28 months ago...
"You're strong, Mr. Delfrion." Puna ni Arianna habang hinihingal na nakayuko.
"Easy ka lang, Tanda. Masyado pa kaming mahina." Dagdag ni Blaze habang pinupunasan ang pawis niya gamit ang likod ng palad.
Hingal akong tumingala sa langit at itinapat ang mukha sa sinag ng araw. Matapos namin sundan ang matandang lalaki ay napadpad kami sa kanyang tinitirahan, sa taas ng puno. Nakakamanghang nakakayanan ng iisang puno ang malaking bahay sa tuktok nito. Sa una ay hindi siya mapapansin sa ibaba dahil natatakpan ng maraming dahon galing sa iba't ibang puno pero nang makaakyat kami ay hindi talaga kapani-paniwala.
Hindi katulad ng sinabi ni Mr. Delfrion na sasabihin niya ang lahat pero may iilang sekreto naman siyang binunyag. Gusto ko man itanong sa kanya kung paano niya nalaman ngunit pinigilan ko ang sarili. Siguro dahil sa kanyang karanasan o kaalaman.
"You can defeat me, children. Teamwork and communication are the keys to success." Taas-noong wika ni Mr. Delfrion.
"I thought training without the headmaster's permission was against the rules?" Kunot noong tanong ko at pinunsan ang bumababang pawis sa leeg. Napatingin naman silang lahat sa akin.
"Sigurado ka?" Tanong ni Axalus.
"Natatandaan ko rin." Saad ni Dyx at nilingon ang matanda. "Bawal ang ginagawa natin, hindi ba? Pwede tayo hatulan ng kamatayan."
Nagkaroon ng katahimikan nang banggitin iyon ni Dyx. Nagkatingnan pa kaming lahat habang hinihintay ang isasagot ni Mr. Delfrion.
"I'm a dark magician." Pagsabi niya na kinagulat naming lahat. Bigla tuloy akong kinabahan dahil ito ang unang pakakataong makakilala ng isang dark magician.
"How did you get out?" Takang tanong ni Sweet na para bang wala lang sa kanya ang sinabi ng matanda.
Hindi nakasagot si Mr. Delfrion at tinusok ang espada sa lupa. Umihip ang hangin at nagliparan ang iilang itim na ibon. Inikot ko ang paningin para tingnan ang mga kaibigan.
"What do you mean, Sweet?" Tanong naman ni Dyx.
"There is a boundary between us and them, Dyx. Tuwing may lalagpas sa linya ay ikamamatay mo ito kaya nakakapagtakang nakaalis siya nang hindi namamatay." Pagsagot ni Sweet nang hindi nililingon si Dyx.
"We have no leader to stop us from going in and out of the boundary, Sweet Molventte." Pagsasalita ni Mr. Delfrion at sumeryoso ang mukha. "What you said is not true, hindi kami o kayo mamamatay kapag lumagpas kayo sa linya."
"What?" Sabay-sabay naming sinabi.
"Yes." Pagtango ng matanda. "Simula nang mamatay ang huling reyna ay nagkagulo na ang aming kaharian. Hindi n'yo alam pero marami nang lumalabag sa batas at nakakalabas-pasok sa apat na kaharian."
Kinalibutan ako. Ibig sabihin pwedeng may nakilala na ako pero hindi ko lang nahalata.
"Bakit... hindi 'to pinaalam ni Headmaster?" Naguguluhang usal ko.
"I don't know." Tugon ni Mr. Delfrion.
"Ano namang konektado ng pagiging dark magician mo sa hatol ng kamatayan namin?" Napapataas na kilay na tanong ni Blaze.
"Hindi sakop ng lugar na 'to ang kapangyarihan ng headmaster ninyo." Aniya at patay ang mga matang ngumisi. An old male version of Garelle. "And I'm a dark magician, I can control this dark forest."
"So, you're going to kill us?" Tanong ni Arianna na medyo takot.
"No."
"Because we're guardians?" Dugtong pa.
BINABASA MO ANG
Thy Brink Of Death
General FictionENCOUNTER SEASON #2 What could have led her to the brink of death? COMPLETED Tagalog-English Date Started: December 26, 2020 Ended: March 07, 2021 (Cover is not mine. Credits to the rightful owner)