// Larissa //
Nagulat ako nang magsiliparan ang mga kadenang na sa kamay lang namin kanina papunta sa direkyon ni Gakane. Napatigil si Dharyx sa kanyang ginagawang pagpapahirap nang makita ang nangyari kaya naghahabol ang hiningang bumagsak sila Dyx sa lupa. Saktong paglingon niya kay Gakane ay nahampas siya nito sa tyan na kinatalsik niya at bumagsak sa harapan ni Emovere.
Ngunit ang mas hindi namin inaasahan ang paggalaw ni Lauwart. Nanlaki ang mga mata ko nang may mabuo siyang apoy sa mga kamay at itinutok iyon kay Garelle.
"LAUWART!" Pagsigaw ng kanyang kapatid.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at nagsitaasan na naman ang mga palahibo.
Akala ko ay masusunog na ng tuluyan si Garelle pero katulad ni Dharyx ay tumilapon din si Lauwart at bumagsak sa lupa. Nabuhayan ako ng loob nang makita ang pagsulpot ni Arnee sa harap ni Garelle habang nakataas pa ang kanang kamay.
"A-arnee..." Nanginginig sa sayang usal ni Sweet pero nagkamali ako dahil naiyak ito lalo. "Please! Stop this fight!" Galit niyang sigaw. "D-do not... do not provoke him..." Nanghihina niyang bulong sa huli.
Ang pag-asang naramdaman ko ay nawala ng marinig iyon. Anong ibig niyang sabihin?
Humangin ng malakas kaya niyakap ko ang sarili at hinayaang liparin ang buhok ko. Bumagsak ang luha ko nang maramdaman ang takot dahil sa lakas ng enerhiyang nagmumula kila Garelle at Arnee. Mas nangilabot pa ako nang marinig ang sunod sunod na malalakas na tawa.
"F-fuck!" Nanginginig sa lamig na bulalas ni Blaze kaya napalingon ako sa kanya at agad na ginapang para matulungan paupuin ng maayos. "T-thanks." Hirap niyang sabi na hindi ko tinugunan.
Nakatayo na si Dharyx at gumawa ng air ball para patamain iyon sa dalawang magkasintahan pero hindi pa ito nakakalapit nang mawala ito sa kalagitnaan ng pag-atake sa isang galaw ng kamay lang ni Kuya Arnee. Nang tumagilid siya at makita ko ang kulay ng kanyang mga mata ay nanghina ako. Akala ko ay ito na ang pinaka magandang kulay ng mata ang nakita ko pero hindi pala. Hindi pala masayang makita iyon.
"HAHAHAHA TOO WEAK!"
Imbes na matawa ay mas lalo akong natakot sa paraan ng kanyang pagtawa. Hindi ko rin napansin kung paano nakalawa ang tatlong prinsipe sa loob ng mahika at naglabasan ang kanilang mga sandata. Natauhan lang ako nang makalapit sa akin si Kuya Drivio at mahigpit akong yinakap kahit na nakasandal sa akin si Blaze.
"Thank god that you're okay." Aniya at maluwag na huminga.
"Emovere, NO!"
Bumalik ang aming atensyon nang sumugod si Prince Emovere kay Kuya Arnee pero tumalsik lang ito nang may tumama sa kanyang air ball na galing kay Prince Dharyx.
"What the fuck is he doing?" Pag-react ni Kuya Drivio sa ginawa ni Dharyx.
"They are trying to kill that guy on their own." Paglapit sa amin ni Prince Bryne habang pinapaikot sa kanyang kamay ang espada at tiningnan ako ng malalim. "Stay away from her because I'll kill that bitch."
"Bitch?!" Galit na sigaw ni Kuya Drivio at tumayo. Itinutok niya ng espada si Bryne. "My sister is not a bitch!"
"Sister, huh?" Mapanuya niyang tugon. "She almost killed my unborn baby, just so you know."
"W-what? It was Garelle's fault!" Pagdepensa ko sa sarili.
"Shut up!" Galit nitong sambit sa akin at sinamaan ako ng tingin.
Nagulat ako nang sabay na tumalsik ang dalawa nang matamaan sila ng air ball at tunog na tunog ang pagkakasalpok sa mga puno. Pagkabalik ko ng atensyon sa gitna ay nakitang nagkakalat na pala ng hanging elemento ang prinsipe kaya wala sa sarili akong napayakap kay Blaze dahil sa paglamig ng paligid.
BINABASA MO ANG
Thy Brink Of Death
Tiểu Thuyết ChungENCOUNTER SEASON #2 What could have led her to the brink of death? COMPLETED Tagalog-English Date Started: December 26, 2020 Ended: March 07, 2021 (Cover is not mine. Credits to the rightful owner)