4 months later...
// Blaze Yazzi //
"Hello guys! How are you all?" I greeted them with a big smile and closed the door behind me.
"Maayos naman." Answered by pretty babe and gave me a smile. "How are you feeling, Blaze? Magaling ka na ba talaga?"
"Yes, Sweet. Maayos na ako at pwede na makipag sapakan." I said and chuckled as I put the paper bag on the side table. My eyes went to sleeping beauty and sat on the bed. "Hello, sleeping beauty. When are you going to wake up?" I reached her hand and gently caressed it.
"Hey, Yazzi."
"Yeah?"
Binitawan ko ang kamay ni Arianna at umikot para makita silang tatlo. "By the way, where's Axalus?"
"May inasikaso lang." Sagot ulit ni Sweet at uminom ng soda in can.
"Why are you calling me, Fetalino?" Pagbaling ko sa taong nasa gitna nila at tinaasan siya ng kilay.
"What do you think about Lauwart?"
Hindi kaagad ako nakasagot kaya nagkaroon ng panandaliang katahimikan. I love my best friend but what he did was wrong. Apat na buwan na simula nang bumalik kami sa mundong ito, sa bawat araw na dumadaan ay hindi ko makakalimutan ang mala-kriminal na ginawa ng aking kaibigan. Like dude, we are stubborn but not a killer. Inis ako sa ginawa niya pero hindi ko kayang magalit. I understand him about my sister pero mali parin. Sobrang mali parin.
Hindi ako nakaimik sa kanila at umiwas ng tingin. I don't talk shits behind my friend's back. Kung magsasabi ako ng masama gusto ko harap-harapan. Gusto ko 'yung magkasapakan kami. 'Yung bulyawan hanggang maging maayos ang lahat.
"I'm back!"
Pumasok si Axalus na may dalang malaking paper bag. Lumaki ang ngisi niya nang makita ako at tumango. Tumango rin ako at nakangising sinalubong siya ng fist bump.
"Magaling ka na, ah? Gusto mo ba sumama sa'min?" Aniya habang inaabot ang paper bag kila Jobo. "Kumain ka na ba? Tara kain tayo."
Umiling ako at inabot ang paper bag na dinala ko kanina. "Here, I brought cupcakes. Gawa ni Mommy 'yan." Aniko at inabot sa kanila na kinuha naman ni Sweet.
"Thanks, bro." Pasasalamat ni Axalus na tinanguan ko lang.
"Saan ninyo ba ako isasama?" Pagbabalik ko sa tanong niya sa'kin kanina.
"We took taekwondo class and planned to join the gangster fight." Pagsagot sa akin na kinalaki ng mga mata ko.
"What?!" Bulalas ko at napahawak sa puso. "Are you kidding me? Gangster fight? Why?"
"Pfft, bakit may paganyan ka pa?" Natatawang asar ni Dyx at ginaya ang naging reaksyon ko kanina. "What? Gangster fight? Pfft!"
Imbes na mainis ay nakitawa na rin ako. "Bagay sa'yo, mukha kang tanga." Pambabara ko na kinatawa nila Axalus.
"Oww! One point for Blaze Yazzi!" Natatawang sambit ni Jobo at kumagat sa burger niya.
"Huwag ka na kumomento, ang baho ng hininga mo!" Masungit nitong saad kay Jobo na kinatawa namin lalo.
"Boom! One point for Dyx Fetalino!" Aniya ni Sweet at mapangasar na nginitian si Jobo na tumahimik pero malaki rin ang ngisi.
"Bumuo kayo ng gang ninyo?" Pagbabalik tapiko ko at sabay-sabay silang tumango. "Paano ninyo naman nalaman ang tungkol sa gang-gang na 'yan?"
"Hinarangan kasi ang sasakyan namin papunta rito," pagsisimula ni Sweet. "Tatlong motor at isang itim na sasakyan. Hindi namin alam ang rason o pakay nila at tinutukan kami ng iba't ibang klase ng baril."
BINABASA MO ANG
Thy Brink Of Death
General FictionENCOUNTER SEASON #2 What could have led her to the brink of death? COMPLETED Tagalog-English Date Started: December 26, 2020 Ended: March 07, 2021 (Cover is not mine. Credits to the rightful owner)