Chapter 11

97 92 3
                                    

A/n:

This is the continuation of flashback in Chap.9

___________

"Sinasabe ko kase sayo! 'Wag mong pababayaan ang Kapatid mo!"Bulyaw saakin ni Mama habang patuloy na ipinapalo saakin ang Sinturon ni Papa na puno nang disenyong bakal.

Wala akong ibang nagawa kundi ang pagpatuloy na pag iyak.

Sa kamay nang mga malulupit na tao kung saan sila pang mga pamilya ko ang siyang unti-unting pumapatay saakin.

Pakiramdam ko ay wala ng mas sasakit pa sa isiping pamilya mo mismo ang kalaban mo sa buhay.

"Ikaw ang Panganay Gabrielle! Ikaw ang panganay!"tila galit na galit niyang Bulyaw saakin habang patuloy sa pag papalo ng sinturon ni Papa.

"M-Mama tama na p-po!"Pakiusap ko sa gitna nang mga hikbi ko. Sa t'wing nagsasalubong ang balat ko at ang matogas na bagay na ipinupukol niya saakin ay Hindi ko maiwasang Hindi mapapapikit ng mariin. Tinatanggap at bawat pag tama ng bagay na iyon sa balat ko.

Saglit siyang tumigil sa ginagawa niya at padarag na itinapon ang sinturon na nag bigay saakin nang sakit sa katawan.

Nakahinga ako ng maluwag sa isiping tapos na ang paghihirap ko Ngunit isang malakas na Sampal kasabay nang malakas na sabunot ang muling sumalubong saakin dahilan para manlabo ang paningin ko, pakiramdam ko ay tumagilid ang disenyo ng bungo ko sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya

"Saan ka nagpunta kanina?! Bakit mo napabayaan ang kapatid mo??! Ano nanamang inatupag mo?!!"

"M-Mama kasi---

"Wala tayong pambayad sa Hospital, pero dahil sa kahangalan mo,Naroroon ang kapatid mo't nakaratay!"

Gusto kong ipaliwanag ang sarili ko, kung ano ang tunay na dahilan kung ba't ako umalis, pero lamang saakin ang pagsisisi ko sa sarili ko,"Buti Sana kung ikaw ang naroon! Surdo!"

(A/n: Surdo,Salitang Latin na ang ibig sabihin ay 'Hangal,Estupido,Walang Utak'.)

"Akin na ipon mo!"

Saglit akong natigilan sa kanyang tinuran. Pinanlalakihan niya ako ng mata at astang sasakyan ulit ako,"Akin.na.ang.ipon.mo!"Muling Anas niya.

"P-Pero mama para ho ''yun sa pag aaral ko,"Pahina nang pahinang sagot ko.

"Mas iisipin mo pa talaga ang kapritsyo mo kesa sa buhay nang kapatid mong animal ka?!! ––At sinong may sabi sayong mag aaral ka?! May maganda nang kinabukasan na nag aantay sayo!"Saad niya habang patuloy na Kinakalkal ang Lalagyan nang damit ko. Ayaw ko mang ibigay ay Mas pinili kong magparaya.

'Para naman to sa kapatid ko, Para sa buhay nya at para sa kapakanan niya.'

Aanhin ko naman ang edukasyon at magandang Trabaho kung wala naman na ang taong gusto kong tulungan.

"Saan mo ba inilagay??!! Sasabihin mo ba saakin?---Oh susunugin kotong mga damit mo kasama ka?!"Pananakot niya pero sa gulo nang isip niya,Ay nalabing Hindi iyon magkatotoo.

Killing You Softly (ANATHEMA SERIES O1) Under_Revisions_V1.1_(On-going)Where stories live. Discover now