Part-time-job
"Nagdala ka ng extra shirt mo para mamaya?" Tanong ni Carter. Tumango naman si Sunako. Lihim na lang akong napairap sa kanila. Masama pa din loob ko kasi ayaw nila ako isama.
"Theron may dadaanan ako mamaya bago tayo umuwi. Okay lang ba sayo?" Tanong ni Karen. Walang gana naman akong tumango sa kanya.
Akala ko naman magpupumilit din itong sumama kila Carter mamaya pero kabaliktaran ang nangyari. Haaaysss. Akala ko ba may gusto 'to kay Carter?
"Magpapahangin lang ako." Sabi ko sa kanila at umalis na. Hindi ko na hinintay sagot nila. Vacant naman ng 2 hours ngayon eh.
Pumunta ako sa library hindi para magbasa kundi para matulog. Mas peaceful kapag dito. Pinakita ko lang yung id ko na pang library tsaka ako dumiretso sa dulong parte kung saan madalang lang may mapunta na estudyante dito.
Secret place din 'to ng mga gustong matulog. May nauna na nga sakin at naghihilik pa. Sino ba kasing di makakatulog agad eh sofa lang naman ang upuan dito sa library. Yayamanin ang St. Dominique.
Pagkahiga ko sa sofa ay agad akong nakatulog. Nagising ako ng may sumisipa sa paanan ko. Dinilat ko ang mga mata ko at nakitang si Sunako ang sumisipa sa paa ko. Pinikit ko muli ang mata ko at tumalikod sa kanya. Pero makulit siya kaya sinipa na naman nya ang paa ko.
Tinaas ko ito sa sofa para di niya masipa pero di niya talaga ako tinantanan kaya hinatak niya yung paa ko kaya nahulog ako. Napahawak ako sa likod ko na tumama sa kanto at sinamaan ng tingin.
Tinawanan niya lamang ako."Saya mo 'no? Tsk!" Napansin nya yatang wala ako sa mood makipag lokohan sa kanya kaya nanahimik siya.
Inabot na lang ang kamay para makatayo ako. Pero isang pagkakamali lamang iyon dahil parehas kaming bumagsak. Tatayo na dapat siya pero pinigilan ko. Nagtataka naman siyang nakatingin sakin.
Ewan ko ba. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na para bang sumali ako sa isang karerahan. Tinanggal ko ang ilang hibla ng buhok niyang tumatabon sa mukha niya at mas inilapit pa ang mukha ko sa kanya.
"A-anong ginagawa mo, Turon?" Tanong ni Sunako. Di ko pinansin yung panunura niyang tawag sakin.
"Hahalikan ka..." Biglang naibulalas ko. Parang bigla akong bumalik sa reyalidad ng hampasin niya ako sa dibdib at tumayo. Masama pa din ang tingin sakin.
"Tang-ina mo! Nahahawa kana kay Carter!" Sabi nito at umalis. Ako naman ay napabangon na pero nakahawak pa din sa dibdib kong nahampas.
Hindi ko iniinda yung sakit ng pagkakahampas niya kundi iyong bilis ng tibok ng puso ko. Alam ko naman na maganda si Sunako pero... Parang ang bilis kung may gusto man ako sa kanya. Di pwede yon.
Dumiretso na ako sa room. Nakita ko pa na nakatingin sakin si Karen pero di ko ito pinansin at agad na yumukyok sa desk. Tang-ina. Di pwede talaga.
"Alin ang di pwede?" Nag-angat ako ng tingin at nakita si Carter na may nagtataka na tingin. Umiling lamang ako at yumukyok ulit.
"Tol, ngayon ka lang namin nakita na problemado. Ano ba problema mo? Babae?" Nag-angat muli ako ng tingin sa kanya.
"Oo, babae. Kaya manahimik kana diyan." Sagot ko sa tanong ni Carter at ang loko umakting pa na nagulat.
"Sinong minalas na babae yan?" Tanong ulit ni Carter at niyugyog pa ako. Naiirita ko naman tinanggal yung kamay niya.
"Siya yung malas. Ayoko magkagusto sa kanya." Sabi ko at tumingin kay Sunako. Nakatingin din pala ito sakin at nakataas ang isang kilay.
BINABASA MO ANG
The Thief Who Stole My Heart (Boy's POV Series #1)
Novela Juvenil"Sa lahat ba naman ng nanakawin sakin, Bakit puso ko pa?"-Kent Theron Smith