TBOD 10

188 11 0
                                    

// Sweet Molventte //

Suminghap ako ng hangin bago ibinuga iyon. Nandito na naman kami sa hospital, nakaupo at nakatingin sa kaibigang walang malay. Gustuhin man siya painumin ng healing potion ni Arnee pero hindi ito makakuha ng tyansa dahil sa magkakapatid na gustong magbantay kasama siya. Lalo na si Laurine.

Nakatayo ako malapit sa banyo habang tinitingnan si Axalus at Laurine nakaupo sa sofa habang si Larissa at Mama Nina ay tahimik na nag-uusap malapit sa bintana. Umalis si Arnee pagkarating ng Ginang at Larissa.

Tatlong araw na simula ng mangyari ang aksidente. Kailangan pang-suriin si Gakane at paniguradong matatagalan kami sa mundong ito. Napayuko ako at hindi na alam ang gagawin ngayon. Hindi namin magagamit ang itim na perlas dahil si Gakane lang ang kayang magpabuhay sa bagay na iyon. Sinubukan namin ipagtuloy ang paghahanap pero hindi talaga namin mahanap ang hari.

"Baka pumuntang ibang bansa." Saad sa amin ni Larissa noon. "Hindi lang ito ang lugar sa mundo dahil marami sila."

Bumukas ang pintuan at pumasok si Lincoln. May dala siyang tatlong plastic at lumapit sa lamesa na katabi lang ng higaan ni Gakane para ilagay doon ang dala.

"Papa ano po 'yan?" Tanong ni Larissa at iniwan ang ina. "Hindi ba't pinagbabawal ang fastfood dito?"

"Tayo naman ang kakain at hindi ang pasyente." Sagot ng ama at binigyan kami isa-isa ng pagkain. "Maghahapunan na, kailangan ninyo kumain."

"Hindi pa ba s'ya nagigising?" Tanong ni Lincoln pagkatapos kami bigyan lahat.

"Hindi pa po." Sagot ni Laurine sa malungkot na tono. "Sana ma-operahan na siya."

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa operang sinasabi nila pero may kutob akong kakaiba iyon. Anong magyayari kay Gakane? Ang sabi ng doctor ay malala ang nangyari sa likod niya at mas lalong naapektuhan ang ulo niya na kinabahala nila na baka ma-coma siya.

Nakatayo akong kumakain habang pinapakinggan ang usapan nila.

"Sweet, saan pumunta si Arnee?" Nag-aalalang tanong ni Mama Nina.

"Huwag ho kayong mag-aalala, baka naglibot-libot lang." Sagot ko. Dinidistract lang niya ang sarili.

Makalipas ng ilang oras ay umuwi na silang tatlo pero naiwan naman kami ni Laurine at Axalus. Umusog si Axalus kaya napausog din si Laurine para makaupo ako.

"Pasensya na, kung mag-isa ko lang naiwasan ang pabagsak na chandelier ng Mall na 'yon siguradong hindi 'to mangyayari." Mahina at nagsisising saad ni Laurine. Tinapik naman siya ni Axalus.

"Paulit-ulit mo na sinasabi 'yan, Laurine. Okay lang 'yan, ginusto ka rin naman niya iligtas." Turan ng lalaki.

May iilang bagay ang nakalagay kay Gakane at may benda siya sa ulo. Mahahalata mo ang iilang sugat at pamumutla niya.

"Ilang beses pa ba siya magpapakamatay?" Pabirong sambit ko na kinatingin nilang dalawa sa akin. "Wala pa tayo sa kalahati ng misyon pero ito siya, nangunguna sa mamamatay."

"Misyon?" Tanong ni Laurine.

"Laurine." Pagtawag ko at nilingon siya. "Kung sakaling magising siya, sana pakinggan n'yo ang sasabihin niya."

"Katulad ng?"

"Hindi ako ang dapat na magsabi kaya hintayin mo nalang siya."

Tumango siya at sabay naming nilingon ang natutulog na kaibigan. Napakapayapa niya kapag natutulog at hindi mo katatakutan dahil hindi bukas ang kanyang patay na mga mata. Kailan kaya niya ibabalik ang sariling kapisikalan?

Thy Brink Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon