TBOD 17

167 8 0
                                    

(The night before they leave the Eaglus Kingdom)

// Arianna //

Pumasok sa loob sila Kuya Arnee, Kuya Axalus, Ate Sweet, at Ate Garelle sa Inn para kuhain ang aming mga gamit habang ako ay naiwan sa labas kasama sila Kuya Lathian. Umalis si Ate Aurum para kuhain ang mga kabayo. Pinagdikit ko naman ang mga kamay nang maramdaman ang sobrang panlalamig at napatingin kila Kuya Krypt, Ate Sapphire, at Kuya Glenson na mahinang nag-uusap usap sa 'di kalayuan.

Medyo lumapit ako para marinig sila. Nang mapansin ni Dyx ang ginawa ko ay pasimple niya rin siyang lumapit. Si Kuya Jobo at Kuya Lathian ay magkatabing nakaupo sa bench habang nakatungo.

"We need to leave." Mahinang sabi ni Ate Sapphire at napalingon sa gawi ko kaya pasimple akong tumungo at kunyaring naglalaro ng nyebe habang sinisipa-sipa ang mga 'yon.

"Now? But we should tell Garelle Kane first." Wika ni Kuya Krypt habang nakapamulsa sa kanyang makapal na jacket.

Humangin ng kaunti pero nanginig pa rin ako kahit na sobrang kapal ng telang ibinigay sa akin. Si Dyx naman ay pasimpleng sumandal sa pader na malapit kila Ate Sapphire at kunyaring may hinahanap sa kanyang bagahe.

"Huh? Hindi naman na siguro kailangan pa." Pagsagot ni Ate Sapphire at umubo.

Napalingon kami sa direksyon ni Kuya Lathian nang bigla itong tumayo at agad na tinulungan ni Kuya Jobo. Umiling si Kuya Lathian at sinabing kaya naman daw niya tiyaka dahan-dahang lumapit kila Kuya Glenson.

"Where are you going?" Seryoso nitong tanong sa mahinang tono. "Can I come?"

Nangunot ang noo nila Kuya Krypt. "Bakit? Baka kailangan ka pa nila Gakane."

Kuya Lathian averted his eyes. "No, they don't need me."

Ilang segundo bago sumagot ang isa sa tatlo. "No, Lathian. Hindi ka rin pwede sumama sa amin."

"Saan ba kayo pupunta?" Pagsingit ni Dyx at inayos ang strap ng bagahe.

Walang sumagot sa kanilang tatlo. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o hindi nang makita ko ang isang segundong pagdaan ng kaba sa kanilang mga mukha dahil sa tanong ni Dyx.

"Let's leave first." Deklara ni Kuya Lathian at iika-ikang naglakad paalis.

Nagkatinginan kaming lahat at walang salitang sumunod ang tatlo sa lalaki. Hindi ko alam kung pipigilan sila o hahayaan. Baka magalit si Ate Garelle. Tiningnan ko si Kuya Jobo, nagtatanong ang mga mata kung anong pwedeng gawin sa apat pero kahit siya ay walang masabi.

"Sa loob palang ng kastilyo pakiramdam ko ay may kakaiba sa tatlo." Pagsasalita ni Dyx habang nakatanaw sa apat na malayo na sa amin.

"Bakit hindi ninyo po sila pinigilan?" Tanong ko sa kanilang dalawa nang makalapit si Kuya Jobo sa amin.

"Halata kasing hindi sila mapipigilan." Sagot ni Kuya Jobo. "Nakikita mo ba ang galit sa mga mata ni Lathian? Halatang pinipigilan niya ang sariling manakit dahil sa galit."

Bumalik sa isip ko ang eksena kanina. "Totoo kayang may relasyon sila ng babaeng vampire hunter?"

"Hindi naman magagalit 'yon kung hindi totoo." Tugon ni Dyx at sabay kaming tatlong napalingon nang maunang nakalabas si Ate Garelle.

"They left us, didn't they?" Malamig nitong sabi na kinataas ng mga balahibo ko. Tinanaw niya ang kanang daanan kung saan dumaan ang apat.

"How did you know?" Tanong ni Dyx.

"Nakaharap dito ang bintana ng kwarto namin." Pagsagot ni Kuya Axalus at inayos ang pagkakahawak sa kanyang bagahe.

Walang nakaimik sa aming tatlo hanggang sa marinig ang buntong hininga ni Ate Sweet. Malungkot itong ngumiti nang mapatingin sa amin.

Thy Brink Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon