CHAPTER 49

24 11 6
                                    

CHAPTER 49: WE'RE FRIENDS

Dedicated to: CaptivatingBitchyMe

__________

*KRRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGG*


*KRRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGG*


*KRRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGG*



Shutang Pukal!

*KRRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGG*

Inis kong pinatong sa kabilang tenga ko ang unan saka tumagilid at astang matutulog ulit ngunit Hindi pa man ako nakakapikit ay narinig ko na naman ang nakakabinging tunog. Inis akong bumangon at wala sa loob na nag inat.

Hindi na rin naman ako makakatulog kaya bumangon na ako.

Napatingin ako sa lalakeng nakabaluktot at natutulog ngayon sa Couch. Bahagyang nakaawang ang kanyang bibig at nakakunot pa ang noo. Tsk?! Seriously? Hanggang sa pagtulog ang sungit niya pa rin?!

"Yokai," pagtawag ko sa pangalan niya habang naghahanda ako ng damit na susuotin ko. ''Viandre oy!"

Tulog pa rin? Atsaka bakit dito sya sa couch natulog? Kung Pwede namang sa kama? Ang laki naman ng kwarto eh dito pa sya nagsusumiksik? Abnormal talaga kahit kelan! Ngayon niya pa naisipang matulog sa sofa pakatapos niya akong makatabi ng tatlong beses.

Hinalikan niya na nga ako eh, 'di ba? At talagang sa lips pa!

At Hindi ako proud sa nangyareng 'yun! Shine-share ko lang.

Bakit bawal na ba mag share ngayon?

Tsk! Whatever! Bahala siya sa buhay niya. Mabilis sa alas kwatrong winakli ko ang kurtina sa magkasigilid ng kwarto dahilan para pumasok ang nakakasilaw na liwanag. Napaigtad ako ng magreflect sa mata ko ang sinag ng araw, Pakiramdam ko ay nababahing ako sa epekto ng araw sa mata ko.  Pakiramdam ko ay atomatikong napatirik ang mata ko dahil sa liwanag. Sinubukan kong idilat ang mata ko habang nakaharap sa araw pero bigo ako.

Ang karma nga naman!

Napatingin ako sa lalakeng ngayon ay mas lalong pumuti at kuminis sa paningin ko dahil sa sinag ng araw.

Parang Bata...

Napangiti ako nang madapo ang paningin ko sa buhok niyang sobrang bumagay sakanya, kahit ata anong itsura niya gwapo pa rin siya. Mataman ko siyang tiningnan at pinanood ang mukha niyang ngayon ay payapang natutulog. Kung kanina ay nakaawang ang bibig niya, Ngayon naman ay naka-pout na, Mas lalong nangunot ang noo niya dahil sa liwanag at pakiramdam ko. ano mang oras ay magigising na siya.

Kawawa naman kung magigising siya ng dahil sa kalokohan ko,

Binantayan niya pa naman ako dito, tapos nagtiis siya sa couch matulog.

Kaya dahil mabait ako, Binalik ko ulit sa dati 'yung kurtina. Ewan para akong tanga.

"Yokai, dun kana sa kama."

"Mmm?"

Sinundot ko ang pisngi niya pero nagtalukbong lang siya ng Coat niya.

Ultimong kumot ay wala sya magdamag. Sinagad ko pa naman 'yung aircon kagabi.

Killing You Softly (ANATHEMA SERIES O1) Under_Revisions_V1.1_(On-going)Where stories live. Discover now