay Sunako pero tinapat lang nya ang hintuturo niya sa kanyang labi at muling nakinig sa usapan ng dalawa. Napakamot na lang ako sa ulo ko.
"Mahal kita matagal na... Hindi ko alam kung kailan nagsimula 'to. Naiinis ako sa tuwing may ibang lalaki na lumalapit sayo. Sa tuwing may ibang nagpapangiti sayo. Gusto ko ako lang eh." Huminto saglit ng pagsasalita si Carter.
So, Matagal na pala may gusto si Carter kay Karen? Akala ko pinagtitripan lang niya si Karen.
"Sinubukan kong ibaling yung ibang atensyon ko sa ibang mga babae... Pero walang nangyayari... Kaya nga naging babaero ako eh."
Napalingon ako kay Sunako. Talagang nakikinig sa usapan nila Carter. May pagka chismosa din pala 'to.
"Ang daming babae na dumaan sakin. Lahat sila sa una ko lang nagugustuhan. Sa huli hinahanap ko yung characteristics mo sa kanila. Lagi ko silang naikukumpara sayo..."
Matagal din ang naging katahimikan bago muling nagsalita si Carter.
"Magsalita ka naman Ka---."
"Uuwi na ako..."
"Teka, Di pa tayo----"
Agad akong hinatak ni Sunako para magtago. Mautak din 'tong babae na 'to eh.
Hawak pa din ni Sunako ang kamay ko habang pababa kami ng hagdan pero napatigil ako ng makita ko kung sino ang nasa baba. Napatingin sakin si Sunako pero nandun pa din sa taong iyon nakatuon ang aking atensyon...
"Anong ginagawa mo dito?"
------
Yung kanta po kanina title nun 'Torpedo' by eraserheads.Please vote and share my story. Thankyou! 💖
BINABASA MO ANG
The Thief Who Stole My Heart (Boy's POV Series #1)
Novela Juvenil"Sa lahat ba naman ng nanakawin sakin, Bakit puso ko pa?"-Kent Theron Smith