TBOD 06

209 11 5
                                    

"Sa sala na ako matutulog." Pahayag ni Axalus dala ang unan at kumot paalis ng kwarto.

"Where should I sleep?" Tanong ni Arnee habang nakasandal sa pader at nakatingin sa akin. Hindi ako sumagot at nilingon ang natutulog na hari. "Your chain is dangerous, Gakane. It might kill him."

Napapikit ako at napamasahe ng noo. "Hindi ko alam ang gagawin sa kanya." Paos kong sagot. "Hindi siya sasama kung hindi ko pa papatulugin."

Parang kanina lang, ayoko siya makita at napatakbo pa dahil nabigla ako sa pagpapakita niya. Hindi talaga ako handa makita pa siya kahit na... 

Ngayon, normal kaming nag-uusap na para bang walang nangyari kanina. Para bang walang taon na hindi kami nagkahiwalay at kaswal lang sa isa't isa---napipilitan ako makipag-usap.

"Why don't you make a sleeping potion?" Suhestyo niya na kinamulat ko.

"Hindi pa ako marunong."

"You know how to make it but you forgot what are the ingredients." Tugon niya na kinatahimik ko. "I was the one who taught you how to make a sleeping potion but I guess, you forgot about it."

Iniwas ko ang mga mata dahil tama siya. Hindi ko na maalala kung ano ang mga kailangan sa paggawa ng sleeping potion.

"I can make it for you."

Umupo ako sa harapan niya at tiningnan siya. "Wala tayo sa'ting mundo kung saan ang kailangan mo."

"I'm a traveler."

Nginisian ko siya. Ngising hindi nagustuhan ang sinabi kaya natahimik siya nang mapagpatanto iyon.

"I know," malumanay kong tugon. Imbes na dagdagan pa ang sinabi ay tiningnan ko nalang ang lahat ng sugat at pasa niya bago bumuga ng hangin. "Heal yourself."

"Heal me."

Hindi ko pinakinggan ang sinabi niya at sinuri ang pagbabago niya. If Axalus has curly hair, then Arnee has side-parted jet wavy hair. They look like twins but not really. Matanda ng limang na taon sa amin ang lalaking kaharap ko. Matulis siyang tumingin at laging seryoso kung magsalita.

"What are you thinking of me?" Taas-kilay niyang tanong na mas lalong kinaseryoso ng boses. "Are you planning to get away from me?"

"Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam?" Pambabara ko at tamad siyang tiningnan sa mga mata.

"Lynslay... I always care about you." Maramdaming aniya.

"Garelle is my name, Arnee." Paalala ko sa malumanay na tono at tumayo. "Aayusin ko na ang higaan para sa'yo."

Napalingon ako sa pintuan nang pumasok si Laurine at ipinakita ang dala. "Medical kit para sa kanya." Pagnguso kay Arnee. "Kailangan niya magamot."

Lalapit na sana siya kay Arnee ngunit umiling ito. "Please let Gakane heal my wounds."

Napatango si Laurine at inabot sa akin ang plastic box. "Good night sainyong tatlo." Aniya nang maabot ko at ngumiti siya bago umalis.

"Will you?" Nakatingalang tanong sa akin at sa hawak ko. Lumapit ako sa kanya at umupo sa gilid. "Thank you."

"Hindi ako ang gagamot sa'yo." Malamig kong sabi nang mabuksan ang kahon at inilagay sa kandungan niya. "Kasalanan mo 'yan kaya gamutin mo mag-isa."

"You're hurting me."

"Hindi ko kasalanang nasasaktan ka."

"You've changed."

Nahimigan ko ang lungkot sa seryoso niyang sinabi kaya napaiwas ako ng tingin at lumunok. Naapektohan ako sa sinabi niya.

Thy Brink Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon