Pinaka magandang binibini
Andun pa din yung gulat sa mukha nila Carter ng makita ang kambal. Ang dapat na gagayak na si Sunako ay natigilan din dahil sa dalawa. Tumawag si Carter kay Tita Marie para ipaalam na male-late si Sunako sa trabaho. Alam kong magtatanong ng magtatanong lang ‘tong si Carter at hindi nga ako nagkamali.
“Roslyn lang ang nakalagay? Walang last name?” Tanong ni Carter habang paulit-ulit na binabasa ni Carter ang sulat na nasa basket ng kambal.
“Pauli-ulit na lang ‘yang tanong mo, Carter! Sabing yun lang ang nakalagay eh. May nakita ka bang parang lastname ha? Pwede manahimik kana? Magigising pa yung kambal sayo eh.” Sabi ni Karen habang buhat-buhat ang natutulog na si Red. Nasakin naman si Rylie at katulad din ni Red, natutulog din ito ng mahimbing.
“Kumpleto na ba gamit nila? Gatas? Damit? Mga dede? Pagkain na pang baby? Mga laru---.” Hindi na natapos ni Carter ng makatikhim siya ng konyat kay Karen.
“1 or 2 weeks old pa nga lang ang mga kambal! Ang kulit nito! Aanhin nila ang mga laruan ha?” Inis na sabi ni Karen. Napairap naman sa kawalan si Carter.
“Malamang lalaruin! Alanagan namang kakainin nila yun!” Nagpatuloy pa ang bangayan ng dalawa. Napahilot ako sa sentido ko. Nag ‘Pst!’ si Sunako kaya napatingin ako sa kanya. Sumesenyas naman ito na gagayak na kaya tumango ako. Natahimik lang ang dalawa ng umiyak si Red dahil sa ingay ng dalawa.
Hinintay lang yata ng dalawa na makatapos gumayak si Sunako at isasabay na din. Maiiwan naman ako dito para mag-alaga sa kambal. Hindi naman na ganon kahirap dahil alam ko na kung bakit sila gigising at iiyak.
“Aalis na kami, Theron. Ihahatid ko na ‘tong si Hyacinth sa Café.” Paalam ni Carter. Tumango lamang ako sa kanila. Nilingon ko si Sunako na hinalikan muna ang ulo ng kambal bago sumunod.
“Ako? Walang goodbye kiss?”
“Masyado ka namang nasiyahan, Mr. Smith.” Sarkastiko niyang sabi.
“Syempre galing sa taong mahal ko yun eh kaya bigyan mo na ako.” Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sakin bago ilapit ang mukha niya. Pinikit ko ang mga mata ko habang hinihintay ang labi niyang lumapit sakin pero iba ang ginawa niya. Hineadbutt niya ako. Shet! Ang tigas ng ulo. Parang nauntog ako sa bakal.
Napadilat ako at nakita ko sila Carter na nagulat sa ginawa ni Sunako habang si Sunako ay nakangisi na parang di nasaktan sa ginawa niya. Shit talaga! Nang mabawi na ni Carter yung pagkagulat niya ay tumawa ito ng malakas habang ako mamatay-matay sa sakit ng ulo ko.
“Nice, Hyacinth! Pag nanghingi ulit ng halik ganyan ulit gawin mo.” Sabi ni Carter habang tatawa-tawa pa din. Iiling-iling naman si Sunako na pumasok sa kotse kaya ganon din ang ginawa ng dalawa tsaka umalis.
Nagising ako ng may parang tumatapik-tapik sa pisngi ko. Hahayaan ko na lang sana pero inulit pa niya yung pagtapik kaya tinignan ko kung sino may gawa nun at nakita ko si Sunako na sinisilip ang mukha ko. Napabalikwas naman ako ng bangon.
“K-Kauuwi mo lang?” Pagtatanong ko sa kanya. Nilapag niya ang bag niya sa sofa.
“Kanina pa ako tumatawag sa labas akala ko kasi dika natutulog eh. Buti na lang di naka lock yung pintuan kasi naiwan ko susi ko dito.” Sagot naman niya.
“Kumain kana ba? Tara. Sasabayan kita.”
“Hindi na. K-Kumain na kami sa labas ni Carter.” Natigilan ako sa sinabi niya. Si Carter? Pagkatapos ba niyang ihatid siya sa trabaho hindi na ito umalis?
“H-Hinatid ka din ba niya?” Pagtatanong ko. Hindi muna ito sumagot sakin. Parang tinatantiya ako pero sa huli ay tumango din.
“S-Sige. Ako na lang kakain. Pagtapos uuwi na din---.”
“H-Huwag kana umuwi. Dito kana lang matulog. “ Magsasalita pa lang ulit ako ng muli siyang magsalita.
“Wag kana din tumutol. D-Delikado na din sa labas. Baka mapano ka pa.”
“Kaya ko naman sarili---.” Hindi ko na ulit natuloy ang sasabihin ko ng putulin niya ulit. Hilig nito puputulin sasabihin ko eh.
“Sige. Umuwi kana lang.” Pagsusungit niya. Napakamot ako sa ulo ko.
“Sabi ko nga dito na lang matutulog.” Bilis magpalit ng mood eh. Talent ng mga babae yan.
Pumunta akong kusina at ininit ko yung niluto kong adobong paa ng manok. Pumunta naman si Sunako sa kwarto para magpalit ng damit. Pagtapos kong iinit ang ulam ay kumain na ako mag-isa. Naramdaman ko si Sunako sa na parang may sinisilip sa likod ko maya-maya lang nilagay niya yung plato sa harap ko tsaka umupo. Kumuha ng kanin sa plato ko.
“Akala ko ba hindi ka kakain?” Nagtataka kong tanong sa kanya.
“Bigla akong nagutom ulit sa amoy ng niluto mo eh. Pagsilip ko adobong paa ng manok pa kaya kakain na ako.” Sabi niya at nagpatuloy ulit kami sa pagkain. May times pa nga na lihim na kumukuha ng ulam sakin kaya pinipitik ko sa noo na ikinagagalit niya pero tinatawanan ko lang.
“Hoy, Turon! Kuha mo ko kanin.”
“Ayoko nga.” Umarte naman ito na umiiyak pero di ko pinansin.
“Dali na kasi! Gutom pa ako!” Pagmamaktol pa niya pero umiling lang ako. Dadakutin pa niya ulit ang kanin ko ng bigla ko ulit siyang pitikin. Inis niya akong tinignan.
“Ikaw lang nakaubos ng luto ko. Nakakadalawa pa lang ako, ikaw nakakalima kana.”
“Hoy! Hindi ah! Nakakatatlo pa lang ako.”
“Bilang ko, Sunako. Wag kang ano diyan.” Inirapan niya ako dahil sa sinabi ko. Iiling-iling ako sa inasta niya. Kumuha ako ng kanin at ulam para sa kanya. Nilapag ko ito sa harap at agad naman siyang kumain.
“Takaw. Hindi naman tumataba.” Sabi ko sa kanya pero di niya ako pinansin. Pagkatapos kong kumain ay agad kong niligpit at hinugasan ang pinagkainan namin. Pagkatapos ko doon ay hinanap ko siya at nakita ko siya sa may pintuan. Nakatingin sa kalangitan na puno ng mga bituin at maliwanag na buwan na nagsisilbing ilaw sa gabing ito.
Hindi ko alam kung bakit ko siya nagustuhan. Hindi ko pinagbasehan ang itsura niya kahit hindi sya maganda alam kong mahuhulog pa din ako. Mas lalung hindi ang katawan niya. Payat siya pero kahit papano ay may kurba ang katawan niya. Flat chested. Minsan nga napapaisip ako kung nakasando lang yata ‘to o naka baby bra dahil sa pagka flat niya. Pero wala naman akong pake dun eh. Yung kalooban niya. Yung puso niya. Yung pag-uugali niya. Yun ang minahal ko sa kanya.
Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ang kamay niya kaya napatingin siya sakin. Ngumiti ako sa kanya. Nilagay ko sa balikat yung hawak kong kamay niya kanina. Humawak naman ako sa bewang niya.
“Hoy! Ano ‘to?” Pigil na ngiti niya.
“Gusto kitang isayaw.” Sagot ko sa kanya.
“Ay! Walang paalam?” Sabi niya. Lumuhod ako sa harap niya na para bang siya ang prinsesa sa isang fairy tale at ako ang prisipe na nagnanais na makilala siya. Hinalikan ko ang kamay niya na ikinagulat naman niya.
“Maaari ko bang maisayaw ang pinaka magandang binibini na nakita ko sa buong buhay ko? Ang binibining diko inaasahan na magnanakaw ng unang halik ko pati ng puso ko?”
----
Lumalakas na loob ni Turon! Ayieeeehhhhh!!! Tuloy lang! Layag mga Team HyaRon/TheAcinth! HAHAHAHHA
BINABASA MO ANG
The Thief Who Stole My Heart (Boy's POV Series #1)
Novela Juvenil"Sa lahat ba naman ng nanakawin sakin, Bakit puso ko pa?"-Kent Theron Smith