CHAPTER 28

65 56 7
                                    

CHAPTER TWENTY EIGHT: BITTER TASTE


___________

MJEIIARAH'S POV

Nakapikit ako at tulog ang diwa ko ngunit naririnig ko ang ingay na galing sa buong paligid ko, ang paulit-ulit na pag tawag ng pangalan ko ni Olive, ang pagraragasa ng mga sasakyan sa kalsada at maging ang malakas na buhos ng ulan ay rinig na rinig ko. Gusto kong idilat ang mata ko at igalaw ang katawan ko ngunit pakiramdam ko kapag ginawa ko iyon ay magkakalasan ang utak ko. Pakiramdam ko ay sobrang night ng ulo ko to the point na hindi ko kayang maglabas ng kahit na anong salita. Antok na antok at hinang-hina ako.

Naputol ang pag-mumuni-muni ko ng magdampi ang kamay niya sa noo ko.

"Shit! Your sick!" Bulalas niya, "saan ba kita dadalhin? Di ko alam ang address niyo." Dagdag pa niya sa kinakabahang boses.

I tried to say something but it sounds like a moan. Fuck! Kahit Masama ang pakiramdam ay nakuha pa rin ng dibdib ko ang tumibok ng malakas. Bwisit!

"Don't worry, okay? I'm here... You have me," He said pressing my hand. I was stunned when I felt his lips on my forehead.

What the heck?! Kinikilig ako ano ba!??

"I do not know if this is right, but... Stay in my house for now," He said still holding my hand.

I didn't move nor talk for the past few minutes and the next thing I knew is, the car suddenly stopped right in front of--I don't know. Wala akong makita eh, natural nakapikit ako.

"Alright, we're here." He said.

Narinig ko ang pag bukas at pag sara ng pintuan senyales na lumabas sya mula sa loob.

"Let's go," He said, removing the seatbelt from my body. "Shit! Taas ng lagnat mo!"Kabadong sabi niya bago ako binuhat na parang sanggol. Naamoy ko ang napaka-manly niyang pabango, ramdam na ramdan ko rin ang malakas na tibok ng puso niya. Parang may kung anong kumukiliti sa tyan ko ng maramdaman ko ang hininga niyang tumatama sa leeg ko.


OLIVE'S POV

"Anak! Andyan kana pala! Kumain ka na ba?" Salubong sa Akin ni mama, habang ang mata ay nasa dyaryong hawak-hawak niya, "Nandito si Caileigh, kanina ka pa niya inaantay, bakit kase ngayon ka lang umuwi? Pasado alas unse na ah--!" Awtomatikong naputol ang pagsasalita niya ng pumihit sya sa gawin ko dahilan para makita niya kung sino ang babaeng karga-karga ko. Bahagya pang nanlalaki ang ilong at ang mata niya. Wala sa sariling naituro niya ang babaeng buhat ko saka sya tarantang napadasal.

"S-si G... G-Gabrielle... "Utal niya habang nakaturo kay Mjeiiarah na siyang buhat ko.

Tsk!

Lumilipad na naman ang utak niya. Napailing na lang ako sa sariling naisip, "Ma-!" Pag tawag ko sa kanya na mabilis niya namang sinagot.

"Yes anak?!" Agresibong sagot niya.

"Paki-abutan naman po ako ng malinis na face towel saka maligamgam na tubig,"Mahinang sabi ko saka ko siya inilapag sa couch.

Killing You Softly (ANATHEMA SERIES O1) Under_Revisions_V1.1_(On-going)Where stories live. Discover now