TBOD 12

178 10 0
                                    

// Arianna Isabella //

Tahimik kong pinagmasdan ang babaeng kumupkop sa akin at unti-unting napangiti nang maalala ang eksena sa bahay kung paano ako kuhain ni Kuya Arnee kay Ate Maria.

"She's my younger sister." Diretsong sabi ng lalaking nagligtas sa akin kagabi. Nagulat ako nang dumating siya at dire-diretsong pumasok sa bahay. Nang makita niya si Ate ko ay mabilis niya iyon sinabi.

Parang kanina lang ay hinatid ako ng kambal tapos ngayon ay may ganap na naman. Hindi ako nakaimik at hinayaan ko lang si Kuya Arnee, ayan daw ang pangalan niya sabi ni Julius. Tama nga ang hinala kong may relasyon sila ni Ate Garelle dahil sa kilos ng mga ito. Hindi narin ako magtataka kung bakit sila magkasama kagabi.

Napatayo si Ate sa pagkakaupo at hinila ako. "Sino ka? Bakit bigla-bigla ka nalang pumapasok dito?" Sambit ni Ate tiyaka ako itinago sa likod niya.

"I'm Arnee, Arianna's older brother. I have to get her because our parents is looking for her." Diretso niyang sagot. Tinitigan ko siya para alamin kung totoo ang sinasabi niya pero wala akong mabasa kun'di kaseryosohan.

May pumitik sa puso ko para tumibok iyon ng malakas. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi. Hindi ko ramdam ang sinasabi nilang lukso ng dugo kaya nagdududa ako. May plano ba siya? Sila? Bakit niya 'to ginagawa?

"Since baby, ako na ang nag-alaga kay Arianna, paano mo nasabing kapatid mo siya? At kung kapatid mo 'man siya, bakit wala kayong kwenta?" Galit na saad ni Ate kaya napalingon ako sa kanya. Nanunubig ang kanyang mga mata na kinasakit ng puso ko. Madalas siyang umiyak dahil sa problema at nasasaktan ako dahil doon.

"K-kuya, tumigil ka na po." Pagbaling ko sa lalaking nakatayo sa aming harapan. "Huwag ka na magsinungaling."

Nakinig siya pero iginiit parin ang kagustuhan.

"Garelle wants to get you, Arianna. We need to leave this city." Pag-amin niya na kinatahimik namin.

"Arianna," pag-ikot sa akin ni Ate Maria. Naiiyak siyang tumingin sa akin at niyakap ako. "Nararadaman kong nagsasabi siya ng totoo pero ikaw ang tatanungin ko, gusto mo bang sumama sa kanya?"

Hindi ko napigilan ang sariling maiyak at yakapin si Ate Maria. Hindi ko siya gustong iwan pero ang naramdaman ko kagabi ay kakaiba. Pagkayakap ko kay Ate Garelle ay pakiramdam ko ligtas ako. Pakiramdam ko matagal ko na siyang gusto makita kahit na hindi pa kami nagkikita. Sa ilang oras naming pagsasama, parang ayaw ko na nga mahiwalay sa kanya.

"Arianna?" Pagtawag sa akin sa gitna ng iyakan.

Tama ba ang gagawin ko? Hindi naman masamang tao ang kukuha sa'kin at maiiwan lang ako rito kapag umalis na si Ate papuntang ibang bansa. Tama ba ang oras? Tama ba ang panahon? Eksakto na ba ang lahat?

"A-ate, g-gusto ko." Napapaos kong sagot.

"Trust me, Maria. I'll take care of her and willing to protect my sister." Malambot ang boses na wika ni Kuya Arnee nang tingnan ko siya. Hindi na siya gaano kaseryoso pero hindi rin kalambot kung tumingin, sakto lang.

"K-kailangan ko ayusin ang mga gamit mo." Aniya sa akin pagkahiwalay sa pagkakayakap.

"No please, we don't need her things." Pagsingit ni Kuya Arnee na kinalingon namin sa kanya.

"H-huh? E, kailangan n'ya ang mga iyon."

Umiling ang lalaki. "Just give her the important thing before we leave."

Nang ibalik sa akin ang tingin ay ngumiti si Ate Maria. "Saglit lang."

Makalipas ng ilang minutong pagkaalis niya ay may dala-dala na siyang maliit na kahon at binuksan iyon. It's a rose gold necklace with a pendant of A. Inalis niya ito sa lagayan at isinuot sa akin.

Thy Brink Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon