Drunk
Kung anu-ano na ang ginawa ko para lang wag na isipin si Sunako. Maski pagbibilang ng mga bituin ginawa ko pero hindi naman iyon nakatulong.
Kaninang uwian hindi sumabay samin si Sunako. Halatang umiiwas sakin. Si Carter ang sumabay kay Sunako kaya ang ending kaming dalawa ulit ni Karen ang magkasabay.
Lumabas sa screen ng computer ko ang salitang ‘Defeat.’ Kaya inis na binato ko ang headseat at padabog na umalis sa harap ng computer tsaka ako humiga sa kama. Nakakailang defeat na ako sa nilalaro ko. Hindi ko alam kung bakit. Defeat na nga ako sa nilalaro ko, defeat pa din sa computer games. Tsk!
Biglang nag ring phone ko sa may bedside table. Kinuha ko yun ng hindi tinitignan kung sino caller.
“Asan ka?” Bungad agad sakin. Walang ‘Hello-Hello’ man lang talaga ‘to? Tsk! Halatang ang gago kong karibal ang tumatawag.
“Bahay.” Maikling sagot ko.
“Nasa labas ako ninyo. Tara magwalwal. Alak na alak na katawan ko.” Sinilip ko sa bintana kung andun nga talaga siya at di naman ako nagkamali.
Suot niya ang hoodie jacket niya. Nakapasok ang isa niyang kamay sa bulsa ng jacket niya at ang isa naman ay nakahawak sa phone niya. Mukhang malaki ang problema kaya napatawag at nag-aya ng walwalan.
“Libre mo ba?” Pagtatanong ko. Nakita ko namang kumunot ang noo niya dahil sa naging tanong ko.
“Tang-ina! Bilisan mo na lang gumayak!” Sabi niya bago ako babaan ng tawag. Kamot-ulo kong kinuha ang hoodie ko tsaka bumaba para puntahan si Carter.
“Dalin mo bike mo!” Sigaw ni Carter ng makita ako. Sumunod na lang ako sa sinabi niya tsaka umalis na din kasama siya dala ang bike niya.
Nakarating kami sa 7-eleven. Pinark at ni-lock naming yung bike naming para iwas nakaw.
“Wait lang. Tawagan ko si Ziel.” Sabin i Carter kaya naghintay pa kami ng konti kay Ziel. Dumating ito kasama ang isang lalaki na sa tingin ko ay nakita ko na.
“Sorry, Kuya Carter natagalan kami. Inaya ko pa si Harvey eh. Harvey, pinsan ko si Kuya Carter tsaka kaibigan niya si Kuya Theron. Mga Kuya si Harvey po pala.”
“Jowa mo?” Pagtatanong ni Carter Parehas namang nangiwi si Harvey at Ziel sa kanya.
“Baka ikaw kuya jowa mo si Kuya Theron. Wala akong balita na may girlfriend ka eh.” Kami namang dalawa ni Carter ang napangiwi dahil sa sinabi ni Ziel.
“Di kami talo. Karibal ko nga yan sa isang babae eh.” Sabi ko sa kanila kaya katakot-takot na konyat ang binigay sakin ni Carter.
“Kanino? Kay Karen?” Pagtatanong ni Ziel. Nakita ko namang napa-smirk yung Harvey. Pamilyar talaga sakin mukha nito eh.
“Hindi. Kay Hyacinth.” Sabi ko. Napakunot naman ang noo ni Ziel. Siguro hindi pa niya dahil kilala si Sunako. Hindi naman siya kasi nagagawi sa Café ni Tita Marie kahit sa kanila yun pero nagulat ako sa sinabi niya.
“Hyacinth? Sya yung matangkad na maganda na Waiter ni Mama diba? May gusto ka dun, Kuya Carter? Diba’t kap---.”
“Ang daldal mo ngayong gabi, bata! Tara na sa loob at baka ikaw pa pagbayarin ko ng mga alak at pulutan mamaya.” Sabi ni Carter habang naka-akbay kay Ziel at nakatakip ang isang kamay sa bibig ni Ziel. Hatak-hatak niya ito papasok sa loob. Di naman makapalag si Ziel.
Nilingon ko si Harvey na nakatingin din kila Carter. Napansin niya yatang nakatingin sa kanya kaya nilingon ako nito at nag-smirk.
“Nagkita na ba tayo dati?” Pagtatanong ko.
BINABASA MO ANG
The Thief Who Stole My Heart (Boy's POV Series #1)
Roman pour Adolescents"Sa lahat ba naman ng nanakawin sakin, Bakit puso ko pa?"-Kent Theron Smith