Guidance Office (Part 1)
It’s been two weeks nang mapunta ang kambal samin. Pagkatapos sa school diretsong alaga ako sa kambal. Si Sunako diretsong trabaho naman hindi katulad dati na may isang oras pa siya na pahinga pero kahit ganon saktong 8 pm naman na siya nakakauwi. Gusto niya siguro magkaroon pa ng oras para alagaan ang kambal. Nahihirapan din kami minsan sa kambal. Madaling araw gigising kaya napapatawag sakin si Sunako at ako naman kahit inaantok pa, no choicekundi pumunta. Pero ayos lang ang lahat ng pagod, napapawi naman ng mga kambal yun.
“Ayusin mo pagkakalagay sa stars! Paling kaya!” Bulyaw ni Karen kay Carter habang si Carter nag-aayos ng decoration sa Christmas tree ng room.
“Ikaw kaya dito! Akala mo madali lang ‘tong ayusan ah!” Inis na sigaw ni Carter pabalik.
“Maliit ka kase! Ayaw magpatangkad. Bansot!” Sigaw din pabalik ni Karen at nagsmula na nga silang magbangayan. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Nahinto ang lahat sa kanya-kanyang mga ginagawa ng may biglang sumigaw.
“Oh my gosh! My shoes!” Sigaw ni Katelyn kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Andun sila malapit sa pintuan kasama si Tricia at Apple habang ang isa naman ako nakasalampak sa sahig. Nagkalat din ang tubig sa may banda nila at may tabo. Unti-unti itong tumayo at hinawi ang buhok niya na nabasa pati din ang kanyang uniform.
“Are you blind? O sadyang tatanga-tanga ka lang? Ayan na nga lang gagawin mo hindi mo pa magawa ng maayos!” Sigaw ni Katelyn kay Sunako na siyang nakabasa ng sapatos niya.
“Ginagawa ko naman ng maayos yung trabaho ko eh kaso---.”
“Kung ginagawa mo ng maayos edi dapat hindi matatapunan yung sapatos niya. Sadyang tatanga-tanga ka lang talaga.” Sabi naman ni Tricia at umirap. Walang emosyon na tumingin si Sunako sa kanilang tatlo. Bahagyang napaaktras ang tatlo dahil sa tingin nila. Maski din ako ay matatakot.
“Edi sana tumutulong din kayo at hindi kayo nakaharang diyan para mag chismisan edi sana walang ganito.”
“At sino ka naman para sabihan kai para tumulong? Hindi mob a ako kilala?” Mataray na tanong ni Tricia. Humalukipkip lang si Sunako.
“Hindi eh.” Maikling sagot ni Sunako.
“My gosh! Ang tanga talaga! Ang tagal na nating magkakasama hindi mo pa din ako kilala? Pwes magpapakilala ako sayo ngayon. Ako lang naman ang---.”
“Wala din naman akong balak kilalanin kayo.” Lahat ay nagsinghapan sa sinabi ni Sunako habang kaming tatlo nila Karen ay nakamasid lang sa mga nangyayari.
“Yari si Hyacinth. Ginagalit niya talaga si Tricia.” Dinig kong bulong ni Ace kay Calderon.
“Sino manok mo pre? Ako si Tricia.” Bulong din ni Aaron
“Based on my observation, there is 70% winning chances for Hyacinth while 30% for Tricia so I’ll go for Hyacinth.” Sabi naman ni Aeris.
“Tang-ina! Ayokong kausap ka! Lahat na lang ginagamitan mo ng porsyento!” Napatinginna ako ng tuluyan kila Aaron. Alam ko may gusto ‘tong si Aeris kay Sunako. Magkasama din sila sa club na sinalihan ni Sunako kaya di malabong hindi kilala ni Sunako ‘tong nerd na’to. Ba’t kasi ang ganda ni Sunako? Yan tuloy ang dami kong kaagaw.
“Alam mo, Hyacinth para matapos na ‘tong gulong ginawa mo punasanmo na lang yung sapatos ni Katelyn or lumuhod ko sa harap namin at halikan mo ang kanyang mga paa, right girls?” Paghingi ng sang-ayon ni Apple sa mga kaibigan niya. Napataas naman siya ng kilay.
“Ba’t ko naman gagawin yun eh first of all kayo naman talaga ang gumawa ng gulo na ‘to.”
“Anong pinagsasasabi mo na kami ang unang gumawa ng gulo? Kitang-kita naman natin kung sino talaga ang nauna diba? Galing pa sa New York ang sapatos niya at hindi biro ang presyo nito. Alam mo bang mas mahal pa yung sapatos ni Katelyn kaysa sa buhay mo?” Sabi ni Tricia
“Sorry pero hindi matutumbasan ng pera nyo ang buhay ko.” Simpleng sagot muli ni Sunako. Ramdam na ramdam naming ang tensyon sa kanilang apat.
“How dare you to talk to me like that? Ako ang queen bee ng school na ‘to. The teachers even the principal tinitingala ako. No one ever talked to me the way you to talk to me! Isang malaking insulto para sakin ‘yun! Slave ka lang sa paningin ko!”
“Mukha mo din insulto.” Bulong ni Sunako na akala ata nya hindi sya narinig. Napahampas na lang ako sa noo ko.
“Tsaka sa paningin mo lang naman eh hindi sa iba. Hindi naman kita mapi-please na ibahin mo ang tingin mo sakin. Sadyang malabo lang talaga mata mo kung sino ang mas mukhang katulong sating dalawa.” Patuloy ni Sunako. Lumapit ito kay Tricia at ngumisi.
“Hindi porke’t mayaman ka tingin mo sa amin pag-aari mo, Katulong mo! Kung lahat ng mga tao napapasunod mo, pwes ko hindi.” Sagot ni Sunako. Sasampalin na dapat ito ni Tricia ng hawakan ni Karen ang braso nito para pigilan ang pagsampal kay Sunako. Nagkatinginan kami ni Carter dahil sa ginawa ni Karen.
“Ay hala! Pati si Karen madadamay diyan. Mali sila ng kinalaban.” Sabi ni Angel
“Mali ang kinalaban kamo nila Tricia.” Sagot naman ni Kristelle. Kahit nagtataka ay hindi na muli silang nagsalita pa.“Nagsama pa talaga kayong dalawang losers ha?” Sabi ni Katelyn.
“Baka kayo ang losers! Hindi nyo ba nakikita ang mga sarili niyo? Kayong tatlo na nga lang laging magkakasama, nagpaplastikan pa kayo.” Sabi naman ni Karen.
“S-Saan naman galing yang mga sinasabi mo? Tsaka baka ikaw ang totoong plastic!” Sabin i Apple.
“Wag mo akong akusahan! Pano mo naman nasabi ha? Naging kaibigan ba kita? Di ba nga sa mga mayayaman ka nakikipagkaibigan para mauto mo sila?” Sabi ni Karen at humalukipkip.
“You have no rights to accuse Apple for being our friend, you loser! Sayo na din naman nanggaling na di mo siya naging kaibigan. Tsaka alam mo din ba kung bakit di ka magustuhan ng taong gusto mo? Because you are ugly and loser!” Sabi ni Katelyn. Naikuyom ni Karen ang kamao niya. Napa smirk naman si Sunako.
“Lakas ng loob mong sabihin ‘yan kay Karen eh kayo nga sa sobrang kapal ng make-up sa mukha nyo mukha na kayong clown!”
“Shut up! You espasol girl!” Sigaw ni Tricia kay Sunako.
“Ano naman kung hindi ako maganda sa paningin ng taong nagugustuhan ko? Di naman kawalan yun. Tsaka atlis ako di puro paganda. Gumagamit ako ng utak eh kayo? Wala kayo nito!” Tinuro ni Karen ang kukote niya kaya naman hindi na nakapag pigil pa ang tatlo.
Hinatak ni Katelyn ang buhok ni Karen. Ganon din ang ginawa ni Apple at Tricia at syempre nakisabong din si Sunako. Naalerto na kaming lahat sa mga nangyayari.
“Tawagan niyo si Chezca! Sabihin niyo nag-aaway sila Tricia!” Sigaw ni Shannel. Lumapit na kami ni Carter para awatin sila.
“Ang kapal ng pagmumukha mo! Totoong dinemonyo mo utak ni Carter para makipag hiwalay siya sakin at mapunta sayo!” Dinig kong sabi ni Tricia na kasalukuyang sinasabunutan si Karen. Hirap na hirap din na umaawat si Carter sa kanila.
“Hindi ko dinemonyo utak ni Carter! Kusa siyang nakipag hiwalay sayo dahil din sa mga pinaggagagawa mo! Hindi din ako malandi! Wag mo akong itulad sayo!”
“Ano ba kayong dalawa?! Tumigil na nga kayo! “ Patuloy pa din sa pag-awat si Carter. Buti na lang agad na napigilan naming ang tatlo pero itong dalawa di talaga papaawat. Hinila ni Sean palayo si Tricia kaya nagkahiwalay yung dalawa pero patuloy pa din sa pagpupumiglas.
Akala namin tapos na pero hindi pa pala dahil si Sunako naman ang sumugod sa tatlo ngayon.
“Oh! Ayan tubig! Bukod sa uhaw na uhaw kayo sa atensyon para na din yan malinis yung mukha niyong mas makapal pa make-up sa clown!” Sigaw ni Sunako pagtapos ibuhos ang tatlong bottled water kila Tricia.
To be Continue…
BINABASA MO ANG
The Thief Who Stole My Heart (Boy's POV Series #1)
Novela Juvenil"Sa lahat ba naman ng nanakawin sakin, Bakit puso ko pa?"-Kent Theron Smith