"Larissa!"
Sinalubong ko ang tumatakbong kaibigan at mapagtanong ang mga matang tinignan siya.
"Bakit ka tumatakbo?" Nagtataka kong tanong.
Huminga siya ng malalim bago magsalita.
"Naku! Yung mga kinakapatid mo, naka disgrasya na naman!" Pagsumbong niya at nagturo kung saan. Napakamot ako ng ulo bago siya sundan. "Pumunta kang palengke? Dapat sinama mo na ang mga lalaki para makatulong naman sayo."
"Maaga kasi akong nagising kaya hindi ko na sila ginising." Tugon ko at napatingin sa limang plastic na hawak ko.
"Bini-baby mo na naman ang mga lalaki." Aniya at sumimangot. Nginitian ko siya at binangga ang bewang gamit ang bewang ko.
"Ang ganda-ganda mo talaga, Laurine." Pambobola ko kaya umirap siya at kinuha ang isang plastic na malaki sa akin.
"Alam ko na 'yon, Larissa. 'Wag ako."
Tinawanan ko siya at sabay na kaming lumiko ng eskinita.
"Bata na naman ba ang nabangga ni Jose?" Pagtatanong ko para may mapag-usapan lang kami.
"Hindi!" Mabilis niyang sagot at lumingon sa akin. "Isang babae na may kakaibang kasuotan! Alam mo 'yong mga kasali sa party, party? Siguro lasing kaya nagkabanggaan sila ng kapatid mo."
"Kung galing siya sa party, bakit siya napadpad dito?" Pagtataka ko ulit. "Hindi ba ang mga mayayaman ay hindi gugustuhin ang mapunta rito?"
"Malay ko!" Pairap niyang sagot. "May sugat sa noo ang babaeng nakabanggaan ng kapatid mo kaya dinala namin siya sa loob ng bahay niyo para walang makachika. Umagang-umagang, sakit talaga sa ulo 'yang mga kapatid mo."
"Hindi ba dapat kasalanan ng babaeng lasing 'yon? Huwag mo na isisi sa kapatid ko." Aniko at sumimangot bahagya.
"Kasalanan nila parehas! Tapos ang usapan kasi pwet mo may laman."
Tuluyan na kami nakapasok sa isang lugar kung saan nakapaikot ang mga dikit-dikit na bahay at sa gitna ay malawak na daanan. Nagsilabasan na ang mga matatanda habang nagwawalis, nag-uusap, at nagkukumpulan na naman.
"Hoy, Larissa! Nakita ng anak ko ang ginawa ng dalawa mong kapatid!" Rinig ko mula kay Aling Marline. "Gagastos na naman kayo ng pera dahil nakasagasa ng mayaman!"
"Ibebente mo na naman ba ang sarili mo, Larissa?" Pagsali ni Aling Helena na kinatawa nila.
Nangangalit man ay hindi ko sila pinansin pero hindi katulad ko ay hindi ganoon ang ginawa ng kaibigan ko.Huminto si Laurine at pumeywang sa limang matatanda.
"Hoy, Aling Helena. FYI, fresh na fresh pa ang kaibigan ko at hindi katulad mong impokritang isda!" Pasinghal nitong sigaw. "Huwag mo siyang maitulad sa anak mong iba't ibang lalaki dinadala para lang sa sarili niyang kagagahan!"
"Punyeta kang bata ka ah!"
"Ako punyeta lang pero ikaw putangina!"
Napabuga ako ng hangin at walang pasabing marahas na hinila ang kaibigan na kinagulat niya pa. Hindi siya nagalit sa akin pero kita ang magkasalubong niyang kilay.
"Naiimbyera na ako jaan sa mga chismosang isda!" Gigil niyang sabi at kinuha ang braso sa akin.
Nauna akong pumasok sa bahay at inilapag ang mga dala sa maliit na lamesa. Napalingon naman ako sa katabing kwarto kung saan lumabas ang dalawa kong nakababatang kapatid.
"Ate!" Sabay nilang sabi. Kabadong nakatingin sa akin si Jose.
"Ate, nagmura si Jose!" Pagsusumbong ni Julius.
BINABASA MO ANG
Thy Brink Of Death
General FictionENCOUNTER SEASON #2 What could have led her to the brink of death? COMPLETED Tagalog-English Date Started: December 26, 2020 Ended: March 07, 2021 (Cover is not mine. Credits to the rightful owner)