// Larissa //
Natulala ako habang umiiyak. Ilang araw na ba ang nakakalipas? Ilang araw na rin ako palakad-lakad sa kagubatan. Hindi ko alam kung paano pa ako nabuhay samantalang mga prutas nalamang ang kinakain ko. Hindi ko alam kung nasaan na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Simula nang pumasok kami sa lagusan ay hindi ko mawari kung paano ako napahiwalay sa ama. Alam kong magkahawak ang aming mga kamay pero bakit pagkagising ko ay nasa liblib ako ng malaking puno, nag-iisa, at hindi na muling nakita ang ama. Sinubukan ko ang maglakad-lakad na baka sakali may matagpuang mga tao pero wala.
"A-ano na gagawin ko?" Naiiyak ko na namang bulong sa sarili at napaupo sa lupa.
Mabubuhay pa kaya ako nito? Makikita ko pa ba si Papa? Makikita ko pa ba sila Garelle?
Sana may makahanap sa akin.
Natigil ako sa pag-iyak nang makarinig ako ng takbo ng kabayo. Sigurado akong takbo ng kabayo! Pinunasan ko ang mga luha at napatayo dahil nabuhayan ako ng pag-asa. May tao! May... tao?
Napaikot ako sa kinakatayuan para hintayin ang paparating na kabayo. Nang maramdaman kong malapit na ito ay nagulat ako dahil kabayo lang talaga ang nagpakita sa akin. Puting kabayo na may tatlong bagahe. Napatigil ito nang makita ako at malakas na humiyaw.
Mabilis ko siyang nilapitan para patahanin.
"It's okay, you're okay. Okay ka sa'kin dahil mabait naman ako." Malambing kong saad dito at napangiti nang makinig ito. Hahawakan ko na sana ang mga bagaheng nakasabit sa kanya nang humiyaw na naman ito at lumayo sa akin.
May amo. Sigurong napahiwalay lang siya rito.
Napangiti ako sa ginawa ng kabayo. Kahit na magkahiwalay sila, iniingatan niya parin ang mga gamit ng amo. Napakabait naman nito.
"S-sorry, hindi ko na pakikialaman." Aniko nang tingnan ako ng itim niyang mga mata. Ang ganda niya. Kanino kaya siya?
"Kumain ka na ba? Nagugutom o nauuhaw?" Pagtatanong ko at kinuha ang saging sa lupa para ipakita iyon sa kanya. "Kumakain ka ba nito? Pasensya na dahil ito lang ang mayroon ako."
Hindi sumagot ang kabayo kaya napakamot ako ng ulo. Kung nakakausap lang ako ng hayop e'di sana malalaman ko iniisip nila sa amin.
"Hindi pa ako kumakain."
Nagulat ako sa biglaang boses na pumasok sa isip ko at nabitawan ang saging. Napaantras ako habang nanlalaki ang mga matang napatingin sa kabayo.
"May abilidad ka, binibini."
It's not a question but a statement!
"H-huh?" Natatanga kong usal. "P-p-paano m-mo ako...."
Nababaliw na ako. Sa tagal kong hindi nakakain ng maayos siguro nabaliw na ako.
Totoo bang prinsesa ako? Alam ko namang hari ang papa ko pero hindi parin ako siguradong prinsesa ako. Ito na ba ang sinasabi niyang abilidad? Abilidad kong makausap ang mga hayop? Ganito rin ba si Papa? Hinihiling ko palang pero nagkatotoo na.
Epekto 'to ng hindi makatulog at makakain ng maayos. Alam ko! Kasi ngayon nararanasan ko na.
"Ang pangalan ko ay Raster at ang amo ko ay si Gakane."
Napakurap ako. Gakane? Narinig kong tinawag noon ni Sweet at Axalus si Garelle na Gakane. Hindi imposibleng coincidence lang 'to.
"Kilala ko siya!" Masayang sambit ko. "Kaibigan ko siya!"
Imbes na matakot ay ipagdiriwang ko nalang 'to. May abilidad nga ako. Sigurado na akong kabilang ako sa mundong ito.
"Mabuti."
BINABASA MO ANG
Thy Brink Of Death
General FictionENCOUNTER SEASON #2 What could have led her to the brink of death? COMPLETED Tagalog-English Date Started: December 26, 2020 Ended: March 07, 2021 (Cover is not mine. Credits to the rightful owner)