// Larissa //
"Saan kayo pupunta?" Tanong ko kay Garelle at Kuya Arnee nang sabay kaming tatlo lumabas ng bahay. Lumingon sila sa akin at napakurap naman ako dahil sa mga titig nila. "Ipagpapatuloy n'yo ba ang paghahanap?"
Napatingin ako kay Kuya Arnee nang umiling siya. "We're going to the Mall."
"Magde-date kayo?" Tanong ko ulit at napangiti.
Simula nang makita ko sila na laging magkasama, alam ko nang may namamagitan sa kanila. Hindi 'man aminin ni Garelle pero alam kong importante sa kanya si Kuya Arnee at ganoon din si Kuya sa kanya.
"Hindi," malumanay na sagot ni Garelle habang nakatitig sa akin. "Sabay na tayo umalis."
Tumango ako at tinawag ang kambal sa loob ng bahay. "Nasaan nga pala si Laurine?" Lingon ko ulit sa kanila.
"Nauna na pumasok." Tugon ni Garelle at humakbang ng tatlong beses para batiin ang kambal nang makalabas. Bumati rin sila pabalik. Pansin ko rin na malambing ang pakikipag-usap niya sa mga kapatid ko at nararamdamang gusto niya sila.
"Let's go." Deklara ni Kuya Arnee at hinila si Garelle na agad niya namang binawi ang kamay.
Sumunod kaming tatlo sa kanila at pinanood ang mahihinang bangayan. Napaka seryoso lagi ni Kuya Arnee, maamo nga ang mukha pero nakakatakot kung tumitig. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nagmamatapang dahil sa takot o pati rin sila Laurine. This couple, they are too serious. Isali mo pa kung paano sila magsalita at tumingin.
"Ate, may flag ceremony ba ngayon?" Pagtatanong ni Jose sa akin pero ang kakambal niya ang sumagot.
"Lunes ngayon kaya syempre mayroon." Sagot ni Julius.
"Shut up!" Napalakas na sambit ni Garelle kaya napatigil kami nang tumigil sila sa paglalakad. Nakakatakot ang patay niyang mga mata pero hindi mo makikitaan na kahit anong emosyon sa seryosong mga mata ni Kuya Arnee.
"Gakane..." Malalim nitong pagtawag at nilingon kami. "I'm sorry."
"'Wag na kayo mag-away, kuya, umagang-umaga nag-aaway na naman kayo." Turan ni Julius at napakamot sa ulo. "Sige kayo, papangit umaga n'yo niyan lalo."
Bumuga ng hangin si Garelle at walang pasabi na naglakad ulit. Tahimik kaming nagpatuloy sa paglalakad hanggang makapunta na sa gilid ng kalsada. Tumawid sa kabilang kanto sila Garelle at kami naman ay sumakay na agad sa jeep na saktong huminto sa harapan namin.
"Mag-iingat kayo." Saad ni Garelle nang hindi kami nililingon.
Matapos ang Flag Ceremony ay bumalik na kami sa classroom. Napahinto ako at napaikot ang ulo sa kanang bahagi nang makitang dumaan si Lauwart kasama ang isang babae. Kaklase niya? Siguro naman.
"Hoy!"
"Hopia!" Gulat kong bulalas. "Sofia!"
"Hahaha! Mukha kang tanga magulat." Aniya at hinala na ako papasok. Magkatabi kami sa harapan at nakangiti siyang nilingon ako. "May chika ako."
"Ano?" Mabilis kong sagot.
"Diba kilala mo si Lauwart Walker? Syempre sikat siya ngayong taon!" Ngising aniya. "Alam mo bang binusted niya kahapon mga..." napatigil siya at napakunot ang noo. "Mga pitong babae. Hahaha!"
"Hindi nga?" Hindi ko makapaniwalang sabi.
Ang gwapo niya naman talaga, oh!
"Oo, gagi." Sagot niya at tumawa. "Tiyaka karma na nila 'yan, pagkatapos nila asar-asarin noon si Lauwart, ngayon lalapit-lapit sila kasi gumuwapo? Lol!"
BINABASA MO ANG
Thy Brink Of Death
Genel KurguENCOUNTER SEASON #2 What could have led her to the brink of death? COMPLETED Tagalog-English Date Started: December 26, 2020 Ended: March 07, 2021 (Cover is not mine. Credits to the rightful owner)