TBOD 23

162 9 0
                                    

Castle of Snakus - Library - 12:34

// Garelle //

Bawat araw na lumilipas ay ang laging paglapit ni Larissa kay Arnee. Hindi ko naman sana iyon papansinin pa pero kinukulit ako ni Arianna na huwag magpatalo kay Larissa. Simula nang sabihin ko ang tungkol sa kinaing prutas ng babae ay hindi na mawala-wala ang tingin nila rito na para bang binabantayan ang kanyang kilos.

"Bakit hindi ka pa kasi sumama sa pamilya mo?" Pasinghal na sambit ni Dyx kay Larissa. Kagaya ni Arianna ay nadadagdagan ang inis nila sa babae. Nalaman niya ang tungkol sa ipinagbabawal na prutas nang madulas ang bibig ni Arianna.

Inosenteng nilingon siya ni Larissa. Nakaupo kaming lahat sa paikot na lamesa. Inanyayaan kami ni Bryne na pumunta rito. Nandito rin si Aurum at Jobo. Magkatabi nang upuan sina Arianna at Larissa kahit na patagong sinasabi sa akin na ayaw niya rito.

"Dumating sila noong kasal, hindi ba? Inalok ka na ni Drivio pero bakit tumanggi ka pa?" Aniya. Magkatabi kami nito at sa kanan ko si Sweet kaya ramdam na ramdam ko ang inis sa kanya. Pasimple naman akong uminom ng tubig habang nakikinig sa kanila.

"Ano bang masama? Pansin kong nakaraang linggo ka pa inis sa akin ah?" Nakasimangot na tugon ni Larissa at inilibot ang paningin sa aming lahat. "Nasaan nga pala si Kuya Arnee?"

Mahinang napasinghap si Dyx at sarkistong tiningnan si Larissa. "Bakit? Ano naman kung wala siya rito?"

"Umalis siya? Bakit hindi ko alam? Saan nagpunta?"

Hindi siya sinagot ni Dyx at pairap na umiwas ng tingin samantalang ako ay medyo naiinis na rin pero hindi naman nila mahahalata iyon. Nagkasalubong ang paningin namin ni Arianna at ngumiti siya sa akin.

"Masama bang magtanong? Huwag n'yo naman masamain, kaibigan niya rin naman ako." Dugtong ni Larissa at mahinang bumuntong hininga.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Tabitha na may malaking ngiti sa labi. Mabilis siyang lumapit sa asawa at walang hiyang hinalikan ito sa pisngi. Sabay na pangiwi ang mga labi ng magpinsan pero hindi iyon inalintana ni Tabitha.

"Good afternoon, friends!" Masaya niyang bati sa amin.

"Friends? Si Bryne lang kaibigan namin." Mataray na saad ni Dyx na ikinataas ng kilay ni Tabitha sa likod ng upuan ni Bryne.

"Wala akong pake kaya pwede ka na makaalis." Mataray ring tugon nito at umirap. "Bakit ba kasi sila ang mga kaibigan mo, love? They look cheap and attitude."

Napangisi ako kaya napatingin siya sa akin. Kaharap ko sila ni Bryne kaya umarko na naman ang kanyang kilay.

"Garelle, right? You're very ugly. Hindi ka nababagay rito." Aniya na kinalaki ng ngisi ko. Masama naman siyang tiningnan ni Arianna. 

The last time we saw each other was at their wedding.

"Sa tingin mo nababagay rin ang isang katulad mo rito, sigattharius? Dirty blood." I backfired na kinasalubong ng kilay niya.

"What the fuck?"

"Garelle." Matigas na suway ni Bryne kaya naibaling ko sa kanya ang paningin.

"How did she know that?" Nangangalit na nitong sabi. "Did you tell her, Aurum?" Mapang-akusang wika.

"What? Ano naman pake ko sa'yo para ipagkalat ang katangian mo?" Salubong ang kilay na tugon ni Arao.

"Imposibleng ipagsabi ni Bryne! He promised that he wouldn't tell anyone." Napapasimangot na nitong saad.

"She's Garelle Kane Landers, if you forget." Simpleng usal ni Jobo.

"And so?" Inis na lingon sa kanya ni Tabitha. "Ang ibig mo bang sabihin na alam niya na kaagad kahit wala pang nagsasabi sa kanya?"

Thy Brink Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon