CHAPTER ONE: Her Life and Confliction
A Novel Written By: DoYouKnowMii_______
Sa isang sulok sa maliit na lugar nakatayo ang Maliit at simpleng Tahanan Nang Pamilya 'Cuanco'. Tila isang bahay nang kalapati na pilit pinagkakasya ang kanilang mga sarili upang may masilungan tuwing umuulan at may matutulugan tuwing Gabi.
Sa Loob nito ay nagkakatipon tipon ang isang maliit na Pamilya kung saan binubuo ng dalawang anak, ina at ama.
"Gabriella Naihanda Mo na ba ang damit na susuotin nang kapatid mo?!"sigaw sakanya nang kanyang Ina Habang abala sa pagbalot ng babaunin nang kanyang Bunsong Anak na si Caileigh para sa unang pasok ng skwela. Sa tindi ng lakas ng Boses, Hindi niya maiwasang Hindi mataranta sapagkat tiyak na tatamaan siya kung sakaling may magawa man siyang kapalpakan.
"Gabriella!"sigaw ulit ng kanyang Ina na ngayon ay Talentadong Tinatalian ang buhok nang kaniyang anak. "Gabriella Ano't-"
Naputol ang pagsisigaw ng Kanilang Ina sakanyang anak ng lumabas Ito mula sa kusinang gawa sa trapal at mga maninipis na tela dala dala ang pabikog at malalapad na baunan."Opo Ma, Ito na at naayos ko na."Tugon nang panganay niyang anak na si Gabrielle na kalalabas lang sa Maliit na mantel na Ginawang Kurtina upang matakpan ang Loob nang nagsisilbi nilang Maliit na kwarto.
"Ano't ang tagal mo? Kanina ko pa to sayo iniutos ah!"Inis na sabi sa kanya nang Ina habang pahablot na kinuha ang Baon sa kamay ng Anak niyang Panganay.
"Pasensya na po. Hindi ko po kasi mahanap iyong sandok kanina, Nasa gilid lang pala." Hiyang tugon niya. Sa ganitong pagkakataon na galit ang kaniyang Ina, Hindi niya mawari kung ano ang dapat na maramdaman marahil ay natatakot sya sa pwedeng abutin niya sa ina. Para itong gutom na Leon na gustong manlapa. Sa bawat araw, Palagi siyang may pasa o kung Hindi naman ay bakanteng lote sa anit.
"Aisss! Sige na't ayusin mo na ang buhok mo.Kedalagang tao't para ka namang 'Surakpaw'."Inis na Sagot nang Ina niya. Wala pang araw na Hindi siya nito nabulyawan. Halos araw araw ay Ito ang kanyang umagahan. Ngunit Hindi niya magawang magtanim ng galit dahil sa paniniwalang-Gusto lang ng kanyang ina na mapabuti siya.
Nakita niya ang pag pigil nang tawa nang kaniyang kapatid na si Caileigh sa sinabe ng kaniyang Ina. Hindi niya maiwasang Hindi mainsulto dahil sa tawa nito Ngunit pinili niyang Manahimik at ayusin na lamang ang sarili dahil natitiyak niyang Lugi siya kapag pinatulan niya ang kapatid dahil tiyak naman na Ito ang kakampihan nang kanyang Ina.
"Ayan 'Lei' Malinis ka nang tingnan.Galingan mo sa skwela anak ha."
"Salamat Mama.Pero malinis 'lang' ba akong tingnan?"Animoy nagbibirong tanong nang bunsong anak sa kaniyang Ina.
" Nakuuu.Syempre naman Hindi na mawawala Na Maganda ang anak ko.Mana ka ata sa Nanay mo. Diba Ma?" Singit nang Ama nilang Susuray suray dahil sa alamang sa malamang ay Lasing na naman.
"Oo na oo na! Ano't lasing ka na naman Warren ha? 'wag mokong dadaanin sa kabulastugan mo at Hindi mo ako maloloko." Pasaring na inalis ng kanyang ina ang paningin sa asawa ngunit Hindi pa man Ito nakakalayo ay nakuha na nito ang kamay ng Ina saka nilambing upang Hindi mabato ng pinggan at Hindi mapatulog sa labas.
"Galit ka na naman 'ma eh. Ganito na lang, Maghahanap ako mamaya ng Balaw at ipagluluto kita." Malambing na ani ng asawa, Hindi naman natiis nito ang kalokohan ng asawa kung kaya't Mabilis siyang bumigay.
YOU ARE READING
Killing You Softly (ANATHEMA SERIES O1) Under_Revisions_V1.1_(On-going)
RomansaIanne Gabrielle Cuanco was very charismatic, friendly and innocent girl since back then. She wanted to make her family happy although her family despise her so much. She was abandoned by her own family, she suffered a lot and it caused her of too mu...