Ideal guy
"Hoy, Asan ka? Tara, Gala! Ikaw na lang hinihintay." Pag-aya ni Carter sakin sa tawag.
"Pass." Yun na lamang ang nasabi ko. Inaantok pa din kasi talaga ako ngayon kahit 2 pm na.
"Tol, ilang araw mo ng tinatanggihan yung pag-aya namin ah? Ano ba kasi nangyayari sayo?" Tanong muli ni Carter sakin.
One week din kasing bakasyon nila Sunako dahil ang ibang mga employee ni Tita Marie ay uuwi muna sa kani-kanilang probinsya para dumalaw sa puntod ng mga yumaong minamahal nila sa buhay.
"Gusto kong magpahinga, Carter. Wag mo na akong guluhin." Sabi ko. Hindi pa nagba-bye ang gago pinatay agad ang tawag.
Nahiga na lang ako sa kama ko at pumikit. Puyat dahil sa kakalaro ng online games. Kakagising ko nga lang ngayon eh. Hirap na ako matulog sa gabi kakaisip kay Sunako. Minsan pati sa panaginip ko dumadalaw siya. Dagdag pa yung sinabi ko sa kanya dun sa Cafe ni tita Marie. Putcha! Nakakahiya talaga.
Makakatulog na sana ako ng biglang may bumukas ng pinto ng kwarto ko at tumalon-talon pa sa higaan. Minulat ko ang aking mga mata at nakitang si Carter yung talon ng talon. Hinatak ko naman yung damit niya kaya napaupo sya.
"Anong ginagawa nyo dito? Feeling kwarto nyo 'to ah? Tsk!" Napatawa naman ang loko sa sinabi ko.
"Akala ko kung anong pinagkaka abalahan mong kupal ka kaya ilang araw mo kaming tinatanggihan. Yun pala natutulog ka lang!" Di ko na lang siya pinansin at umupo na lang sa kama ko.
Nakita ko si Karen na may hawak na remote. Naghahanap ng movie sa netflix. Pero may mas nakapukaw ng atensyon ko. Nakasandal lang naman ito sa pader malapit sa pintuan. Nakahalukipkip ito habang may ngisi sa kanyang mga labi.
Napabalik ako sa pagkakahiga at tinakpan ng unan ang mukha ko. Takte naman! Kailan ka pa nahiya sa babae, Theron?
Nang makalma ko na sarili ko ay unti-unti ko ng tinanggal yung unan na nakatakip sa mukha ko. Bumangon ako at pasakal na umakbay kay Carter na nanonood na din. Pilit naman nitong tinatanggal ang pagkakaakbay ko sa kanya.
"Bakit andito si Sunako ha?" Successful naman niyang natanggal ang braso ko sa kanya at sinamaan ako ng tingin.
"Ano bang nangyayari sayo ha? Kakasabi ko lang kanina ikaw na lang hinihintay. Ba't ba ayaw mo lumabas dito? May tinataguan kaba?" Hindi ko na lang pinansin si Carter at lumingon kay Sunako. Shit! Ano ba 'tong babae na 'to? Lagi na lang ako ginugulat. Pano nakatingin din kasi ito sakin.
"Ba't ba parang lagi kang nakakakita ng multo diyan? Tsaka nagiging magugulatin kana ngayon. Bawas-bawasan mo pagkakape mo." Sabi ni Sunako sakin na may masama pa din ang tingin sakin.
"Eh ba't ikaw laging nakatingin sakin?" Pagtatanong ko sa kanya. Tumaas naman ang isang kilay nito sakin.
"Pa'no ang weird mo gumalaw this past few days. Di namin maintindihan yang mga galaw mo."
"Lagyan ko ba ng subtitle?" Nagtataka naman itong napatingin sakin.
"Huh?"
"Kasi di nyo maintindihan eh." Napairap naman ito sakin.
"Corny mo!" Yun na lamang ang sinabi niya at muling binaling ang atensyon sa panonood.
Habang nanonood kami ay biglang nagsalita si Karen.
"Masakit pala kapag planado na yung future ninyong dalawa tapos bigla kayong maghihiwalay. Nasanay kana na andyan siya palagi through ups and downs of your life tapos biglang.... Boom. Wala na."
"Ba't ganyan ka magsalita? May naging boyfriend ka ba na di namin nalalaman? Baka may nanliligaw sayo ng palihim ha!" Naiinis na sabi ni Carter.
Sa aming magkakaibigan si Carter ang mahigpit pagdating sa ganito kila Karen. Siguro dahil ayaw niya lang nakikitang nasasaktan sila Karen dahil sa lalaki.
"You sound like a jealous boyfriend." Biglang sabi ni Sunako..
"Yuck! Di ko magiging boyfriend yan no! Di ako pumapatol sa babaero!" Sagot naman ni Karen.
"Boyfriend as in lalaking kaibigan! Ikaw ha!" Malokong sabi naman ni Sunako.
"Isa ka pa! Sabihin mo samin kung kinukulit ka pa nung ex mong babaero at kami ni Theron haharap don!" Aba! Dinamay pa ako ng loko!
"Nagsalita ang hindi babaero!" Sabi ni Karen at kumuha ng nova. Sinamaan naman siya ng tingin ni Carter.
"Nako, Karen! Sinasabi ko sayo ha!"
"Ba't ba galit na galit ka? Hayaan mong magka lovelife si Karen. Para ka naman kuya niyan." Sabi ko at uminom ng juice.
"Wag mo kasing bakuran, Carter. Kaya walang naglalakas loob manligaw kay Karen dahil diyan sa ginagawa mo." Sabi ni Sunako at napairap.
"Binabakuran agad eh hindi ka naman niyan gusto." Muli pang sabi niya. Pasmado naman bibig ng babaeng 'to.
"Basta hindi siya pwedeng mag boyfriend!" Sabi naman ni Carter. Napatayo ng wala sa oras si Karen.
"Bakit hindi ako pwedeng magboyfriend?!" Pasigaw natanong nito kay Carter.
"Ayaw kong pilitin kita sa mga bagay na hindi pa pwede sayo! Bata ka pa! At gusto ko din baguhin ang sarili ko!" Sigaw din ng isa.
"Anong connect non?!" Pasigaw na tanong muli ni Karen. Napagulo ng wala sa oras sa kanyang buhok si Carter at frustrated na tumingin muli kay Karen.
"Dahil gusto ko ako ang magiging future boyfriend mo!" Natahimik kaming lahat sa sinabi bi Carter. Parang biglang may dumaan na anghel----Ay mali! Parang tumigil ang oras dahil lahat sila hindi gumagalaw.
"Anong sabi mo, Carter Lemuel?" Mahinahon na tanong ni Karen. Buti naman. Sobrang sakit na ng tenga ko sa kakasigaw nila eh.
"Wala. Wag mo ng isipin 'yon." Sagot ni Carter at umiwas ng tingin. Akala ko mag-aaway na naman silang dalawa pero umupo lang si Karen. Natahimik. Ganon din ang ginawa ni Carter.
"Ah... Eh... Ubos na pala yung pagkain natin. B-bili lang kami ni Turon." Sasagot pa sana yung dalawa ng bigla akong hatakin ni Sunako at lumabas. Nagmamadali na parang may humahabol samin.
Muling bumilis ang tibok ng puso ko at titig na titig sa magkahawak naming kamay. Para akong nasa alapaap. Iba yung pakiramdam. Parang may kung ano sa tiyan ko na 'di ko mawari kung ano ba iyon. Meron pa kaming nadaaanan na nagkakantahan. Parang sinasadya ng tadhana ba marinig ko iyon.
Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig ng tunay..."Okay ka lang ba, Theron? Namumula leeg mo hanggang tenga." Pagtatanong ni Sunako ng makarating kami sa convenience store. Napaiwas naman ako ng tingin at hinawakan ang leeg ko.
"W-wala 'to. Bili kana. Hintayin na lang kita dito." Sabi ko sa kanya. Tumango naman ito sakin bago pumasok sa loob. Saglit lang ako naghintay sa labas dahil kokonti lang ang costumer kaya nakaalis kami agad.
"S-Sunako... Anong ideal guy mo?" Pagtatanong ko sa kanya habang naglalakad kami pabalik sa bahay.
"Hmm, Gusto ko yung masipag mag-aral. Mabait. God-fearing. Yung napapasaya ako. Bakit mo ba natanong?" Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto din siya. Nakatingin ito sakin na nagtataka.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti."Pwede bang ako na lang iyon? Pwede bang ako na lang yung maging ideal guy mo?"
----------
May isa na naman po tayong scammer! Di na ba kayang pigilan, Turon? HAHAHAHA. Btw, Thankyou sa pag suporta sakin! Uwuuuu! Mahal ko keyowww!Please, Vote and share my story. Thankyou! 💖
BINABASA MO ANG
The Thief Who Stole My Heart (Boy's POV Series #1)
Novela Juvenil"Sa lahat ba naman ng nanakawin sakin, Bakit puso ko pa?"-Kent Theron Smith